Dinilat ko na yung mata ko at hindi ko alam bakit sumilip ako sa may bintana ko at nakaramdam ako ng pagkakalungkot ng wala si Gregg doon sa may puno
"Tss may sarili din siyang buhay Gwyneth, hindi naman pwedeng lagi siyang naandyan"sabi ko sa sarili ko kaya hinanda ko na yung sarili ko at pumasok na
naglalakad na ako nang biglang kumulo yung tiyan ko kaya pumunta muna ako ng Convenience store
"Ayun"sabi ko nang makita ko yung pagkain na gusto kong bilhin kaso bigla akong napatingin sa tabi ko
"Ah s-sige ikaw na bumili diyan"sabi ko at umalis na pero bigla niya akong tinawag
"Hindi na miss , sayo na to"
"Hindi na , actually may pasok na kasi ako kaya baka hindi ko rin makain yan" at umalis na ako ng tuluyan
Maya maya nasa may room na ako at nagkwekwentuhan sila Samantha
"Oh , Andito na si Gwyneth"sabi ni Vea
"Tara Gwy tignan mo tong si Sam oh"Sabi naman ni Amber
"Ha? bakit?"lumapit na ako sa kanila at umupo
"Kilig na kilig"
"Oh? Ah e hehehe b-bakit?"tanong ko
"May boyfriend kasi si Sam , ilang years na sila at hanggang ngayon daw pinapakilig parin siya"
"Hahaha ano ba nakakahiya"napangiti naman ako
"Ang sarap siguro ng may nagmamahal sayo no?"tanong ko kay Sam habang nakangiti sa kanya
"Sinabi mo pa , Wag ka mag alala makakahanap ka rin Gwy"
"Teka Gwyneth , maganda ka naman , matalino , wala parin bang nanliligaw sayo?"tanong ni Amber kaya naman napatingin ako sa kanya
"A-Ah e hehehe , w-wala pa kasi sa isip ko ang mag boyfriend eh"
"We? eh lalaking nagugustuhan?" napatingin naman ako kay Vea
"Hmm wala din" sabi ko
"Ang alam ko kapag may lalaking naandiyan palagi sa babae may chance na mahulog yung babae doon sa lalaking yon" nanlaki naman yung mata ko nang sabihin yon ni Samantha
"A-Ah , h-hindi rin no"
"Asus , eh sino yung kasama mo noon?" tanong ni Amber
"S-SI Gregg?"
"Oo"
"K-Kaibigan"
"Pustahan tayo , magkakagusto si Gwy kay Gregg"
"O-Oy Sam , h-hindi yan magkakatotoo"
"Pano mo naman nasabi aber? Hahahaha"napayuko nalang ako
"Pero infairness bagay kayo"
"Omy , namumula ka Gwy"napahawak naman ako sa pisngi ko
"Ha?" at nagtawanan silang tatlo kaya naman napabusangot ako
"Kayo talaga"
--
napatingin ako sa orasan ko at mag sisimula na yung klase ko sa Architecture kaya lumabas na ako ng classroom at hindi na nakapag paalam kanila Samantha
calling Gregg
"Tss wag mong sabihin hanggang ngayon kasama mo parin yung babaeng yon?" sabi ko dahil hindi niya sinasagot yung tawag ko kaya no choice , nagbihis na ako at tumakbo nalang paalis hanggang sa makarating na ako at hindi ko nakita si Gregg miski anino niya wala.
BINABASA MO ANG
3 Years Of Happiness
Romance"Isa , dalawa , Tatlo , ano mang taon ang aabutin basta makasama lang kita , Masaya na ako"Gregg "Sa loob ng tatlong taon , dahil sayo naging masaya ako"Gregg "Not only for one , two or three years , But forever Gregg, i will still love you"Gwyneth