Tzuyu's POV
4:50 na malapit na sila dumating. Maayos na ang lahat, inihanda ko na din yung mga pagkain. Dinamihan ko na syempre andyan si Momo Unnie eh baka nga kulang pa yon. Inayos ko na din ang sarili ko para naman magmukha akong matino sa harap nina unnie.
DING DONG
Agad naman akong bumaba para tingnan kung sino yon baka kasi sina unnie na. Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang napakagandang si Sana Unnie. Makalaglag panty yung ganda niya shet.
Natauhan naman ako ng bigla siyang nagsalita
"Alam kong maganda ako Tzu pero pwede bang papasukin mo muna ako?" Natatawa niyang sabi. Nginitian ko lang siya at pinapasok.
"Asan sina Momo Unnie?" Tanong ko sa kanya.
"Aba malay ko sa kanila. Baka sinundo muna ni Momo si Mina alam mo naman yung mga yon." Sagot niya.
"Ahh, eh bakit di mo sila kasabay?"
"Teka ayaw mo ba muna akong masolo?" Mukha siyang naiirita hahaha. Maasar nga muna ang cute nya eh. #SavageMaknae muna si ako.
"Di naman pero parang ganon na nga."
"Ganon pala ha, uuwi na lang ako!" Padabog naman siyang tumayo.
"Oh galit ka ba?"
"Ano sa tingin mo?!" Hala galit na haha
Lumapit ako sa kanya at hinawakan pareho ang kamay niya. Kinorner ko siya hahaha. Nagbablush na siya ngayon at mukhang pinagpapawisan.
"Galit ka pa ba?" Tanong ko sa kanya habang inilalapit ko pa yung mukha ko sa kanya.
"H-hindi na." Nauutal niyang sagot.
"Sure ka?" 1 inch na lang yung pagitan. Nakakaduling pero keri lang hahaha.
"O-oo" Napangiti naman ako.
"GAAAAAAYS." Nagulat naman kami dahil may sumigaw. Sina unnie lang pala.
"Kanina pa ba kayo?" Tanong ko sa kanila. Sabay-sabay naman silang tumango.
"Oh sya kumain na muna tayo kanina pa ako nagugutom eh." Sabi ni Momo unnie
"Lagi ka naman gutom." Pang-aasar sa kanya ni Mina unnie.
"Oh sya tara na. Kanina pa din naman nakahanda yung mga pagkain." Ako.
"Yey!"
Habang kumakain ay nagkwentuhan kami tungkol sa mga bagay-bagay. Si Dahyun unnie naman nagpapatawa kaya lalo pang tumagal yung pagkain namin. Langya biruin niyo inabot ata kami ng dalawang oras.
"Ano balak niyo gawin natin?" Tanong ni Chaeyoung
"Kumain!" Sigaw ni Momo Unnie
"Gaga kakakain lang natin." Sabi ni Dahyun unnie at binatukan siya.
"Alam ko na! Magmovie marathon na lang tayo." Ako.
"Good idea." Pag sangayon ni sana unnie
"At ano naman ang papanoodin natin?" Tanong ni mina unnie
"Ako bahala" Sabi ko at ngumiti ng nakakaloko
Sana's POV
"WAAAAAAAAAAAAH"nababalot na ngayon ng sigawan ang buong kwarto. Leche naman si Tzuyu eh bakit kasi horror pa yung papanoodin namin.
Eto ako ngayon nakasubsob ang mukha sa balikat ni Tzuyu. At ang bruha natatawa pa. Bale ang sitwasyon namin ngayon ay ang mimo magkayap, pareho silang takot. Si dahyun naman nakatakip ng unan at tinatawanan ni chaeyoung.
"WAAAAH TZUTZU AYOKO NA!" Sigaw ko pero tinawan lang niya ako
"Bakit kasi horror." Naiiyak na sabi ni mina at momo.
"Trip ko lang." Natatawang sabi ni tzuyu.
"Maganda naman ah." Sabi ni Chaeng
"Gago ano maganda dyan?!" Sigaw ni Dahyun pero tinawanan lang ulit siya
"Tumigil na nga kayo at manood." Sabi ni tzutzu
Binalik ko na ang tingin ko sa tv at tanginaaaa.
"AAAAAAAAAAH TZUYUUUUUU" Sigaw ko. Aba saktong pagtingin ko eh lumabas yung multo.
"Gaga makasigaw ka naman kala mo nanganganak ka."Sabi ni tzu at tumawa.
"Don't worry baby sa tamang panahon aanakan kita." Dagdag pa niya at ngumiti ng pagkalaki laki.
"HEH! Bastos!" Aba tinawanan lang ako. Bakit ba ang hilig nila tumawa ngayon?!
"Kung gusto mo ituloy natin yung kanina." Shet ramdam kong nagiinit na yung pisngi ko.
Palapit na ng palapit si tzuyu shet. Di ko alam ang gagawin koooo.
"Fyi andito pa po kami ha." Sabi ni momo. Waaah salamat mumuuu.
"Aish panira ka naman unnie eh" Pagmamaktol ni tzuyu.
"Gaga gawin niyo na lang yon pagwala kami." Sabi ni dahyun
"Oh sya tama na ang ganda nung movie oh di ko na maintindihan dahil sa inyo." Sungit ni Chae ah
"Oh sya ikalma mo dyoga mo" Sabi ko naman
"Wala sya non hahaha." Sabi ni mina
"Kala mo naman unnie meron ka non." Pota hahahaha
"Che!" Napikon ata si mina haha
Bumalik na ulit sila sa panonood samantalang ako naman ay iniisip parin yung kanina. Langya kase si Tzuyu.
(A/N: gagi gusto mo naman hahaha.)
Shut up otor!
(A/N: wag mo na ideny)
Che! Sarap mo sapakin otor. Y u doing this to me:(
(A/N: sige sapakin mo ko di kayo magkakatuluyan ni Tzuyu!)
Joke lang naman yon eh haha labyuuu
(A/N: labyu too hehe. HEH! Back to story na!)
So ayon nga haha 2 hours yung movie pero wala akong naintindihan. Unang una dahil takot, isa pa dahil sa kakaisip kay tzuyu. Last but not the least dahil kay author! Pero syempre joke lang no. Baka di kami magkaron ng happy ending ni bebe labs tzuyu ko.
Hays this will be a long night...
Im back!!! Sorry ngayon lang uli. Credits nga pala sa isa sa pinakamabait kong aport hahaha @skz_twice siya kasi ang dahilan kung bakit may chapter 12 haha thankyou jijs!❤️❤️
