Mula sa malayo,
Tanaw na tanaw ko ang 'yong pagtayo.
Mula sa malayo,
Naiisip kong paano 'pag naging tayo?
Tiyak na sasaya tayong pareho.Mapapansin mo pa kaya ako? Kailan?
O 'di kaya'y...
Nakikita mo man lang ba 'ko? Sana lang:(Mahal kita, oo
Ngunit napakasakit isipin na nangangarap lang pala ako.
Nangangarap na balang araw,
Balang araw ay maging tayo.
Paano?
Paano magiging tayo kung iba naman ang kasama mo?
Paano magiging tayo kung hindi mo man lang alam ang nararamdaman ko?
Paano magiging tayo? Kung...natatakot ako...natatakot akong aminin ang saloobin ng aking damdamin.Lihim na pagtingin nais kong aminin
Ngunit paano? Paano kung sa isang banda...
Masaya ka na sa iba.
Masaya ka na sa piling nya,
Masaya ka nang ipaglaban sya,
Masaya ka nang makita sya,
At handa kang masaktan alang alang sakanya.
Alang alang sa pinangako nyong magkasama.Masakit! Oo masakit.
Pero anong magagawa ng isang hamak na tulad ko?
Isang hamak na nagmahal sayo.
Isang hamak na mayroon lihim na pagtingin sa tulad mong ninais kong mahalin.02/21/18