Erin's POV
"Hoy Erin ano ba? Wala ka bang balak pumasok? Mauupakan na kita diyan." Rinig kong bulyaw ng kapatid ko mula sa pintuan ko. Tch. Whatever. Tumalikod ako sa kaniya at natulog ulit.
"Nagbibingi-bingihan ka na ngayon? Walang'ya ka talaga! Bumangon ka na diyan sabi!" Kinapa ko yung kama ko't binato sa kaniya ang unang nahawakan ko, ang bra ko.
SHOCKS!! ANG BRA KO!!
"H-HALA!! AKIN NA YAN! BASTOS KA TALAGA KAHIT KAILAN!!" Sigaw ko sa kaniya at agad na tumayo at kinuha yon. Bwisit, bakit nandun bra ko?!
"Ako pa talaga sinisisi mo dahil diyan sa kababuyan mo ha. Sige! Sasabihin ko kay mama na aabsent ka ngayong araw! Katamad mong babae ka!" Sigaw niya mula sa pintuan at sinara na ito. Hay nako, may nangyari na naman siguro dun kaya siya nagkakaganun na naman. Tumayo na ako't lumabas muna ng kwarto at ikinumpirma kay Mama na papasok ako ngayon. Alam ko namang kapag sinabi ng magaling kong kapatid, gagawin niya talaga at syempre dahil siya ang nakatatanda, siya ang paniniwalaan ni Mama. Hays.
"Totoo bang 'di ka papasok ngayong araw 'nak?" Bungad na tanong sakin ni Mama pagkalapit ko sa mesa. Umiling naman ako. At umupo na sa upuan at akmang kakain nang naalala kong 'di pa pala ako nakakapag-mumog, Kuya kasi eh. Tsk. Nalimutan ko tuloy.
Tumayo na ako sa aking kinauupuan at dumiretso sa banyo upang gawin ang aking dapat gawin. Nang matapos ay naabutan ko namang nandun na si Kuya sa mesa at kumakain na.
"Hoy! Nagdasal ka na ba?" Nakapamewang na tanong ko kay Kuya. Knowing him, 'di yan pala-dasal. Kasi ang paniniwala niya, ang pagkain daw na kakainin namin ay nanggaling kay Papa, kaya bakit iba raw ang pasasalamatan niya sa grasyang ibinigay sa kaniya? Abnormal kahit kailan, kainis. Malamang source ni Papa sa kaniyang pambili ng pagkain ay Siya. Minsan talaga napapaisip ako kung kapatid ko ba talaga 'to dahil ang talino naman naming tatlo nina Mama at Papa?? Ampon ba siya??? Aba'y ambot.
Pero inirapan niya lang ako at pumikit ng ilang segundo at idinilat na ang kaniyang mga mata at nagsimulang kumain. Hays. Alam ko na kung ano ang sinabi niya sa mga segundong 'yon.
"Hay nako, salamat p're ha, 'lam mo na 'yun."
Kahit kailan talaga si Kuya. Nagdasal na rin ako at nagsimulang kumain. Pagkatapos ay naligo na't nag-ayos para pumasok na naman sa aking paaralan.
Papalabas na 'ko ng aming gate nang biglang may napansin akong kakaiba...
Parang... parang may nagbago eh. Pinagmasdan ko nang mabuti ang aking paligid nang biglang may bumusina na nagpabalik sa 'kin sa realidad. Ang school bus mula sa kalapit naming bahay. Napabuntong-hininga na lang ako't nagpatuloy sa 'pag labas ng bahay at nagtungo na ng school.
Pero... nararamdaman ko talagang may kakaiba sa araw na ito. 'Di ko lamang maipahiwatig. Teka, teka, nagpapakamakata ka na naman d'yan, Erin. Hindi ko tuloy napansin na malapit na pala ako sa school. Napabuntong-hininga na naman ako. Hay nako, Erin. Tama na ang kaka-overthink.
"Lalim ng iniisip natin ha?" Sabi ng isang babae at inakbayan ako. Nilingon ko siya only to find out na si Aurora pala, ang aking matalik na kaibigan.
"Ayan na naman siya sa pagsusulpot niya na lang kung saan-saan. Kabute" Bulong ko sa sarili ko.
"Hoy!! Matalas pandinig ko kaya wag mong isiping 'di ko narinig 'yon! Hmp!" Luh, pabebe kagigil. Inirapan ko na lang siya. Tinanggal ko ang kaniyang pagkakaakbay at nagpatuloy sa paglalakad. Gandang pambungad ng aking umaga.
BINABASA MO ANG
Cassette
Fantasy⚠️ UNFINISHED AND UNDER REVISIONS ⚠️ Date Started: 05/11/18 Date Finished: