Chapter 2❤️

399 19 2
                                        


Sana's POV

Habang nag babasa ako, may isang babaeng naka agaw ng pansin ko. Heto siya ngayon papasok sa room namin. Ang ganda niya. Siya na kaya? Ang tangkad. Ang haba ng buhok. Ang ganda ng dimples. Hindi ko napansin kinakausap niya pala ako.

"Ano yon miss?" Sabi ko nung matauhan ako.

"Ang sabi ko kung may nakaupo ba dito" Bago ako sumagot nauna na si Momo.

"WALA! Walang naka upo dyan. Dyan ka na lang, diba sana?" Sabi nitong si Momo.

"Ahh. Oo w-walang nakaupo dyan." Hala bakit na uutal ako?

"Thank you sana. Ako nga pala si Tzuyu." Sabay hawak sa kamay ko at nakangiti. Hoy bakit ako namumula tulungan niyo ako nilalagnat yata ako.

'Hay nako sana kinikilig ka kaya ka ganan' sabi ko sa sarili ko.

Biglang namang dumating yung prof namin. So first class namin is English. Dugo na naman ilong ko nito. Makikinig na nga muna ako. Pero hindi ko kaya kase naman tong katabi ko ang bango bango akala mo may mga bulaklak sa damit. Bigla namang may papel na sumulpot sa table ko. Binuksan ko ito, ay galing pala kay Momo.

Siya na yata Sana. Yieee❤️
-Momoring

Tumingin ako kay Momo at sinamaan ko siya ng tingin habang tawa sila ng tawa ni Mina. Inirapan ko na lang sila at nakinig na lang ako sa lesson.

(Fast Forward)

Break namin ngayon at nandito kami ngayon sa cafeteria. Nang may napansin ako babaeng nakatalikod at magisa. Kaya tinawag ko ito.

"Uy Miss!" Sigaw ko sa kanya, at napatingin naman siya.

"Ikaw pala Sana, bakit?" tanong niya sakin. Ang cute ng boses niya promise.

"Eh T-Tzuyu d-dito ka na maupo sa t-table namin." Sabi ko, nauutal na naman ako.

"Bakit ka nauutal Sana? Masama ba pakiramdam mo?" Sabi ni tzuyu sabay hawak sa noo ko. Pero bakit ganon parang nakuryente ako.

Tzuyu's POV

Tinawag ako ni Sana. At pinapalipat niya ako sa upuan nila. Pero ang weird kasi nauutal siya. May sakit ba siya? Kaya dali dali kong hinawakan ang noo niya. Pero lalo siyang namula.

"Ahm Sana okay ka lang ba?" Sabi ko sa kanya kasi ang pula na niya sobra.

"Ahh o-oo o-okay lang a-ko Tzuyu." Sabi niya pero parang hindi eh.

"Talaga ba Sana? Basta pag masama pakiramdam mo sabihin mo lang sakin ha?" Sabi ko sa kanya kase nagaalala na ako.

Sana's POV

"S-salamat T-Tzuyu." Sabi ko sa kanya ng bigla namang dumating si Mina at Momo.

"Ang tagal niyo naman." Sabi ko kase kanina pa akong gutom.

"Sorry. Ang haba kase ng pila eh." Pagrereklamo ni Mina.

"Uy Tzuyu nandyan ka pala!" Sigaw ni Momo.

"Ayy wala Momo. Nandun ako sa kabila picture ko lang to!" Pamimilosopo ni tzuyu.

"Wow ha! Kahit kakakilala pa lang natin ganan ka na!" Sabi naman ni Momo kay Tzuyu.

"Feeling ko naman kasi mabait kayo." Tugon ni Tzuyu habang nakangiti.

"Pero mag ingat ka kay Sana ha? MAKAMANDAG  yang AHAS na yan." Sabi ni Momo habang si Mina natawa ng malakas.

Inirapan ko na lang si Momo. Pero at the same time masaya ako kase natawa si tzuyu ng malakas. Ang sarap pakinggan.

~End Of Chapter 2~

                      ——————————————————————————————

A/N: HI MGA BES! Bilis ko mag update no? Ganun talaga hindi mabagal eh! 💗

SUPPORT THIS STORY!!🖤🤞🏻

Cheese Kimbap // SaTzuMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon