Sana's POV
Monday na naman! Nagising ako dahil sa lintek na alarm clock na to! Tiningnan ko yung oras 5:30 palang naman eh, siguro inaba na naman to ni mama. So I decided na mag phone muna. Nakita ko ang text ni Momoring at ni Minari.
From: Minari🐧💓
Gising na sana! Siguro naman ayaw mong malate ngayon dahil monday diba?
To: Minari🐧💓
Hoy babae! Ang aga pa kaya jusko!
From: Minari🐧💓
Oo babae ako! Sorry na excited lang.
To: Minari🐧💓
Ay mali! Gay ka pala hihi. Kase makikita mo na naman si Momo?🙄
From: Minari🐧💓
OO! Inggit ka? Bakit kase ayaw mo pa mag boyfriend!
To: Minari🐧💓
Alam mo naman na babae din ang gusto ko.
From: Minari🐧💓
Oo na! Bye na. Gagayak na ako excited eh. Labyuuu❤️
To: Minari🐧💓
K fine. Labyuuu🙄
Agang aga nambubulabog na naman tong si Mina. Nag text din pala si Momo.
From: Momoring😜💓
Morning SANA!! See yah later labyuu🙄
To: Momoring😜💓
Morning MUMU! See youu labyuu😷
Tumingin ako sa orasan. Aba 6:00 na pala kailangan ko ng maligo. Pumasok na ako sa banyo para maligo. Lumabas ako sa banyo ng 6:15. Hindi ko alam susuotin ko. I'll wear something simple na lang. White shirt and Black jeans with matching white shoes, oh diba pak! 6:30 na pala! 7:30 yung klase namin so kailangan ko ng kumain.
"Ma! sa daan na po ako kakain ha?" sabi ko kay mama sabay kuha ng toast.
"Sige anak! Sana naman makahanap ka na ng boyfriend ay mali girlfriend pala anak." sabi ni mama sabay tawa.
"Ma naman! Siga na po ma aalis na ako bye!" sabi ko sabay halik sa pisngi ni mama.
(Fast Forward)
~ Sa School ~
"Uy! Minari! Ano kamusta nakita mo na ba siya? HAHA" sabi ko kay mina kase naabutan ko siya dito sa gate nagiintay. Habang naka tungo lang siya.
"Ayun na pala siya oh!" Sabi ko na nag patunghay ka Mina. Aishh ito talaga pag dating kay Momo ang bilis.
Mina's POV
Nandito na siya. Nag simula na namang tumibok ang puso ko na para bang hinahabol ng aso. Ano bang meron sayo Momo at nag kakaganto ako sayo? Hindi ko napansin kanina pa pala niya ako tinatawag.
"Hoy Mina! Ano na? Buhay ka pa ba?" Hindi kase patay na patay ako sayo.
"Ayy nandyan ka na pala. Oo naman buhay na buhay ako!" Kung alam mo lang Momo.
"Ano tara na? 7:15 na oh." Biglang singit naman ni Sana.
Habang nag lalakad napatalon ako. Kase naman hawak ni Momo yung kabilang kamay ko. Oo normal na to samin pero iba parin ang dating nito sakin eh. Tumingin ako sa kanya pero nahuli ko siyang nakatingin sakin so ayun nginitian niya ako at bigla naman akong tumungo. Ramdam ko na pulang pula na ako.
Momo's POV
Namula ako sa ginawa ko kay Mina. Pero ramdam ko namula din siya. Kaso ayaw ko umasa kase masakit yun sa heart huhu. Pero masaya naman ako kase nasa tabi ko siya ngayon. Hindi ko napansin nandito na pala kami sa room.
Sana's POV
Nandito kami ngayon sa room. Naghihintay sa prof namin kasi 7:20 palang naman eh. Kung na c-curious kayo kung anong seating arrangement namin. Ako-Wala-Momo-Mina. Oo wala yun. Kasi may transferee daw mamaya eh. Sana maganda siya. Hoy sana ano ba yang nasa isip mo grabe ka! Napatingin ako sa pinto at may isang taong bumungad sakin.......
~End Of Chapter 1~
—————————————————————————————
A/N: HI MGA BES! Sana magustuhan niyo to bago pa lang ako kay wag niyo akong i judge hehe. I'll try my best na pagandahin to. 💗
SUPPORT THIS STORY!!🖤🤞🏻
