II. Repetere

28 0 0
                                    

Erin's POV

"Hoy Erin ano ba? Wala ka bang balak pumasok? Mauupakan na kita diyan." Rinig kong bulyaw ng kapatid ko mula sa pintuan ko. Tch. Whatever. Tumalikod ako sa kaniya at natulog ulit.

"Nagbibingi-bingihan ka na ngayon? Walang'ya ka talaga! Bumangon ka na diyan sabi!" Kinapa ko yung kama ko't ibabato sana sakanya ang unang nahawakan ko pero napatigil ako.

Wait what??

"Oh? Ba't tinaas mo bra mo? Kadiri ka! Bumangon ka na diyan kung hindi sasabihin ko kay Mama na 'di ka papasok ngayong araw!" Sigaw niya ulit at sinarado na ang aking pinto. Agad akong napabangon at dahil sa sobrang pagkagulat ay nahulog pa 'ko mula sa aking kama. Sakit, una ulo ko. Teka, familiar 'tong scenario na 'to eh. Saan nga ba 'yun?

Napakamot ako sa aking pwet na na nakasandal sa kama ko habang nag-iisip. Nasa ganoong pwesto lang ako nang ilang minuto nang maalala kong may pasok pa pala ngayon kaya agad akong tumayo at bumaba sa kusina.

"Totoo bang 'di ka papasok ngayong araw 'nak?" Bungad na tanong sakin ni Mama pagkalapit ko sa mesa. Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang tanong niya sa akin. WHY DOES EVERYTHING SEEMS SO FAMILIAR? Deja vu?

"Oh may problema ba?" Takang tanong sakin ni Mama. Umiling na lang ako bilang sagot at napunta kay Kuya ang aking atensyon.

"Hindi ka pa nagdadasal." Sinabi ko 'yon sa kaniya na para bang alam na alam ko na totoo ang aking sinasabi. Napatigil siya sa pagkain at hinarap ako.

"Wow. Manghuhula ka na pala, Erin?" Iritang sagot ni kuya at inirapan muna ako bago pumikit ng ilang segundo na kunwari'y nagdarasal at nagpatuloy sa pag-kain. Napakunot ang aking noo at mabilis na kumain at tumungo sa aking kwarto upang kunin ang aking twalya para maligo.

Ang weird ng araw na 'to. Para bang napaginipan ko na siya.

Naligo na ko't nagbihis na. Nagpaalam na rin kina Mama at akmang lalabas na nang tawagin ako ni Kuya.

"Teka, Erin! May naiwan ka ata oh!" Hinabol niya ko't pinakita sakin ang tinutukoy niya. Isang cassette tape. "Nakita ko sa tapat ng pintuan mo kanina. Nung una nagtaka pa 'ko kasi wala naman tayong tape recorder kaya ba't ka magkakaroon nito pero may pangalan mo eh. Oh 'yan." Binigay niya na sakin ang cassette tape na 'to at sinaraduhan ako ng pinto. Aba naman. Tss. Nagsimula na 'kong maglakad at in-ananlyze nang maiigi itong cassette tape na 'to.

Erin Octavia Veldarez Torres.

Ang nakasulat sa ilalim na part ng tape. Nakakapagtaka dahil wala akong binili o hiniram na cassette tape mula kanino. At walang cassette tape sa bahay dahil may laptop naman na kami at pwedeng doon magpatugtog. Wala rin kaming tape recoder para paglagyan ng tape na 'to. At ang penmanship ng sumulat nito...

Ganda sulat ah.

Kaya imposibleng akin nga 'to dahil 'di gaano kagandahan ang aking panunulat. Tsaka ano kayang laman ng cassette tape na 'to? Tsaka kanino galing? Imposibleng galing kina Mama at Kuya dahil pwede namang kausapin na lang nila ako nang deretsahan kung may sasabihin sila. Imposible ding galing kay Papa dahil kada-linggo lang siya umuuwi para makasabay kaming magsimba. Kaya kanino? Tsaka kanina naman walang cassette tape akong nakita sa tapat ng pintuan ko ah? At nung ginising din ako ni Kuya, panigurado wala pa yun doon. Kasi kung nandun na ito nung oras na 'yon, dapat pagkagising sakin ni Kuya sinabi niya na kaagad sakin ang tungkol dito. Ngunit hindi eh, 'di niya sinabi. Noong paalis na ako 'don niya napansin at binigay agad sakin, at base sa tono ng pananalita ni Kuya ay nagmamadali siya. Pero ang pinakatanong ko dito ay kanino talaga ito galing at anong laman nito?

CassetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon