Chapter 3

13 3 7
                                    

Napatingin ako kay Gregg at Trisha dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila na may isa pa akong pinapasukan na school.

"May inasikaso lang siya , baka isang sem kailangan niyang tapusin yon , kaya pwede ba paki sabi sa mama ni Gwyneth na magaling si Gwyneth sa klase niyo kaya lagi siyang pinapa uwi ng late?" napatingin ako kay Gregg

"Hindi ba namin pwedeng malaman kung ano yung inaasikaso ni Gwyneth? kaibigan naman niya kami eh" napabuntong hininga ako

"Para sa isusurprise niya sa mama niya, may 1 year preparation siya para sa mama niya kasi hindi lang maliit na surpresa ang ibibigay ni Gwyneth sa mama niya kung hindi napakagara at napakalaki kaya 1 year niya kailangang paghandaan yon" napatingin naman ako kay Trisha , jusko ano bang pinag sasabi nitong dalawang to , kaya no choice napangiti nalang ako

"K-Kayo naman nakakahiya , nalaman na tuloy nila Samantha na may isosorpresa ako sa mama ko"

"Hahaha okay lang , sabi nga din pala namin sa mama mo na ihahatid ka nalang namin , ano tara na?"

"Ah G-ganon ba? o-osige tara" at nagsimula na kami maglakad

--

"*Sigh* hanggang kailan ko kaya makakayanan to? Everyday papasok sa management tapos aakyat sa mataas para naman makapasok sa Architecture" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa may salamin. 

Pinunasan ko na yung muka ko at lumabas na ako ng cr nang bigla akong nagulat dahil may naka upo na naman sa may labas ng bintana ko , kaya naman lumapit ako sa kanya at binuksan yung bintana

"Alam mo , nakakatakot ka na ha, Umuuwi ka pa ba sa inyo?" tanong ko pero natawa lang siya

"Ang sarap kasi dito eh"

"Paanong masarap ? eh ang lamok lamok diyan?"

"Hindi naman masyado , hindi mo din sila mapapansin kasi ang mapapansin mo lang pag nakahiga ka rito , yung mga bituin tas lamig ng simoy ng hangin"

"Tsss bahala ka na nga diyan , basta kapag ikaw nag ka dengue wag mo sakin isisi ha"hindi ko ineexpect yung ginawa niya kaya naman nanlaki yung mata ko nang mapapatong yung kamay ko sa may bintana nang bigla niyang hinawakan yung batok ko at pinalapit niya yung muka ko sa muka niya

"Teka , nag aalala ka ba sakin?"napalunok ako

"B-Baliw ka ba? kahit si Trisha maaawa sayo pag nakita ka niya na natutulog ka dito sa labas"at bigla nalang siyang tumawa kaya naman binitawan niya na yung pagkakahawak niya sa may batok ko

"Hahahaha grabe ka , di ko ineexpect na mamumula ka ng ganon hahaha!"

"C-Che wag ka ngang maingay marinig ka ni mama eh"sinarado ko na yung bintana at tumakbo na papunta sa may higaan ko

"Mygod , a-anong nangyari?" tanong ko sa sarili ko

pero hanggang sa makatulog na siya , naglagay parin ako ng kumot pero this time nakatiklop pa at hindi ko ikinumot sa kanya , baka kasi kung ano na namang isipin niya

kaya pumunta na ulit ako sa higaan ko at tinatawagan si Trisha kaso hindi siya sumasagot

"Ang aga mo namang matulog "sabi ko 

Trisha's POV

"Mag ingat ka sa pag uwi"

"Sige po salamat po" umalis na ako sa convenience store nang may makita akong familiar kaya naman nanlaki yung mata ko at napatago

"H-Hala , p-paano pag nakilala niya ako? paano pag nakilala niya na ako yung isa sa nag buhos sa kanya ng alak? "nanginginig na ako sa takot habang nakatago ako , kukunin ko sana yung phone ko kaso sa sobrang panginginig ng kamay ko , nahulog yung phone ko

3 Years Of HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon