Chapter 6❤️

249 15 2
                                        


Sana's POV

Nandito lahat kami sa kwarto ni Mina nagkkwentuhan. May napansin lang ako. Bakit ang tahimik ni Tzuyu ngayon? Naiilang ba siya?

"Guys C.R lang ako" Sabi ni Tzuyu samin.

Tzuyu's POV

"Guys C.R lang ako" Paalam ko sa kanila.

Nandito ako ngayon nakaharap sa salamin. Siguro tama nga yung sinabi ni mama sakin datin na I like girls not boys? Ayaw ko pa sanang maniwala pero, sa tuwing makikita ko si Sana tumitigil ang mundo ko? Ilang beses ko ng ipinagsiksikan sa sarili ko na straight ako pero sa tuwing makikita ko si Sana nakakalimutan ko ito. So ibig sabihin ba nito hindi ako straight? Bahala na nga! Hindi ko talaga alam.

Pag kalabas ko ng C.R

"Ang tagal mo naman yata Tzuyu!" Sabi ni Momo Unnie sakin.

"Masakit kasi ang tyan ko eh" Palusot ko na mukang naniwala naman sila.

Pero tumingin ako kay Sana nakatulala lang siya, mukhang may iniisip. Ang ganda niya. Ang ganda ng mata ng ilong ng.... AHHH NAGUGULUHAN NA TALAGA AKO!

Momo's POV

Kanina ko pang napapansin na parang nagkakailangan yung dalawa ah! Si Tzuyu napapakamot na lang sa ulo na parang naiinis. Si Sana naman kanina pang tulala. Pero syempre tinitingnan ko din si Mina landi ko diba? haha. Umamin kaya ako sa kanya? Wala namang masama kung mag try ako diba?

"Uhm, Mina samahan mo naman ako sa kusina" Nahihiyang sabi ko kay Mina.

"S-sige ba." Nauutal na sagot niya.

~Sa kusina~

"M-mina Unnie, diba matagal na naman tayong mag kakilala at close naman tayo sa isa't isa? Pero dahil sa pagiging malapit natin parang... parang may nabubuo dito sa puso ko eh. Ayaw ko pa sanang umamin sayo kaso naisip ko na itry ko kasi ayaw ko nang may umaaligid pa sayo dyan. M-mina look it sounds weird but I love you Mina. Nung una pa lang kitang nakita bumilis na ang tibok ng puso ko.." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kase bigla na lang niya ako hinalikan. Nagulat ako kaya hindi ko ito tinugon. Pero hindi nagtagal ay tinugon ko na ito.

"I love you too Momoring" Sabi ni Mina habang nakayakap sakin.

Pero biglang may pumalakpak sa likod namin. Hala si Sana at Tzuyu pala.

Sana's POV

Nagutom ako so bumaba muna ako pero kasunod ko pala si Tzuyu kase sabi niya nagugutom din daw siya.

Pero nung nasa kusina na kami napatigil kami kasi may narinig kaming naguusap. Si Momo pala nagtatapat na kay Mina. Habang nakikinig kami bigla na lang pumasok sa isip ko kung kelan ako aamin kay Tzuyu, oo crush ko siya eh. Nung nakita naming magkayakap na sila pumalakpak kami ni Tzuyu at nag apir pa kami pero bigla kaming namula nung nangyari yon.

Tzuyu's POV

Naguguluhan na talaga ako, ano bang meron ka Sana at nagkakaganito ako?

~End Of Chapter 6~

——————————————————————————————

A/N: At dahil satzu day ngayon eto na! Sorry kung maikli pinilit kong mag update para sa inyo huehue!

SUPPORT THIS STORY!!🖤🤞🏻

Cheese Kimbap // SaTzuMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon