(Fast Fast Forward)
Sana's Pov
Uwian na at nandito kaming 4 sa gate.
"So bukas na lang uli? See you bukas! Thankyou dahil inalagaan niyo ako dito ngayonb first day." Sabi ni Tzuyu.
"Sus wala yun! Diba Sana at Mina?" Sabi naman ni Momo.
"Oo!" Sabay naming sagot ni Mina sabay tawa namin ng malakas.
Bago umalis si Tzuyu, hiningi ko ang number niya. Sabay kaway niya samin nung malayo na siya. Kahit malayo ang ganda niya parin.
"Bye Mina! Bye Momo!" Sabi ko sa dalawa sabay kiss sa cheeks nila.
Tzuyu's POV
Nandito na ako sa loob ng restaurant na pinagttrabahuhan ko. Nakalimutan ko palang sabihin nag p-part time nga pala ako dito sa XXX resto. Actually kaka apply ko lang kahapon kaya ngayon yung start ko. Kinakabahan pa ako pero nung pumasok na ako nawala na yung kaba ko.
"Uhm, miss ikaw ba si Tzuyu?" Sabi nung babaeng maliit na maikli ang buhok.
"Ahh. oo ako nga ikaw po ba yung manager dito?" Sabi ko sa kanya ng nakangiti.
"Hindi ah. Ako yung makktrabaho mo dito. Pinapabantayan ka lang ni Maam Jennie." Sabi ni small midget.
"Ahh. Nasaan ba ang office niya?"
"Dun sa kanan na kulay pink ang pinto. Ako nga pala so chaeyoung chae na lang for short. Yung babae naman sa cashier siya si Dahyun."
"Thankyou!" Sabi ko sa kanya at nagpunta ako sa office.
Nandito ako sa harap ng office. Kumatok ako pero walang nasagot. Kaya binuksan ko yung pinto at nagulat ako sa nakita ko. Naka kalong si maam jennie sa isang babae habang alam niyo na. Pero wait kung nagtataka kayo kung paano ko nalaman na si maam Jennie yun meron kasi siyang malaking picture dito sa office. Back to the topic. Umubo ako ng kunware at napatingin naman sila.
"Sorry maam kung naabala ko kayo. Ako nga po pala si Tzuyu."
"Wait for me jisoo-yaa" Bulong ni maam dun sa babae na narinig ko naman.
"Ahh pwede ka ng magsimula ngayon, kunin mo na lang kay chae yung uniform mo."
Lumabas na ako ng office. Pero lumabas ako na nag pipigil ako nga tawa dahil sa nakita ko. Balang araw gagawin ko din yon HAHAHAHAHHA. Pero kanino? kay Sana kaya? Ha bakit naman? Eh straight kaya ako!
"Uy Tzuyu kunin mo yung uniform mo kay dahyun binigay ko sa kanya eh." Bungad sakin ni chae.
"Dahyun, ako nga pala si Tzuyu kukunin ko lang sana yung uniform ko eh."
"Paano mo nalaman pangalan ko?" Nahihiyang tanong ni Dahyun sakin.
"Kase alam ko. Pero nasaan nga pala yung uniform ko? haha."
Inabot sakin ni Dahyun ang uniform ko, sinamahan niya ako sa cr. Tiningnan ko sa salamin ang itsura ko. Okay na siguro to. Nag ipit na lang ako ng messy bun para mukhang waitress talaga. Pag labas ko ng cr nakita ko si Dahyun naghihintay parin.
"Oo nga pala tzuyu ang oras ng pagttrabaho mo dito ay 4:00 - 7:00 lang. So pare parehas tayo ni chae. Kaya mamaya pag out natin tara muna sa park mag kwentuhan tayo para makilala natin ang isa't isa." Sabi ni Dahyun bago siya umalis.
Sana's POV
Makakain nga muna gutom na ako eh. Papunta na ako sa XXX resto para kumain. Pag pasok ko dito may babaeng umagaw na naman sa paningin ko. Si Tzuyu. Umupo ako sa sulok kung saan tahimik habang hawak ang ipad ko. At tumawag ako ng waitress para umorder. Hindi ko akalain na si tzuyu yung lalapit.
"Ahhm Sa... I mean Miss can I take your order please?" Sabi ni Tzuyu sakin.
"Ano ka ba mag kaibigan tayo kaya Sana na lang!"
"Ahh okay. Uhm Sana ano na order mo?" Sabi niya habang nakangiti.
"2 Cheese Kimbap"
"Huh? 2? May kasama ka pa ba?" Sabi niya na parang naguguluhan.
"Hindi ba pwedeng mag matakaw?"
"Sorry naman. Sige wait for me!" Sabi niya sabay kindat na nagpa pula sa akin.
Habang nag hihintay nag facebook muna ako. After ng ilang minuto nandito na yung order ko.
"Enjoy your meal Mi.. Sana!" Sabi niya sabay alis kase may oorder na uli.
Matapos kong magbayad ay umuwi na ako. Pero syempre nag paalam muna ako kay Tzuyu.
Tzuyu's POV
"Tzuyu! Ano sasama ka ba?" Tanong ni Dahyun sakin kase tapos na ang trabaho namin.
"Oo sige. Tara na?"
"Hoy chae dalian mo!" Sigaw ni Dahyun na napatawa ako dahil tatakbo na si chae.
~sa park~
"Saan ka napasok Tzuyu?" Tanong ni Chae saakin
"Sa XXX University."
"WEH?!?" Sabay na sigaw nina Dahyun at Chae. Napatwa naman ako.
"Dun din kasi kami napasok, hindi lang kami pumasok kanina kase may inasikaso kami sa resto." Paliwanag ni Dahyun.
"Pero papasok na kami bukas." Habol ni Chae.
"Kung ganon edi sabay sabay na tayo pumunta dito bukas." Masayang sabi ko sa kanila.
"Sige ba!" Sabay na naman sina Dahyun at Chae. May napapansin na ako sa dalawang to ha!
"Medyo na dilim na. Baka hanapin na tayo ng mga nanay natin haha." Sabi ni Chae.
"Bye! Kita kits bukas!" Sabi ko sa kanila habang papalayo na ako.
Sana's POV
Kakabored naman wala akong magawa. Aha! Itext ko kaya si Tzuyu?
To: Chewy🙈💗
Hi Tzuyu, nakauwi ka na ba?
Ang corny ko naman. Baka akalain nito may crush ako sa kanya. Pero tunay naman hahaha.
5 minutes later.
From: Chewy🙈💗
Hello Sana! Nakauwi na ako kanina. Lowbat na phone ko so see you na lang bukas?
To: Chewy🙈💗
Okay Tzuyu! Bye!
Akala ko pa naman makakausap kita ng matagal. Makatulog na nga.
~End Of Chapter 3~
——————————————————————————
A/N: HI MGA BES! Sorry kung pangit ha? Wala kasi akong experience eh. Bukas na uli ako mag u-update, BYE GUYS!😅
SUPPORT THIS STORY!!🖤🤞🏻
