Isang taong kukuha ng iyong atensyon
Isang taong magiging inspirasyon
Paghanga sa kanya ang tanging dahilan
Dahilan kung bakit ka ngayon may palaisipanAno nga ba ang paraan?
Ano nga bang magiging kapalaran?
Kung ang paghangang inakala
Ay mauwi sa unti unting paglalaPaglala ng damdaming hindi mo inaasahan
Pag aakalang hanggang doon lang ang nararamdaman
Ngunit hindi natin hawak ang tadhana
Kung mangyari ma'y wala na tayong magagawaPigilan ang damdamin habang kaya pa
Ibaling ang atensyon kung may iba pa
Pilitin ang sarili at sabihing "tama na muna...
Tama na munang umasa pa dahil alam kong malabo na"Oo at malabo nga
Napakalabo't dinaig pa ang tubig na matagal na
Napakalabo't hindi mo na makita
Napakalabo't nahihirapan na kanang huminga...Nang dahil sa paghanga sa kanya
Nahulog ka ng napakalala
Nang dahil sa paghanga sa kanya
Pinaasa mo ang sarili mo sa wala