Pilit ka mang abutin
Kahit mundo'y pagbali-baliktarin
Lugar mo'y napakahirap marating
At ito'y malabo para sa akin
Sa akin, na nagnanais na iyong mapansin
Sa akin, na umaasang ika'y makapiling
At sa akin, na nangangarap na iyong mahalin
Upang kahit saglit man lang ay matawag kitang akin
Hanggang kailan aasa?
Hanggang kailan magmumukhang tanga?
Ang mahalin ka'y kasalanan nga ba?
O sadyang malabo lang talaga para sa'kin ang umasa
Isang pangarap na napakahirap abutin
Isang pangarap na malabong sungkitin
Ang makapiling ka'y imposibleng makamit
At ang salitang tayo ay mananatiling guhit
Guhit na hindi maaring magkatotoo
Pilitin ma'y sadyang napakalabo
Ang pangarap na tayo hanggang dulo
Mauuwi lamang sa aking pagsuko
