Chapter 34

601 39 0
                                    

Charm's POV

sobra akong nagulat nung inamin nya sakin na sya si confession sa loob ng apat na taon sa kanya ako nag kukwento ng mga nangyayari sa buhay ko as in lahat lahat na ng secret ko alam nya tapos bigla nyang aaminin na sya si confession kamusta naman yun para akong binuhusan ng malamig na tubig nung sinabi nya na kaharap ko na si confession at sya nga yun, ayokong maniwala ayoko ding marinig yung mga sinasabi nya na gusto nya ko na crush nya ako high school pa lang kami na mahal nya ako dahil ang iniisip ko that time baka naawa lang sya sakin kse nabasa nya yung confession ko kaya siguro nilalandi nya ako kasi ayaw nya lang na mag muka akong tanga sa harap nya, dumaan pa ang mga araw yung sinabi nya na liligawan nya ako ginawa nya nga yun oo natutuwa ako pero mas nangingibabaw yung inis ko sa kanya ewan ko ba ang weird ng feelings ko binig igyan nya ako ng flowers chocolates pinag luluto nya din ako pero di ko tinanggap yun hindi sapat yun para mawala yung inis ko sa kanya hanggang sa nag effort na talaga sya nag handa sya ng mga pagkaing paborito ko as in lahat sya yung nag luto tapos habang kumakain kami biglang may narinig akong nag gigitara tapos kumakanta pa unang linya pa lang alam ko na si lance yung kumakanta at oo sya nga bigla syang sumulpot na may bitbit na gitara habang kumakanta tapos grow old with you pa yung kinanta nya honestly lumambot ako don natuwa kasi nakaramdam ako ng sincerity sa kanya talagang seryoso sya sakin parang totoo talaga yung mga sinasabi nya pero syempre hindi ako bumigay agad gusto kong makita kung hanggang kailan nya kayang panindigan yung sinabi nyang mahal nya ako kung mabilis ba syang sususko sakin oh pag titiisn nya yung ugali ko pag nagawa nya lahat yun sure na ako na totoo yung sinasabi nya na mahal nya ako

Tapos na yung shift ko nung makita ko sila nila allan na nag cocoffee sa labas ng restaurant parang nag papahinga sila tapos after nun parang uuwi na din sila kaya kinapalan ko na din yung muka ko naki upo ako sa table nila buti na lang boto sakin sila allan at jackie hindi ako masyadong nag mukang tanga slight lang

Lance: uy may meeting ba kayo?

Jackie: wala chef nag papahinga lang kami after nito uuwi na din kami

Lance: ah ganun ba pwede bang maki upo sandali?

Allan: oo naman chef ikaw pa ba malakas ka kaya samin, samin lang pala ni jackie

Lance: alam mo ba yung nauuso na game ngayon sa youtube

Allan: anong game?

Lance: yung "You Laugh You Lose"

Jackie: ay alam ko na yan yung mag babatuhan tayo ng joke pero dapat walang matatawa ang tumawa talo

Lance: tama ano game

Allan: sige basta kampi tayo chef

Jackie: ay ang landi mo talaga so pano ako 2 vs. 1

Allan: ano ka ba apat kaya tayo dito ayan si mam mela oh partner kayo

Charm: ayoko wag nyo ko isama dyan kayo na lang

Allan: ay ang kj naman sige na mam pang alis stress to kaya go na

Jackie: oo nga sige na mam mela para may partner ako

Allan: oh kaya partner na lang tayo jackie tapos sila ni chef lance yung partner..... oo nga sabi ko nga kami na lang ni chef kayo ni mam mela

Lance: ano game na tayo ha

Jackie: wait lang sino mauuna?

Lance: si allan

Allan: wait lang kapag ako yung nag joke si jackie yung sasagot ha I mean kami magkalaban tapos kayo ni mam mela

Jackie: oo na sige na dami pang dada game na

My Secret Crush (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon