III. Indicium

22 0 0
                                    

Erin's POV



"E-erin?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sarili kong pangalan. Kilala niya 'ko? T-teka, ba't pa 'ko nagtataka eh nakasulat na nga ang buong pangalan ko sa cassette na 'to?



"May kaboses siya." Sabi nitong Dave at tinanggal na ang earphone na nakasukbit sa kaniyang tenga. Kinuha niya muli ang cassette at pinindot ang button na tabi ng butas. "I know you need some privacy, here." Iniabot niya sa akin ang ka-pair ng earphones niya at ang cassette. "I'll just continue reading on my father's table. Approach or tawagin mo na lang ako if ok na." Akmang tatalikod na siya nang may pahabol pa siyang sinabi.



"By the way, that cassette's nice. Ang high-tech niyan ah. 2 in 1 siya, tape na, pwede pang recorder. Kaya pala may pagka-kapal." Aniya. Ang daldal ng lalaking 'to. Manang-mana sa tatay niya. Juk. Peace tayo, Mr. Linares.



Tumango na lang ako bilang sagot at pinindot na ang play button.



"I know this sounds so so weird, but please bare with me. I know in myself na mahirap ako pakisamahan pero sana pag-tiyagaan mo 'ko." Napakunot ang aking noo, para sakin ba talaga 'to? Wala naman akong kakilala na ganito kadrama. Narinig ko siyang bumuntong hininga. "Oo nga pala, mayroon akong pabor sayo, please pakinggan mo itong mensahe ko hanggang sa dulo nito. I promise naman na para sa ikabubuti mo 'to. 'Wag na 'wag mong tatanggalin ang earphones na 'yan sa tenga mo hanggang sa matapos mo 'to. Please?" Magtataka pa sana ako kung paano niya nalamang nakaearphones ako nang maalala kong siya nga pala ang nagbigay nito sakin. Huminga siya nang malalim bago pinagpatuloy ang kaniyang gustong sabihin. Tingin ko't medyo na-releive na siya kahit na 'di niya alam ang sagot ko.



"Ok, wooh! Go self!! So 'yun nga. Unang-una, ang bobo mo 'lam mo 'yon?" Napakunot ang aking noo sa aking narinig. Aba?! Tatanggalin ko na sana ang earphones ko nang maalala ko ang hinihingi niyang pabor. Ok, kalma muna tayo, Erin. Kahit wala naman talagang tayo. Aba'y na-buang na naman ako.



"Legit 'yon p're, ha? Alam mo namang may something na kakaiba dito sa cassette, 'di mo pa agad chineck kung anong meron. Tss. Pasalamat ka't nagmessa—ssss joke. Ano, nag-ano ang ano." Medyo humina ang kaniyang pananalita kaya akala ko tinapos niya na agad-agad yung record doon pero, "Uhm nevermind. Ehem ehem. Basta 'yun. Oo nga pala. Pwede ka nang makaalis diyan sa music room. Paalam ka na kay Dave. Tutal alam mo naman na kung paano ito maipagana." Pinause ko na muna ang cassette at lumapit kay Dave.



"Huy, una na 'ko ha? Salamat pala! Libre na lang kita next time na magkita tayo." Sabi ko sa kaniya at kinindatan pa siya. Yieeee kilig siya, ew. De'joke lang pogi-pogi nito eh. 'Yoko lang sabihin baka isipin nito may crush ako sa kaniya.



Natawa naman siya sa ginawa ko at, "Hay nako, walang anuman! Basta 'yung libre ko, Erin ha." Sabi niya at kinindatan din ako. Taray, close na pala kami nito? Biro lang ulit.



"A-ah. Uhm... Dave? Pwedeng pahiram muna ako ng earphones mo? Eh, nakalimutan ko kasi sa bahay 'yung earphones ko. Isasauli ko na lang bukas, tsaka bukas na rin kita ililibre. Oki? Bye!" Nakangiti kong sabi, tumango na lang siya bilang sagot at nginitian din ako. Kinuha ko na ang cassette at earphones saka nilagay sa bag ko.



Nang nakailang hakbang na 'ko mula sa pintuan ng Room 204, bigla akong may narealize. T-teka! Nakuha ko ang cassette kaninang umaga! Bakit... bakit alam niyang nasa music room ako?! Bakit alam niyang may nararamdaman akong kakaiba sa cassette na 'to?! Bakit alam niyang kasama ko si Dave?! WHAT IS HAPPENING AGAAIN?!



CassetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon