VI. Tribulatio

16 0 0
                                    

Erin's POV



Limang piso? Ba't may limang piso dito?? Sino naglagay nito dito? Jusko dapat nasa alkansya ko to ah. Posible kayang isang tooth fairy?? Eh kaso wala naman na akong ngipin na natanggal? Late niya naman ata magbigay ng coin? Nung 7 yrs old pa 'ko naglagay ng ngipin sa ilalim ng unan ko. Pero kinabukasan, bwisit BALAT NG CANDY BUMUNGAD SAKIN!



Then later on nalaman kong si Kuya pala 'yung naglagay nun dun tas pinakain niya daw sa aso namin dati yung ngipin ko kaya daw namatay 'yung aso na 'yun. Nakakainis. Pati inosenteng aso pinatay ni Kuya huhu.



Kinuha ko na lang 'yung limang piso tapos nilagay sa alkansya ko. Nasa kwarto ko naman eh, so automatically it's mine na hehe.



Akala ko naman kung ano na 'yung nasa ilalim ng unan ko. 'Kala ko 'yung key necklace ni Eren. Hehe jk. Makatulog na nga kakaloka.



***



"Jowa mo ba 'yung James?" Tanong agad sakin ni Kuya nang makasubo ako ng pagkain. Kaya naman nasamid ako sa tinanong niya. What the? Imposible!



"What are you talking about, Kuya? Pati ba naman ikaw? Kahapon si Mama tapos ngayon ikaw?" Kunot-noong tanong ko kay Kuya. Tsaka teka paano niya nalaman? "Ma? Sinabi mo ba kay Kuya?" Nanlaki ang mga mata ni Mama at agad na umiling. Tss. Nakangiti pa.



"Ako? Hindi ah! Hindi. No, no, no." Depensa ni Mama sa sarili niya. Don't me, mother.



"Tss. James and I are friends, nothing less and most importantly, nothing more." Ang huli kong sinabi sa kanila bago umakyat muli at maligo.



After ko mag-ayos ay agad ko nang nilabas ang cassette at earphones ko at niready na 'yon.



"Ma! Mauuna na po ako! Bye!" Paalam ko pagkabukas ko ng pinto.



"Bye nak! Send my regards to James!" Rinig ko pang pahabol ni Mama nang makalabas ako. Tss. Ayaw ba nila ako tantanan about kay James?!



Kinuha ko na 'yung earphones ko't sinuksok na lang sa tenga ko. Grr.



"Tss. Hi." Napakunot ang noo ko nang marinig ang bati sakin ni Meiro. Oh ba't mukhang inis 'to? "I'm fine. 'Di ako galit, 'di ako naiinis. Gutom lang. Anyways, did you like my surprise? Sinadya ko talagang 'di sabihin sayo na may dadalaw sa inyo kasi gusto ko makita reaction mo kapag nakita mo sila. And as expected, you'd be confused and also surprised pero I can see na mas nangingibabaw ang confusion sayo. Peace!" Mukhang natutuwa pa siya. Tss. Narinig ko namang bahagya siyang napatawa. Anong nakakatawa?



"Don't be pissed, Erin. Anyway, ako naglagay ng limang piso sa ilalim ng unan mo. Nagulat ako kasi may isang part ng past mo na biglang lumitaw and of course nakita ko, which is nung pinagtripan ka ng Kuya mo and pinatay pa yung tuta. Tss. Kawawang aso. And kaya yun naisipan kong maglagay ng coin diyan." Lumukot na naman ang aking noo, kapag ako tumanda agad ang itsura si Meiro ang sisisihin ko. Pero paano niya nalagay sa ilalim ng unan ko? 'Kala ko ba 'di siya magiging part ng future ko?



"It's a secret, but soon you'll find out. Wink. HAHAHAHA! I know you're so curious right now. Maghintay ka, bleh. Gusto kong may pa-thrill. Ayieee. Joke." Thrill mo mukha mo. Tss. And now, curiosity is eating me and for sure for the next few days mas lalong magugutom 'tong curiosity ko.



"Just wait. Chill and relax. That information won't harm you naman so stay still and wait. Tsaka hey, about your classes, 'yung isang subject mo magiging vacant because yung prof niyo dun nagkaroon ng emergency. And then normal classes lang ulit niyan ang iba." Akala ko na naman tapos na siyang magrecord nang may pahabol pa pala siyang sinabi na nagpagulo sa utak ko.



CassetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon