6:50 am
Naglalakad si Sana papuntang school ng biglang tawagin siya ni Momo at ni Mina.
"Mukhang malalalim ang iniisip mo Sana ah?" Pang aasar ni Momo kay Sana.
"Si Tzuyu siguro." Sabi naman ni Mina na nangaasar din.
"Manahimik nga kayo dyan porket nakita ko kayong nag hahalikan sa harapan ng bahay niyo!" Pang aasar pabalik ni Sana kaya naman napatahimik silang dalawa at tumawa ng malakas si Sana.
Nang makarating sila sa gate ay nakita nila ang tatlong malilikot walang iba kundi ang DaChaeTzu. Kaya tumakbo sila papunta sa tatlo.
"Bakit parang pagod na pagod naman yata kayo?" Natatawang tanong ni Dahyun.
"Eh kasi naman ang bilis niyong maglakad!" Sabi ni Sana habang naka pout. Bigla namang napatingin si Tzuyu sa labi ni Sana. Nang naramdaman ni Sana na may nakatingin sa labi niya ay tumingin siya sa nakatingin at si Tzuyu pala yun. Kaya naman nagkatinginan sila at bigla ding umiwas dahil sa nangyari nung isang araw.
Naglalakad na sila papuntang room at bigla namang nag ring yung bell. Kaya nila naging kaklase si Tzuyu ay dahil pumasa siya sa exam na para dapat sa year nina Sana kaya hindi niya kaklase si Dahyun at Chae.
Habang nag di-discuss ang prof nila ay may inabot na maliit na papel si Tzuyu kay Sana.
'Usap tayo mamaya sa rooftop?'
Tumango naman si Sana.
ROOFTOP
Umakyat na si Tzuyu at papasok na sana siya ngunit may nakita siyang hindi maganda. May humalik sa pisngi ni Sana at niyakap ito nag mahigpit kaya naman biglang tumulo ang luha nito. Hindi naman napansin ni Sana si Tzuyu kasi nakatalikod ito sa kanya.
"Siguro nga kaibigan mo lang ako." Pabulong na sabi ni Tzuyu at dahan dahang bumaba habang umiiyak.
HI GUYS!!!! SORRY KUNG MAIKLI :< WAG KAYONG MAG ALALA MAG UUPDATE ULI AKO MAMAYA GINAGAWA KO NA WAIT LANG KAYO KAKAIN LANG AKO AHAHAHAHA MAG UUPDATE ULI AKO MAMAYA KAYA NAMAN IKISS NIYO KO!! LABYUOL <3
