Graduation day
Nag iiyakan mga classmates ko dahil mag hihiwahiwalay na kami, si charm din sobra makaiyak habang kasama nya yung mga kaibigan naming babae, lumapit sakin si lawrence at tinanong nya ako kung ano na plano ko sa college.
Lawrence: lance ano plano mo sa college san ka mag eenroll eh isa lang yung school na nag ooffer ng culinary dito?
Lance: dun nalang ako mag eenroll sabi naman maganda din don tska may offer sila sakin na magiging part ako ng varsity mag kakaroon ako ng full scholarship
Si lawrence nag punta ng ibang bansa para mag aral yung iba naman naming kaibigan nag enroll sa malalaking university habang kami ni charm same school mag aaral.
Culinary yung course ko sya naman Mass communicationCharm: pano ba yan tayo lang magkakilala dun sa lilipatan nating school
Lance: oo nga, ayos lang yan eh di habang wala pa tayong ibang kakilala tayo muna
Charm: tayo muna?
Lance: oo tayo muna magkasama, magkasamang kumain pumasok at umuwi, bakit ano ba akala mo?
Charm: wala, eh teka lang di ba pang hapon yung kukunin mong schedule eh di hindi rin tayo magtatagpo
Lance: oo nga no, don't worry magagawan ng paraan yan kapag andun na tayo
Charm: promise ha? Baka naman kapag nakakilala ka ng ibang mga kaibigan mo don or baka makakilala ka ng maraming babae hindi mo na ako pansinin, naku lance pag ginawa mo talaga yun makakatikim ka sakin!
Lance: talaga anong part?
Charm: yung kamay ko isasapok ko sayo
Lance: grabe mapanakit ka, okay sige ganito nalang mag promise tayo na kahit anong mangyari through ups and downs man yan or kung ano pa yang mga problema na yan hinding hindi masisira yung friendship natin
Charm: okay sige promise ha, pinky swear
Lance: parang bata pinky swear pa, patikim na dali
Charm: ay gusto mo talaga lapit mo muka mo dali
Bakasyon, bago pumasok sa new journey ng buhay ang pagiging collage, todo trabaho ako at lagi na din ako nag oover time at madalas dinadalaw ako ni charm sa resto.
Kaya lang mukang wala talaga syang talent sa pag luluto parang mas bagay talaga sa kanya yung nag rereport report nalang yung luti nya kase parang impyerno kundi sobrang alat sobrang asim naman at yung iba wala namang lasa pero syempre pag tinatanong nya ako kung masarap eh di oo nalang ako kahit gustong gusto ka ng sabihin sa kanya na okay lang na wag na nya akong dalawin dito kase marami namang food dito, meron pa kaming pinag awayan dahil sa luto nyaIsang araw pumunta yan sa bahay sakto kami lang ni abby yung tao dun nagdala sya ng ulam beef brocoli
Charm: uy lance may dala akong food tawagin mo si abby dali kain tayo
Lance: ha tulog yata si abby eh
Charm: eh 6:30 palang kaya, ako na nga ang tamad mo, ayusin mo yan ha
Grabe iniiwas ko na nga si abby pinuntahan nya pa, si abby yung bunso kong kapatid medyo pranka kase yung batang yon kaya naku goodluck nalang.
Charm: o ayos na ba? Kain na tayo
Habang kumakain kami nag umpisa ng magsalita si abby kinakabahan ako baka kasi sabihin nya na di masarap.
Abby: ate charm luto mo ba to?
Lance: pabulong kong sinabi na oo luto nya yan behave ka ha
Charm: oo abby kamusta yung food okay lang ba?
Abby: ah opo luto naman yung beef, pwede ka na mag asawa ate charm
Charm: grabe asawa agad, sigw kain ka pa
Abby: ay hindi na po
Charm: bakit konti palang yung kinakain mo, diet ka ba?
Lance: hindi po, may dala kasing spaghetti si kuya kanina eh naparami ako ng kain
Charm: ah ganun ba sige si lance nalang kakain lahat ng to
Abby: sige po isa po yan sa favorite dish ni kuya kaya for sure ma uubos nya yan akyat po muna ako ha, kuya kainin mo lahat yan ha
Lance: HOY ABBY konti lang kaya kinain mo kanina bumalik ka nga dito, bahala ka pag nagutom ka mamaya di kita ipag luluto
Charm: hoy masyado ka naman kung maka sigaw ano ba ginawa ni abby, eh sabi pa nga nya isa to sa favorite mo, kaya kain na dali tapos sabihin mo kung okay ha
Lance: actually busog din ako eh, pero sige titikman ko na
Charm: anong tikim uubusin mo yan hano wag kang nag sasayang ng pagkain
Unang tingin ko palang alam ko nang maalat yun tapos nung tinikman ko grabe nanunuot sa alat jusko parang kumaen ako ng isang bloke ng asin yung rock salt ha gustong gusto ko isuka pero naka titig lang sya sakin tapos imagine kalahating kilo yung beef tapos kami lang uubos parang gusto ko nalang bumalik sa resto at mag over time kesa kainin ko yung luto nya
Charm: ano kamusta okay lang ba yung lasa?
Gusto kong sabihib na panget ng lasa wag ka mag luluto please lang pero syempre di ko sinabi yun, bukod sa masisira yung friendship namin masisira na din yung kidney ko sa luto nya.
Lance: ha ooookay sya luto naman yung beef sabayan mo na ako kumain di ko kayang ubusin lahat to
Charm: eh busog na ko kakatikim niluto ko talaga yan para sayo ubusin mo ha
Pano ko uubusin to napaka alat siguro pag naubos ko to wasak na yung kidney ko at kahit yung aso namin aayawan to kahit pusakal hindi kakainin to baka kalmutin pa ko.
BINABASA MO ANG
My Secret Crush (COMPLETED)
RomanceUNEDITED maraming error, typos, wrong spelling, wrong grammar kaya read at your own risk. Kwento ng dalawang magkaibigan na may lihim na pagtingin sa isa't isa, pero hindi nila maamin dahil ayaw nilang isacrifice yung friendship nila, at kung kelan...