V. Hospites

19 1 0
                                    

Erin's POV





"Magandang gabi, pamilyang Torres." Bungad na pagbati sakin ng mag-ina na bagong lipat. This guy's familiar.





"Kayo ho 'yung bagong lipat, hindi po ba?" Magalang na tanong ko sa kanila.





"Oo, ija. Maaari bang tumuloy sa inyong tahanan?" Hala napakalalim naman nitong si Tita. Wow. Maka-tita, 'kala mo close eh 'no?





"Opo, sige po." Papapasukin ko na sana sila nang biglang sumingit 'tong anak niya.





"Ah, sorry to interrupt you but aren't you from thermo class?" Napatitig ako dito sa lalaki, siya ba 'yung sinasabi ni Meiro na oppa?





"Ikaw ba 'yung opp--- I mean 'yung representative ng grupo na nakatie namin?" Imbis na tanungin siya, binalik ko sa kaniya ang tanong. Napatango siya sa tanong ko.





"Sabi na eh, kaya familiar ka." Sabi niya pa, ngumiti na lang ako't pinapasok na sila sa loob.





Lumapit ako kay Mama at sinabing may bisita kami, tinanong niya naman kung sino. "Yung bagong lipat, Ma. Tama ka, ang friendly." Sagot ko sa tanong ni Mama. Lumiwanag ang kaniyang mukha at agad na pinuntahan ang mag-ina. Sumunod naman ako sa kaniya sa sala.





"Magandang gabi!" Masiglang bati sa kanila ni Mama. Pagkakita nilang dalawa sa isa't-isa ay pareho silang nanlaki ang kanilang mga mata. "Jacelin?"





"Erlinda?" Wait, what? Magkakilala sila?





"CELIN!! Ikaw nga!!" Sigaw ni Mama at agad na niyakap si Tita Jacelin or Celin daw. Aba'y ambot.





"ERLIN!" Natutuwang ika ni Tita Jacelin at gumanti rin ng yakap kay Mama. Okay?? What's going on here?





Nang makawala na sila sa isa't-isa mula sa pagkakayakap agad silang umupo sa couch at nagkwentuhan. Aba. 'Di man lang ba nila napapansin ang anak nila? Napatingin ako dito sa anak ni Tita Jacelin na blockmate ko pala sa thermo class, napansin kong napatingin din siya sakin. Nagkibit-balikat kami pareho at sinenyasan ko siyang lumabas.





"Magkakilala pala parents natin?" Natatawang sabi sakin nitong katabi ko nang makalabas kami.





Tumango ako at natatawa rin, "Oo nga eh. Small world? Joke. Teka, kakalipat mo lang din ba ng school? Kasi parang ngayon lang kita nakita sa class namin."





"Ah, oo. Actually nung isang araw pa kami lumipat, pero 'di ako agad nakapasok kasi may inasikaso pa kami ni Mommy kaya ayun, nahuli sa classes." Pagpapaliwanag niya sa tanong ko. Kaya naman pala, gusto ko pa sana alamin kung ano 'yun kaso masyado yatang personal kaya 'di ko na tinanong pa.





"Ahh, ganun ba? Uhm... Anyway, how was your first day sa school natin? Any impresion?" Pag-iiba ko ng topic. Umupo ako sa isang parte ng garden namin at inaya siyang umupo sa tabi ko.





"Well, it was fine. Lalo na kanina sa thermo, grabe first day na first day napasabak agad ako sa g'yera ha." Natatawa niyang sagot. "And also sa chem class namin, I like the teacher." Nagulat ako sa narinig kong confession niya at biglang napatingin sa gawi niya. "No, I mean I like the teacher because ang galing niyang magturo. Hindi siya nakakaantok and for sure marami kang matututunan sa kaniya." Ahh. Jusko, akala ko bet niya 'yung prof.





"Teka, sinong prof ba 'yon? Kilala mo ba?"





"Hindi nga eh, pero idi-describe ko na lang siya. Uhm... Lalaki siya, siguro nasa 30+? He has a beard, then he wears glasses pero alam mo ba kung ano ang tingin ko sa kaniya?"





"Ano?" Tanong ko at sinipa ang isang bato dito sa garden.





"Tingin ko bakla siya." Ok, tingin ko kilala ko na kung sino ang tinutukoy niya.





"Si Sir Theio? Galing naman pala ng gut feeling mo. Idol!" Natatawa kong tugon. Actually 'di halata na bakla si Sir, kakaunti nga lang kami na nakakaalam na ganern siya eh. Eh syempre 'di pinaglalandakan ni Sir na beki siya so anong karapatan naming mga estudyante niya na ipagkalat iyon 'di ba?





We respect him because he also respects us but it doesn't mean na nirerespeto namin siya dahil lang sa pagrerespeto niya rin samin. At tsaka natutuwa akong maraming profs sa school namin na ganun ang ugali. May iilan nga lang na medyo may sapi, 'de biro lang. Mabait naman 'yung iilan na 'yun, minsan 'di lang namin matiyempuhan ang pagka-gv.





"Hala totoo 'yun? Masyado kasi akong ma-obserba sa kapaligiran ko lalo na kapag nasa taong 'yun ang atensyon ko."





"Like sa akin din right now? Am I rig Teka 'di ko pa pala alam name mo." Ilang minuto na kaming nag-uusap pero ngayon ko lang napansing 'di ko pa pala alam ang pangalan niya.





"James." Natatawang sambit niya. At may paglahad pa ng kamay si koya. Natawa din ako.





"Erin." Nakangiti kong tugon at inilahad na rin ang aking kamay. "So as I was saying, you're observing me right now, aren't you?" Tanong ko ulit sa kaniya.





Nakangiting tumango siya, "Uhh... Oo eh. Nakakailang ba? Should I stop? S-sorry." Napawi ang ngiti niya at bahagyang napayuko. Bigla naman akong nakonsensya dahil namisunderstood niya ang pahiwatig ng tanong ko.





"No, no. It's okay, I don't mind. Actually, mas gugustuhin ko pa ngang pakinggan ang obserbasyon mo tungkol sa akin mamaya eh. I like hearing other's opinions about me, you know." Pagla-lighten ko ng mood niya.





"It helps me to improve on how to be a better me. Titignan ko kung match ba ang pagkakakilala ko sa sarili ko at sa nakikita ng ibang tao sakin. If not, titignan ko kung anong mas better sakin, yung pagkakakilala ko sa sarili ko or yung nakikita ng ibang tao sakin. Then I'll kinda change. Ayokong i-fully change ang sarili ko dahil I'm not trying to be perfect. I'm trying to be the better me." Nakangiti ko pang dugtong sa sinabi ko kanina.





"Wow, I never knew na ganiyan ka pala. I mean, I'm sorry ha but 'di lang halata. I think you're also an observer, aren't you?" Ohhh. That escalated quickly.





"Yep." Natatawa kong sambit. "Ay alam mo ba? Nung isang araw nga nagpaka-detective ako kasi I've felt something strange around me. And you know what? Totoo yung gut feeling ko na may something sa nakapaligid sakin. Pwede na yata akong maging detective??" Pabiro kong sabi. Muntik ko nang masabi ang tungkol sa cassette. Muntik ko na siyang mapatay. Sa isang pangungusap, muntik na kaming mamatay.





"Woah. Hey, yung strange something ba na yan, hindi siya nagcause ng harm sayo?" Nope. Tinutulungan pa nga ako eh.





"No, kita mo naman ngayon na I'm okay di ba? I'm fine." Maaalalahanin pala 'tong lalaking 'to even though ngayon lang kami nagkakilala't nagkausap. I like it.





No, not him literally but his personality. But that doesn't mean na siya mismo ang gusto ko, kakakilala lang namin?! And why am I even explaining to myself?!





"Erin? Erin! Are you okay? You're spacing out." Nabalik ang atensyon ko sa kaniya nang yugyugin niya ang mga balikat ko't tawagin niya 'ko. Was I spacing out?





"Oh, I'm fine. May naalala lang ako, are you saying something?" Please don't ask about sa naalala ko because wala talaga akong naalala!





"Care to share? Kung anong naalala mo? Baka important 'yan ha. We can resume naman our conversation some day." Woah, he's so understanding and caring. Sana katulad siya ni Kuya. And even though kasinungalingan lang yung sinabi ko, he still tried to care. No, he didn't tried. He just did.





"Uhm... no, it's not that important. I can do it naman later, I have a lot of time pa naman. So what were you saying again?" Nakangiti ko pang sabi.





"Are you sure, Erin?" Tanong niya pa, jusko ang hirap magsinungaling! Tumango na lang ako bilang sagot. "Hmm, 'kay. As I was saying—"





"Erin? James? Nasaan kayo?" Rinig naming sigaw ni Mama mula sa loob ng bahay. Seems like tapos na ang chikahan ng aming mudrabels.





"Mukhang tapos na ang reunion ng nanay natin." Rinig kong bulong sakin ni James nang papabalik na kami sa loob ng bahay. Napatawa naman ako sa sinabi niya at pinalo siya ng mahina sa braso, nakitawa na rin siya.





At sa tingin ko ay nakita ni Mama at ni Tita Jacelin 'yung hampas scene kaya natrigger na naman ang pagka-malisyosa ni mader. "Ohh, mukhang nagkakamabutihan na agad kayo ni James ha?" Ohh whatever, inirapan ko na lang si Mama.





"Pati ba naman si Erin, James? 'Di mo papalagpasin sa charms mo?" Kantyaw naman ni Tita Jacelin. Oh my. Hina-hot seat nila kami!





"Ma!" Saway naman ng katabi ko kay Tita Jacelin. Mukhang pati siya nabother sa sinabi ng nanay namin. Ipagkanulo ba naman?!





Bahagya pang napatawa silang dalawa at nagkindatan. Aba! Pinagtutulungan pa nila kami. "I'm sorry, mukhang nakulangan ng pagkain si Mama." Nakangiti pero awkward kong sabi sa kaniya.





"No, it's okay. Ako dapat magsorry sa pinagsasabi ni Mama. Wala nga 'kong charms eh. Mukhang kailangan nang magsalamin ni Mama." Napatawa kami pareho na bigla ko namang pinagsisihan dahil narinig yata nila Mama at lalo kaming inasar.





Pareho kaming nagkibit-balikat ni James sa inaakto ng mga magulang namin at tumuloy na sa loob. Nagtungo kami sa kusina upang maghapunan. Dito na rin maghahapunan sina James since may continuation pa ang chikahan nina Mama at Tita.





Habang kumakain, nakwento na rin nina Tita ang pagkakakilala nilang dalawa at kung paano sila naging close. Pareho raw silang pinasukan na high school, and classmates sila from first year to fourth pero noong third year lang daw sila naging close dahil nagka-lbm daw sila Mama at Tita Celin. Eh ang CR daw nila sa clinic ang may magandang paglabasan ng sama ng loob kaya halos lahat daw ng estudyante doon naglalabas ng sama ng loob.





Eh kaso nauna daw si Mama sa CR kaya si Tita Celin, ayun panay katok daw sa pinto ng CR ng clinic dahil sa sobrang sakit ng tiyan. Nang matapos sila pareho, nagalit daw 'yung head ng Clinic Doctor kasi ang baho daw sobra, buong clinic daw nun ang baho sobra. Kaya pinaglinis sila pareho ng CR ng clinic tapos habang naglilinis, doon daw sila naging close. Nakakaloka ang first meet nina Mama, dahil sa tae naging close sila?!





Nagkahiwalay lang daw sila nang magtrabaho si Tita Celin sa Japan. Then after daw non wala silang connections dahil pareho raw busy. Umuwi lang daw sina Tita Celin dito sa Pinas dahil naaksidente daw 'yung nakababatang kapatid ni James dito tas na-confine. 'Yun pala 'yung sinasabi ni James na inasikaso nila ni Tita Celin. Balak na rin daw nilang tumira dito sa Pinas para mabantayan nang maayos ang kapatid ni James.





Habang kinukwento nila Mama iyon ay naaalala ko bigla si Meiro. Wala siyang sinabi sa akin na magkakaroon kami ng bisita. Sinabi niya lang ang tungkol sa mangyayari sa school ko. 'Di niya ba ito nakita? Biglaan ba 'tong bisita namin sa pagbisita samin?





Nang matapos kumain ay nagpaalam na sina James at aasikasuhin pa raw nila ang dapat nilang asikasuhin sa pagstay nila dito sa Pilipinas. Agad naman akong umakyat patungo sa kwarto ko't chineck ang aking cassette. Wala akong narinig, ni-ha ni-ho, wala. 'Di niya talaga nakita ang pagbisita nila James o sinadya niya talagang 'di sabihin?





Isinantabi ko na lang ang thought na 'yon at natulog na kaagad dahil sigurado akong bukas ay magiging isang busy na araw para sa akin. General rehearsal na namin tomorrow para sa Annual Competition sa music org. Tapos ilang laps din ang ilalangoy ko bukas dahil ako nga ang napiling representative ng swimming team.





Nakakabilib pala ang ginagawa ko, ang studies, ang music org at ang swimming team. Buti na lang at nandiyan sina Mama, sina Aurora at si God para tulungan ako.





Matutulog na sana ako nang may makapa ako sa ilalim ng unan ko. Ano naman 'to?






CassetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon