Lito...
Isang salita, apat na letra.
Ano nga ba ang nararapat piliin sa dalawa?Iyon o ito?
Doon o dito?
Ikaw o sya?
At marami pang pagpipilian ang kailangan ipagpasya...Lahat ay may resulta
Bawat sagot ay may parusa
Ngunit mayroon ding makapagpapasaya
At iyon ang kailangan mong makuhaSa isang subok,
Lahat maaring matupok
Walang matitira
Lahat masisiraNgunit sa isang banda
Maaari kang makalaya
Kung mapili ang nararapat
Ika'y liligaya sa 'yong hinaharapIsang tanong bago ang lahat...
Handa ka bang magpakahirap?
Haharapin ang iyong katapat...
Kapalit ang walang kasiguraduhang magaganap.Alin man ang piliin
Kailangan pakaisipin
Huwag maging makasarili
Dahil ang desisyon mo ang masisisiSundin ang bulong ng puso
Ngunit huwag papalinlang sa iyong mga emosyong tuso
Sarili ang iyong kalaban
Kaya buksan din ang ating isipanAno ang iyong papakinggan?
Ang bulong ng puso o utos ng isipan?
Sa huli...
Silang dalawa ang kailangan panigan
Para makita ang hinahanap na kasagutan...Ano man ang kinahinatnan
Ikaw ang may pananagutan
Kaya pakaisiping mabuti,
Dahil hindi pa ito ang katapusan...