Sulyap

366 9 0
                                    

Araw araw, oras oras, minuminuto at bawat segundo ng buhay ko,
Ang mga mata ko'y nakatutok lang sayo.
Sayo na hinahanap hanap ng mga mata ko,
Sayo na napaka perpekto,
Sayo na nakabihag ng buong pagkatao ko,
At sayo... Sayo na siyang tinitibok nitong puso ko.

Mahal... Oo mahal na nga kita mula nang pasukin mo ang teritoryo ng isipan ko,
Mahal na nga kita mula nang mapasulyap sayo ang mga mata ko.

Bawat kurap, bawat lunok, at bawat galaw ng katawan mo...
Nakatatak na sa isipan ko.
Ang isipan kong punong puno ng mga larawan mo.
Mga nakaw na larawan na nagmula sa pagsulyap ko sayo.

Hanggang kailan?
Hanggang kailan tatagal ang pagtingin sayo ng palihim
Hanggang saan?
Saan makakarating 'tong mga matang sayo lang nakatingin
Sana... Sana nga'y makarating ang mga ito sa panahong matatawag na kitang akin.
Akin lang nakatingin.
Akin lang nagpapapansin.
At akin... Akin lang kikiligin.

02/20/18

Spoken Poetry Where stories live. Discover now