Sunday morning..
Hindi ko namalayan na Sunday na pala ngayon at may pasok agad kinabukasan , bumangon na ako para mag hilamos at pagkapunta ko ulit sa may higaan ko
"Aba himala andito siya" sabi ko sa sarili ko kaya naman lumapit ako sa may bintana at binuksan
"U-Uy gising ka na pala" sabi ng kakamulat lang na si Gregg
"Teka , wala ka bang bahay ha? bakit dito ka ba natutulog?"
"Ang boring , wala akong ginagawa pag nasa bahay ako"
"Eh dito din naman ha?"
"May ginagawa ako dito"
"Ano?"
"Binabantayan ka"
"H-Ha? B-bakit?"
"Diba sabi ko babantayan kita? kasi ayokong maging malungkot ka"Ang baba ng boses niya
"Hay nako , Okay na ako kaya di mo na ako kailangang bantayan"
"Hindi pepwede" mabilis niyang sagot
"Ha? bakit naman?"at parang may sumabog na naman sa dibdib ko nang pinatong niya yung dalawa niyang kamay sa may bintana at tinapat niya yung muka niya malapit sa muka ko kaya naman nanlaki yung mata ko
"Kasi Dagdag pogi points kapag binabantayan kita" napabuga ako kaya naman natawa siya
"Hahahaha , ano diba? dagdag pogi points na ba? Hahahaha!"
"A-Antok ka pa , diyan ka na nga" sinara ko na yung bintana at pumunta sa may banyo
"Jusko , ano yon? pangalawang beses niya nang nilapit yung muka niya sa muka ko , hindi kaya namula ako kanina? Hala hindi , tss bakit naman ako mamumula diba? " lumabas na ako at napangiti nang makita kong kasama ni Gregg si Trisha kaya naman tumakbo ako papunta sa kanila
"Waaa! Trisha!"sabi ko nang pagkabukas ko ng bintana
"Hahaha Gwy! i miss you!" nagyakapan kaming dalawa
"Ano ba tong dalawang to , ilang araw lang kayo di nagkita "
"Ano ka ba? Kahit isang araw lang hindi kami nag kita miss na agad namin ang isa't isa , at alam mo ba? punong puno ng missed call phone ko dahil miss na miss ako ni Gwyneth"
"Hahaha Shh" sabi ko
"masyado na kayong na attached sa isa't isa ha?" at napangiti naman kaming dalawa ni Trisha
"Teka Gregg , Hmmm k-kamusta na nga pala si T-Tyrone?"tanong ni Trisha kay Gregg
"Ayun nagpapagaling parin pero sabi niya makakapasok na raw siya bukas"
"Eh bakit ayaw mong puntahan Trisha?" tanong ko sa kanya
"B-Baka kasi galit siya sakin eh"
"Ikaw tong galit sa kanya noon tas ngayon naman ikaw tong namomroblema kung galit ba siya sayo. Ang gulo mo" sabi ni Gregg sa kanya
"Kasi naman sinabihan ko siya na lumayo na siya sakin kasi baka mas lalo lang ako mapahamak tapos hindi ko alam na binabantayan niya pala ako"
"Ang mabuti , kausapin mo nalang siya"
"Oo nga hangga't may oras at chance ka pa gawin mo na agad yung nararapat mong gawin kasi malay mo diba? kausapin ka niya at maging okay na kayong dalawa" sabi ni Gregg
"Kinakabahan kasi ako eh , anong gagawin ko kapag nagkita kami bukas?"
"Kausapin mo" sabi ko at lumapit siya sakin at hinawakan yung dalawa kong kamay
BINABASA MO ANG
3 Years Of Happiness
Romance"Isa , dalawa , Tatlo , ano mang taon ang aabutin basta makasama lang kita , Masaya na ako"Gregg "Sa loob ng tatlong taon , dahil sayo naging masaya ako"Gregg "Not only for one , two or three years , But forever Gregg, i will still love you"Gwyneth