HINDI SAPAT

146 5 0
                                    

Sa pagsulat ko ng mga katagang ito,
Mga luha ang aking kasalo.
Sarili ko ang nagpapatahan sa pag iyak ko
Dahil ang pag iyak na ito ay isang sikreto.

Pakiramdam na ayaw ka ng lahat,
Pakiramdam na tinataboy ka 'pagkat 'di ka sapat.
Ngayon, bukas, at kahit kailan pa man,
Ikaw at ang sarili mo lang ang iyong maasahan.

Ibigay mo man lahat ng iyong kakayahan
Ipakita mo man lahat ng klase ng kabutihan
Sa dulo,
Ikaw lang din ang masasaktan.

Kalungkutang nadarama ko ngayon,
Alam ko sa sarili kong lilipas din iyon
Mga pagkakamaling nagawa ko ay dadalhin ng panahon,
At itatama ko ang mga ito pagdating sa ikalawang pagkakataon.

03/17/18
-twensixx

Spoken Poetry Where stories live. Discover now