"I like you too TzuTzu." Masayang sabi ni Sana kaya naman niyakap nito si Tzuyu. Nang bumitaw sila ay sobrang lapit ng mukha nila kaya unti unti silang naglalapit and Tzuyu pressed her lips to Sana's. Both of their eyes closed as their lips move on their own.
"So ibig sabihin nito tayo na?" Masayang tanong ni Tzuyu. Umiling si Sana kaya naman nalungkot si Tzuyu.
"Bakit? Eh diba gusto natin ang isa't isa?" Nagtatakang tanong ni Tzuyu.
"Eh kasi gusto ko ligawan mo muna ako para sweet." Nahihiyang sagot ni Sana.
"Kahit naman hindi na kita ligawan sweet na ako, pero sige kung gusto mo liligawan muna kita." Sabi ni Tzuyu sabay kindat at niyakap uli si Sana.
"Tara na? Baka hinihintay na nila tayo." Pahabol ni Tzuyu.
Naglalakad sila ng biglang hawakan ni Sana ang kamay ni Tzuyu kaya naman abot tenga ang ngiti nito. At habang papalapit na sila sa table ay nagtaka ang lahat ng kaibigan niya dahil mag ka hawak kamay sila.
"Bago ko sabihin kung anong sinabi ng principal may gusto lang ako itanong, anong ibig sabihin nito?" Tanong ni Dahyun habang itinuturo ang kamay nilang dalawa.
"Ah eto? Pinayagan kasi ako ni Sana na ligawan siya." Nahihiyang sabi ni Tzuyu.
"Edi kayo na nga may Mimo may Satzu edi ako na ang wala!" Pag d-drama ni Dahyun.
"May DubChaeng naman." Singit ni Momo. Kaya naman nag ka titigan si Chaeyoung at Dahyun. At natahimik silang dalawa.
"Ano nga palang sabi ng principal?" Pag change topic ni Sana kasi masyado ng awkward yung dalawa.
"Ah oo nga pala wala na daw klase ngayong hapon kasi may gagawin daw ang mga teachers at wala daw pasok bukas eh hindi ko lang alam kung bakit." Paliwanag ni Dahyun.
"Ganun ba? Sleepover tayo samin! Tutal nasa taiwan naman parents ko, ano deal?" Sabi ni Tzuyu.
"Sige ba!" Sabay sabay nilang sagot kaya naman napatawa sila ng malakas.
"So ano mag ayos na tayo ng gamit tapos pumunta na lang kayo samin ng 5:00pm?" Tanong ni Tzuyu.
"Sige sige." Sagot nila uli.
"Hatid na kita Sana?" Pag aaya ni Tzuyu kay Sana.
"Kahit naman tumanggi ako hahatid mo parin ako eh." Pag bibiro ni Sana. Kaya naman napakamot na lang sa batok si Tzuyu.
Habang naglalakad sila ay tinanong ni Sana si Tzuyu.
"Uhm Sana bakit mo ako nagustuhan?" Nahihiyang tanong ni Tzuyu.
"Kasi ano simula nung una kitang nakita alam ko ng gusto kita." Kahit simple lang sinabi ni Sana ay parang isang mahabang tula na yun para kay Tzuyu.
"Eh ikaw? Bakit mo ako nagustuhan?" Pabalik na tanong ni Sana.
"Hindi ko alam eh gusto kita dahil gusto kita at basta pag gising ko nung isang araw nalaman ko na lang na gusto pala kita eh." Sabi naman ni Tzuyu na nagpakilig kay Sana at hinampas naman ni Sana si Tzuyu sa braso ng pabiro.
"Aray ko." Kunwaring nasaktan si Tzuyu. Kaya naman hinalikan ni Sana ang braso nito.
"Eto pa masakit." Tinuro naman ni Tzuyu ang labi niya. Napatawa si Sana at ng papa lapit na siya ay pinitik naman ni Sana ang labi nito kaya nagulat ito.
"Bakit mo naman pinitik?" Malungkot na tanong ni Tzuyu.
"Kasi naman braso yung hinampas ko at hindi ang labi mo kaya walang dahilan para sumakit yan." Natatawang sagot ni Sana.
"Eh ngayon masakit na kasi pinitik mo." Kunwaring naiiyak na sabi ni Tzuyu. Kaya naman hinalikan ni Sana ang labi nito kahit na smack lang yun malakas ang epekto nun sa kanilang dalawa.
Habang naglalakad ay mag kahawak lang ang kamay nila ang nag lalandian sa daan. Hanggang sa nasa harap na sila ng bahay ni Sana.
"So mauna na ako ha? See you mamaya." Pag papa alam ni Tzuyu at hinalikan ang noo ni Sana.
"Ingat ka." Sabi ni Sana at hinalikan din si Tzuyu sa Pisngi.
HI MGA MAMSH MAG UUPDATE ULI AKO MAMAYA PAG SINIPAG AKO HAHAHA SORRY KUNG LAME BAGONG GISING EH HAHAHA. KAIN NA KAYO!! LABYUOL MWAMWA
