Tanga

200 4 0
                                    

Isang salita ngunit napakasakit pakinggan
Isang salita ngunit malakas ang epekto sa ating pakiramdam

Tanga, yung taong masaya na makita ka lang
Tanga, yung taong handang masaktan makasama ka lang.
Tanga, yung taong sunud sunuran maparamdam lang sayo ang pagmamahal nyan.
Tanga, yung taong gagawin lahat dahil alam nya ang iyong kahalagahan.

Ikaw alam mo ba ang kahalagahan ng tangang 'yan?
Hindi diba?
Kasi sarili mo lang ang mahalaga para sayo.
Sarili mo lang ang iniintindi mo.
At mas masakit kung iba pala ang pinapahalagahan mo.

Pero alam mo?
Darating ang araw na...
Ang tangang yan, mapapagod na.
Ang tangang yan, magigising na.
Ang tangang yan, magsasawa na.
Ang tangang yan.
Wala... Iiwan ka na.

Ang saya diba?
Yung akala mong buntot mo, iniwan ka na.

Yung akala mong sayo, hinayaan mo...

Sinayang mo...

Tinapon mo...

Kaya ayon...

Masaya na sa nakapulot sa kanya.

03/12/18

Spoken Poetry Where stories live. Discover now