IV. Amet

19 0 0
                                    

Erin's POV



"Erin!"



"Erin, halika't tayo'y sumayaw." Sabi niya't inilahad ko naman ang aking kamay.



I know you, I walked with you once upon a dream

I know you, that look in your eyes is so familiar a gleam



"You look beautiful." Napangiti ako.



"Thank y—"



"How about me? Do I look handsome?" Luh buang. So required pala na kapag cinompliment ka, ico-compliment mo rin siya.





I answered, "Yes." And I saw his smile.




"Erin, I want you to know that I—"






MOTHEEEEER~ knows best!






"Aaahh!!" Napabangon ako sa kama ko. Hingal na hingal akong napatingin sa aking alarm. Wow. Nagising ako ng alarm ko. Agad akong bumangon at dumiretso sa banyo upang magmumog at hilamos. Bababa na sana ako sa hagdan nang makita ang wall clock namin, it's 6:59 AM. Hala! 'Yung ET!






Naghintay ako ng ilang segundo nang biglang may earbuds na sumulpot sa basahan sa tapat ng room ko. Woah. Amazing.






"Ito na siguro 'yung sinasabi ni Meiro na ET." Bulong ko sa sarili ko. Agad ko itong kinuha at nilagay muna sa bulsa ko. Nang pababa na 'ko sa kusina ay narinig kong bumukas ang isang pinto. Napangisi ako, "Gising na 'ko Kuya!"






"Good morning, Ma." Sabi ko kay Mama pagkababa ko mula sa taas. Alangan namang galing sa baba? Joke.






Napatingin siya sakin at halatang medyo nagulat, syempre laging si Kuya ang nauuna sa mesa tuwing umaga pero ngayon ako naman. Hoho! "Aba, ang aga mo yata ngayon, Erin?" Tanong ni Mama. "Ok ka na ba?" Karagdagang tanong niya sa akin.






"Opo, Ma. Bumalik naman na po ang lakas ko sa pahinga ko kagabi." Sabi ko't umupo na sa mesa. Nagdasal muna ako bago kumain. Habang kumakain narinig ko namang may pababa. "Oh, ba't ngayon ka lang bumaba, Kuya?" Tanong ko sa kaniya habang may laman pa ng konti ang aking bibig ng pagkain.




"Kadiri ka, don't talk when your mouth is full!" Nandidiring sambit niya sakin imbis na sagutin ang tanong ko. Luh, araw-araw na lang 'to may topak ah?






Lumapit ako ng konti kay Mama at bumulong, "Ma, an'yare diyan sa anak mo? Kahapon nung umaga pa 'yan ganiyan. Pinapainom mo naman 'yan Ma ng gamot 'di ba?" Natawa nang bahagya si Mama at pinalo ako sa braso ko. Aray.






"Oh, Eric. Ba't hindi ka pa kumakain? Lalamig 'yang pagkain mo. 'Di na 'yan niyan masarap, sige ka." Sabi ni Mama. So bale kapag malamig ang pagkain 'di masarap? 'Di masarap ang ice cream?

CassetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon