Chapter 6

10 3 8
                                    

Flashback<< 2nd year High school

"H-hello im Gwyneth , nice t-to meet you all" Akala ko noon , wala akong magiging kaibigan , hanggang sa may lumapit saking tatlong babae

"Hi Gwyneth Ako si Samantha , ito naman si Vea , at si Amber"Dahil takot ako makisama sa tao , hindi ko sila pinagkatiwalaan , ayoko mag tiwala sa tao dahil feeling ko lolokohin lang nila ako,simula nang magpakilala sila sakin , lagi nalang nila ako sinasama , pero hindi ko parin sineseryoso at hindi ko parin hinahayaang ma attach sa kanila dahil ayoko ngang masaktan sa huli. Nag sasaya sila pero ako hanggang ngiti lang ang ginagawa ko , feeling ko yung mga panahon na yon malapit na silang maasar dahil wala talaga ako masyadong pinapakita na emosyon

"Tara Gwy punta tayo kanila Samantha" sinama nila ako sa bahay ni Samantha

"Ito yung favorite namin , Alam mo ba tong Crazy little thing called Love?" Actually favorite ko din yun

"O-Oo"

"Talaga?! Ang galing tayong apat gusto tong movie na to , Ang pogi kasi ni Mario dito no?"

"Oo nga! bagay sila ni P-Nam"mga panahong yon nakatingin lang ako sa kanila , tinitignan kung paano sila humalakhak ng malakas , kung paano sila magusap, parang ang tagal na nilang magkakakilala

"Ngayon kasama na natin si  Gwyneth , Tutal apat din sila Nam na magkakaibigan , gagawa din tayo ng Friendship song natin" At simula non , meron na kaming kanta para sa aming magkakaibigan.

At dahil nga hindi ko hinayaang ma attach sa kanila , pagka graduate namin , hindi ako nag paalam sa kanila dahil ayokong maging malungkot , sa totoo lang nakaramdam ako ng pagkalungkot pero buti nalang at pinigilan ko ang sarili ko noon kaya hindi ako masyadong nasaktan ngayon dahil

"Gusto ko management eh"

"Hala parehas tayo!"

"Yay! , edi sabay sabay tayo mag enroll sa college!"

"Ikaw Gwy? anong gusto mo?"

"A-Architecture"

Kaya pagka graduate namin ng High school hindi na ako nagpakita sa kanila

End of Flashback..

Nakahiga lang ako at hindi ko namalayang umiiyak na pala ako, bakit ngayon ko lang narealize na naging totoo pala sila sakin? Ngayon ko lang narealize na masaya pala sila kapag kasama ako? Ngayon ko lang narealize na mali pala ang inisip ko noong kasama ko sila?

Gregg's POV

"Umiiyak ka na naman" sabi ko habang nakaupo sa may bintana niya at tinitignan siyang umiiyak sa kama niya

Gwyneth's POV

School.

Nasa may room na ako at nakita ko silang tatlo malayo sa upuan ko, napayuko ako at pumunta nalang sa upuan ko

maya maya uwian na at mag papaalam na sana ako sa kanila kaso hindi nila ako tinignan at umalis na na parang hindi nila ako nakita

may pumatak na namang luha galing sa mata ko , napayuko na naman ako at huminga nalang ng malalim

--

"Uy Gwy , Okay ka lang ba?"Hindi ako makapag salita at direcho lang ako sa paglalakad

"Teka hindi ka aalis ngayon Gregg?"tanong ni Trisha

"Hindi , sabi ko may gagawin ako kaya baka bukas ulit ako mag tututor sa kanya"

"Tsss buti naman at nakasama ka samin ngayon , eh ano namang gagawin mo?"

3 Years Of HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon