Chapter 2

18 4 3
                                    

Gwyneth's POV

napamulat na ako nang mapatingin ako sa may pintuan ko, bumangon ako at pinuntahan yung mga nakalagay na libro sa sahig

"Jeez , anong gagawin ko dito?"napabuntong hininga ako di ko nalang pinansin nang biglang kumatok si mama

"Oh anak , gising ka na pala , nakita mo na ba tong mga libro? basahin mo nalang to anak , ito yung mga libro na binabasa ko noon at yung iba bago , binili ko pa , basahin mo din to anak para may malaman ka ng advance about sa management " ngumiti siya sabay sinarado na niya yung pintuan ko kaya naman napaupo ako at nakabusangot

"Inis!"tumayo nalang ulit ako at nilagay nalang muna yung mga libro sa may tabi

"Kung anong gusto ko , ayun ang gagawin ko" sabi ko sa sarili ko kaya naman nilabas ko na ulit yung bahay na ginagawa ko

--

"Eh kung subukan mo ding intindihin yung management?"napatingin ako kay Trisha kaya naman umiling iling ako

"Kahit anong gawin ko , basta alam ng utak ko na ayaw ko yung isang bagay , hindi na niya pinagtutuusan ng pansin yon, kahit pilitin kong gustuhin ang management pero alam ng utak ko na architecture talaga ang gusto ko , there's no chance na magugustuhan ko talaga ang management"

"Paano kapag nagtanong mama mo kung anong natutunan mo sa mga libro na yon?"

"*SIgh* ewan ko , bahala na"

"Ayaw mo ba talaga sa iba ?"tanong ni Gregg

"Oo , ayoko na , architecture lang talaga ang gusto ko"

"Wag mo na pahirapan sarili mo , architecture nalang ang isipin mo at wag na ang management , kung saan ka sasaya , doon ka , kung anong gusto ng utak mo , yun ang sundin mo "

"Eh paano nga kapag nagtanong sa kanya yung mama niya tungkol sa management?"

"Edi sabihin niya , binibasa niya parin kaya di pa masyadong nag sisink in lahat ng binasa niya"

"*sigh* bahala na nga" pinagpatuloy ko ulit yung pag gawa ko sa miniature

"Ito lagay mo tong mga tao , ako to , ikaw to tapos itong isa si Trisha , dito dapat siya sa may pinakalikod"

"Langya ka talaga" napatawa naman ako

"Pero infairness ha , kahawig natin tong mga to , ikaw gumawa nito?" tanong ni Trisha kay Gregg

"Elib ka no?"

"Oy teka , ngayon na nga pala yung mga result "sabi ko kaya naman pumasok sa kwarto si Gregg at lumapit kami sa may laptop ko

"Sana bagsak sana bagsak" bulong ko sa sarili ko

"K-Kayo na tumingin , sabihin niyo kung bagsak "

"Ikaw na , sabi mo minalian mo naman lahat ng sagot mo diba?"

"*SIgh* oo nga pala , pero bakit ako kinakabahan?"

"Alis ka na nga diyan , ako na titingin , doon na kayong dalawa" pinatayo ako ni Gregg at pumunta muna kami ni Trisha sa may kama ko

"Hoy Gregg ano na? nanlalamig na dito si Gwyneth oh"

"Sabi na eh"

"Huh?" sabay naming pagkakasabi ni Trisha

"A-Anong sabi na?"

"P-Pasado ka"nanlaki yung mata ko at pumunta sa tabi niya

"Huh?! paano?!" tinignan ko yung laptop ko at may congratulations ngang nakalagay

3 Years Of HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon