VIII. Exsuscito

7 0 1
                                        

Erin's POV




"Wake up, Erin."




Nang maimulat ko ang mga mata ko, agad akong bumangon at hinabol ang aking hininga. Ang lalim ng bawat hininga ko na para bang nakipaghabulan ako sa isang kabayo. Napasuklay ako sa aking buhok dahil feel ko sobrang kinakapos ako sa hangin. Binuksan ko pa ang bintana ko para mas makapasok ang hangin dito sa kwarto ko. Bumungad naman sa akin ang lamig ng simoy ng hangin pagkabukas ko nito. Hindi ko alam pero nakakagaan sa pakiramdam ang dulot nito sa akin. Ilang minuto ang lumipas ay nawala na ang tensyon sa pakiramdam ko at bumalik na ako sa aking kama. Ang huling naaalala ko ay mayroon akong kachat na alam kong close ko lang and I felt threatened... bakit? Nakakainis lagi na lang ako tanong nang tanong sa sarili ko pero ni isa hindi ko maisagot.




Pero nagkaroon ako nang pag-asa nang maalala si Meiro. Agad kong kinalkal ang bag ko at hinanap ang cassette. Iniayos ko muna ito at plinay ang button. "I am so glad you're awake. You've been sleeping for 3 days already. Alam mo bang alalang-alala sayo ang mga magulang at kapatid mo? 'Yang Kuya Eric mo nga eh, panay ang bisita sayo diyan sa kwarto mo. And any minute now dadalaw ulit siya sayo, 9:57 AM to be exact and it's still 9:20 kaya medyo mahaba-haba ang mapag-uusapan natin." 3 days? Bakit naman? Akala ko ilang oras lang akong tulog...




"I made you sleep nang ilang oras lang dapat, pero hindi ko inaasahan na aabot iyon ng tatlong araw. I thought 1 and a half day ka lang magiging tulog but it seems like you liked your dream kaya ka napatagal sa pagtulog mo. Did you meet someone else there? I-I mean 'yung mabait ganun. Inalagaan ka naman nila dun, hindi ba? Wait, what kind of question is that, Meiro?" Rinig ko namang medyo humina ang boses niya. Problema nito? "Of course, she's fine! You can see that she's definitely fine! Ok, agh! Why am I even lecturing myself?! Anyways, hi again Erin." And, he's back to his self.




"Don't judge me! Away mo ko ha! Hehe joke lang! Namiss ko katarayan mo though. Ayieeeee!! Kikiligin na 'yan!" And hindi ko namiss ang kayabangan at kakapalan mo. "Grabe, sakit naman!" Parang kanina lang ang seryoso niya tapos ngayon ang childish na?! May sakit ba 'to?! Bipolar ba 'to?! Kaya ko bang ipagkatiwala ang future ko sa isang bipolar?!




"Grabee~ nakakasakit ka na, Erin ha. You hurt my feelings, you know? Ahuhu. Imagine-in mong nakahawak ang dalawang kamay ko sa dibdib ko at nakasad face. Uuuyyyyy!! Inimagine niya ngaa!!" Tumawa pa siya na mas lalong kinainis ko. Kung kasama ko siguro 'to sa personal araw-araw, baka natigok na ako dahil sa high blood. "Hehe. Pero uhm... I have a... Uhh.. ano..." What is it now Meiro?




"Uhh... ano kasiii! M-may good and bad news ako sayo..." Nagulat ako sa sinabi niya dahil ayokong nakakarinig ng ganitong intro ng chika. Ok sana 'yung good kaso ba't may bad news pa? Meiro, start with the good muna. "Ok, the good news is I prevented you from having a bad future kahit na kasalanan ko iyon. 'Yun lang!" Dapat na ba akong matuwa? I mean napakaspecific grabe!




"I mean, I warned you pero pina-mysterious ko pa ganun ganun kaya syempre hindi mo nakuha agad. And now promise, minsan na lang ako maglalatin para maintindihan mo sinasabi ko tsaka kapag wawarningan kita bibigyan ko na rin ng clue kung kailan iyon. Okay? And isa na rin 'yan sa good news. Yay!" Yay nga, dahil hindi na sasakit ulo ko sayo. But what about the bad one?




"Well... dahil I prevented you again from harm... ano... N-nabawasan na ang nakikita ko sa future mo..." Dama ko ang pagkadismaya sa kaniyang tono ng pananalita kaya ramdam ko ang sinseridad niya sa pagtulong talaga sa akin. Nakakatouch. "Which means tatlong oras from now na lang ang nakikita ko sa hinaharap mo... Nung una ay buong future mo talaga ang nakikita ko pero hindi ko naman alam na first day ko pa lang sa pagtulong sa'yo eh nagkaproblema ka agad. I saw you died... And para mabago 'yun, syempre may kapalit. At ang kapalit nun ay ang pagkakakita ko sa buong future mo."




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CassetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon