"Saan ka?"
"Babalik agad ako"
"Ibibigay pa natin sa kanya yung toga niya"
"Hahaha Oo alam ko , osige na aalis na ako"
"Mag iingat ka alam ko pa namang mabilis kang hingalin" napangiti ako
"Hahaha Oo sige na una ako Trisha babalik din agad ako"
"Pag di ka bumalik agad , pupuntahan ka namin dahil alam kong magtatagal ka roon"
"Pipilitin kong bumalik agad hahaha"
5 years ago
"Gwyneth anak? , bakit di ka pa bumibili ng laptop? pinapagod mo lang ang sarili mo sa pagbubuklat mo diyan sa mga librong yan eh"huminga ako ng malalim at tumingin sa mama ko
"Mama , mas kumpleto sa libro kaya mas gusto ko pong magbasa sa libro kesa sa may net"
"*sigh* basta kapag kailangan mo na , sabihan mo lang ako" napabuntong hininga ako , at napahiga nalang sa kama koKahit anong yaman mo pala , akala ko magiging masaya ka na , dahil mayaman kami , minsan yung mga gusto ko hindi na nasusunod dahil parang isang laruan nalang ako ng mama ko , siya na ang nagpapagalaw sakin , lahat ng gusto niyang gawin pinapagawa niya sakin . Hindi ako inaalila , pero parang pakiramdam ko ganon na nga ang ginagawa niya sakin , kaya tuwing gabi umaalis ako ng bahay at ginagawa lahat ng mga bagay na gusto kong gawin sa buhay .
Nasa may kalayuan na ako ng bahay namin ng mapatigil ako sa isang hagdan na paburol .
"Sino magtatangkang umakyat dito? Eh titigan mo palang hihingalin ka na?"sabi ko sa sarili ko , hindi ko nalang binigyang pansin at umalis na hanggang sa makarating ako sa may open park at humiga sa may damuhan, napabuntong hininga ako kasi ngayon ko lang to nagawa, mga panahong umaalis na ako ng bahay tuwing gabi , sa mga convenience store lang ako pumupunta pero ngayon , iba na ang nararating ko
Kaya napangiti nalang ako at ang sarap mahiga sa ilalim ng kalangitan. May mga nagtitingkarang mga bituin at ang bida ng gabi , ang buwan.
Napapikit ako hanggang sa may maramdaman akong nakatayo sa harapan ko kaya naman napamulat ako at napaupo
"K-kanina ka pa ba diyan?"tanong ko, pero napangiti lang siya
"Bago ka lang ba dito?"tanong niya
"H-huh?"
"Ngayon lang kasi kita nakita dito eh"napalunok ako , hindi dapat ako nakikipag usap sa mga taong di ko kilala
"M-mauna na ako"tumayo na ako at umalis na sa harap ng lalakiBahay...
"*sigh* , iba din pala pakiramdam pag 10 years ka ng nasa all girls school" sabi ko habang nakahiga at nakatingin sa mga glow in the dark na stars sa may kisame ko . 1st year college na ako at hanggang ngayon nasa may all girls school parin ako nag aaral . Pero pinipilit ko si mama na ilipat ako sa ibang school kaya ngayon hindi parin ako pumapasok .Kinaumagahan...
"Anak , walang ka bang ipapabili ? Gusto mo ba ng mga make up? Nakikita ko kasi yung mga nilalike mo sa facebook , yung mga make up tutorial e"
"Ah eh , a-ayoko ma "
"Huh? Nako anak hanggang ngayon ba ayaw mo parin magpabili ? , bibilhan kita , osiya maiwan na kita ha" umalis na si mama , hindi na ako nakapag salita , nagtanong pa siya diba?Naandito ako sa may desktop ko at nag sesearch kung saan pwede mag aral
"*sigh* wala bang matinong school?"umalis muna ako ng bahay at nag lakad lakad na muna hanggang sa makakita akong babae na naka school uniform na nag bebenta ng gatas
"Hello bili ka na po , murang mura at fresh na fresh pa!"lumapit ako
"Architecture student?" Basa ko sa may school id niya
"Ah ate , bibili ka ba?"
"A-ay sorry , teka estudyante ka lang diba? Pero bakit nagbebenta ka?"
"Nako ate , bibili ka ba o hindi? , hindi na kasi ako nakikita ng mga taong dumadaan eh"umalis nalang sa harapan ko yung babae , at sinundan siya ng tingin
BINABASA MO ANG
3 Years Of Happiness
Romance"Isa , dalawa , Tatlo , ano mang taon ang aabutin basta makasama lang kita , Masaya na ako"Gregg "Sa loob ng tatlong taon , dahil sayo naging masaya ako"Gregg "Not only for one , two or three years , But forever Gregg, i will still love you"Gwyneth