Erin's POV
I need you, Meiro.
Please.
Nag-unahang pumatak ang mga luha ko't napaluhod sa kama ko. Paano ko ito haharapin? Paano ko sasabihin sa kanila kung paano ko nalaman iyon? Paano ko ito palulusutan? Paano ko ito malulutusan? Pero tanging isang sagot lang pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung paano ko ito haharapin. Hindi ko alam kung paano ko ito malulutusan at malusutan. Paano na ito? Wala akong kaide-ideya kung papaano ko malalampasan ang problemang ito.
Iyak lang ako nang iyak dahil sa takot at kaba. Nakakainis nga't ayaw maubos ng luha ko. Bakit pa kasi sa akin nangyayari ito? Bakit ako pa ang kailangan niyang tulungan? Bakit? Sino ba ako? Ako ba ang presidente ng Pilipinas? Ako ba ang pinakamayamang tao sa mundo? Ako ba ang pinakasikat na tao? Ako ba ang pinaka-influential na tao? Ano bang mayroon sa akin? Wala! Walang sa akin. Walang mayroon sa akin. Kaya bakit ako?
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naalimpungatan lang ako dahil sa sinag ng araw at sa lamig ng simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat na nagmumula sa bintana ng aking kwarto. Sa pagkakaalam ko hindi ko binuksan ito kagabi. Agad naman akong tumayo at sinarado ang bintana ko pero napatigil ako nang matignan ko ang nasa labas ng bahay namin.
Bakit... bakit may mga sasakyan? Bakit nila pinapalibutan ang bahay namin? Bakit... bakit nandito ang mga pulis? Agad-agad akong nagtungo sa baba upang alamin ang nangyayari. Nakita ko naman si Kuya na nakadungaw lang sa pinto namin, mukhang inaalam ang mga nangyayari kaya agad akong lumapit sa kaniya. Kinalabit ko ang kaniyang damit at tinanong kung anong nangyayari.
"Kuya, anong meron? Bakit may mga pu---" Hindi ko naman naituloy ang aking tinatanong nang hilain ako ni Kuya sa gilid ng pinto at agad na sinara ito.
"Bakit ka lumabas ng kwarto mo?!" Sigaw ni Kuya sa akin pero hindi ganun kalakas para marinig sa labas. Nagtaka ako sa inasta niya. Bakit kailangan niya pa akong sigawan? "Bumalik ka sa kwarto mo at 'wag na 'wag kang lalabas. 'Wag mo na ring tangkaing buksan ang mga bintana sa kwarto mo. I-lock mo ang lahat ng bintana mo pati na rin ang pinto mo. Don't let anyone see you, Erin. Anyone, okay? Right after this, pupuntahan ka namin ni Mama sa taas. Three knocks, 'yan ang signal ko kung ako man o si Mama 'yon. Naiintindihan mo ba?"
Naguguluhan man ay tumango na lang ako at nagtungo sa kwarto ko. At gaya ng sabi ni Kuya, nilock ko lahat ng bintana at pinto ng kwarto ko. Bakit ko ba sinusunod si Kuya? Ano ba kasing nangyayari at nandun ang mga pulis? Ramdam ko ring ako ang pakay ng mga pulis dito dahil ayaw ako palabasin ni Kuya sa kwarto ko. Bakit naman ako? Anong krimen ang nagawa ko para palibutan ng mga pulis ang bahay namin?
*bang! bang! bang!*
Napasigaw ako nang marinig ang malakas na pagputok mula sa baba. Bumilis ang kabog ng aking dibdib at napailing. Nagsiunahan na ring pumatak ang mga luha ko mula sa aking mga mata. Hindi pwede. Hindi pwede! Imposibleng... Hindi... Imposible 'yun!
BINABASA MO ANG
Cassette
Fantasy⚠️ UNFINISHED AND UNDER REVISIONS ⚠️ Date Started: 05/11/18 Date Finished: