Kinabukasan..
Nandito ako sa kwarto ko ,gumagawa ng miniature na bahay , at nang maramdaman ko na paakyat si mama , mabilis kong tinago yung ginagawa ko.
"ano ready ka na ba?"Oo nga pala , mag eenroll na nga pala ako sa gusto niyang university
"Pero ma"
"Wala ng pero pero , hihintayin na kita sa baba , bilisan mo"napabuntong hininga ako , at wala ng choice kung hindi kumilos na , nang may sumitsit sakin sa may bintana
"Oh problema?"napatingin ako sa kanya
"*sigh* Anong gagawin ko?, pinapaenroll na niya ako"
"Hmmm , siguro sumama ka na muna sa kanya"
"Pero ayoko nga doon"
"Wag ka mag alala , gagawa tayo ng paraan , sige na , hinihintay ka na ng mama mo , aalis na ako"at umalis na nga siya kaya naman kumilos na ako
Nang nakalabas na kami nakita ko si Trisha nag titinda at sumesenyas siya na , saan ako pupunta kaya naman sinenyasan ko nalang siya na itetext ko nalang siya
Nasa may sasakyan na ako at salita ng salita sa mama habang nag da drive pero hindi ko siya pinapansin at nag tetext lang
from: Trisha
Ano nangyari? Saan kayo pupunta?
To: Trisha
Anong gagawin ko? papatulong sana ako sayo na makapasok sa school niyo pero , pinapaenroll na ako ngayon ni mama sa gusto niyang university :(
From: Trisha
Hala , hindi ba pwedeng pilitin mo nalang siya?
To: Trisha
sabi ko naman sayo na hindi madali yun , Actually kahapon nagkasagutan kami nung sinabi ko na ayaw ko ng management
"Gwyneth , nakikinig ka ba sakin?"
"P-Po?"
"Hay nako , Anak kailangan mong mag ready at kailangan mapasa mo yun"
maya maya nakapag take na ako ng entrance examination at dahil ayoko nga dun , minali mali ko nalang ang mga sagot ko , sigurado naman na hindi na ako makakapasa dun , kaya nang bumaba na kami sa may kotse , naunang pumasok si mama at nakita ko si Trisha naghihintay sa labas ng gate namin
"Psst Trisha!" patago ko siyang pinuntahan
"Oh , ano na nangyari?"
"Tara , wag ka maingay" hinawakan ko yung kamay niya at patago kaming pumunta sa likod ng bahay at umakyat ng puno
"Huh? bakit dito tayo dumaan? , hindi ba pwede sa loob nalang ninyo?"
"A-Actually ayaw ni mama na may dinadala ako sa bahay eh"maya maya nakapasok na kami sa kwarto ko
"Wow , ang laki ng kwarto , teka kwarto mo lang to?"
"Oo " napahiga ako sa kama ko
"Grabe ka , ang yaman niyo nga talaga "umupo ako at napangiti kasi kung ano ano yung mga tinitignan niya
"Hala ang laki ng wardrobe mo!"tumayo ako at pumunta sa tabi niya
"Wag ka maingay ha? actually hindi lang siya wardrobe"binuksan ko na yung wardrobe at napanganga si Trisha kaya naman napatawa ako
"W-wow , ang laki , at grabe! ang daming miniature!"
"Hahaha , dito ko kasi tinatago yung mga ginagawa ko diba nga ayaw ni mama sa architecture kaya sigurado pag dinisplay ko to sa labas , baka makita ko nalang lahat ng pinaghirapan ko nasa basurahan na" pagkatapos libutin ni trisha yung loob ng wardrobe ko pumunta na kami sa may kama ko
BINABASA MO ANG
3 Years Of Happiness
Romance"Isa , dalawa , Tatlo , ano mang taon ang aabutin basta makasama lang kita , Masaya na ako"Gregg "Sa loob ng tatlong taon , dahil sayo naging masaya ako"Gregg "Not only for one , two or three years , But forever Gregg, i will still love you"Gwyneth