part 1

443 29 3
                                    

Malaya

Maagang umalis sa trabaho si Jacob upang masunod ang takdang oras na binigay ni Sheila para sa kanilang date. Ewan nga ba niya kung bakit sabik na sabik itong makita't makasama siya samantalang kahapon lamang ay magkasama nanaman sila.

Binilisan niya ang pagda-drive upang makarating siya ng mas maaga. Ang gusto kasi ni Sheila ay masulit ang bawat sandaling magkasama sila. Ayaw na lamang niyang ma-dissapoint niya ito at baka magtampo pa. Yun ang ayaw na ayaw niyang mangyari kaya't spoiled itong si Sheila sa kanya. Paano ba nama'y ayaw na niyang maulit pa ang nangyare noong iniwan siya nito 5 yrs ago. Kaya't ngayong nagkabalikan sila'y ginagawa at sinusunod niya lahat ng kanyang gusto wag lamang siyang mawala muli sa buhay niya.

Tiningnan ni Jacob ang kanyang relo. Saktong 15 minutes pa bago ang takdang oras na binigay ni Sheila at malapit na rin siya sa restaurant na kanilang kakainan bago tumuloy sa condo ni Sheila.

Pagdating niya sa Restaurant ay mayroon pang sampung minuto siyang natitira. Napangiti siya. "This is how I loveyou babe, Maski oras i-a-adjust ko just for you!" aniya sa sarili. Umupo siya sa table malapit sa counter. Maya-maya lamang ay dumating na rin si Sheila. Kumaway ito at sinalubong siya ng halik.

"Hey bhabe. kanina ka pa?" malambing na tanong ni Sheila.

"Been here 10 minutes before the exact time you've given!" Nakangiting sagot ni Jacob!"

"Goodboy! That's what I really love about you. You never dissapoint me!" Seryosong sabi ni Sheila habang kinakawayan ang waitress.

Masarap ang mga pagkaing inorder ni Sheila para sa kanilang dalawa. Nag-take out na lamang rin ito ng kanilang makakain paguwi sa kanyang condo dahil bukod sa tamad itong magluto, hindi niya talaga ito kinahiligan. Bagamat gustong- gusto ni Jacob ang babaeng magaling magluto dahil sa pagkahilig niya sa pagkain, isinantabi niya itong kahinaan ni Sheila dahil na rin sa sobrang pagmamahal niya sa kanya.

"Bhabe, pano na kapag mag asawa na tayo? palagi mo na akong aawayin dahil hindi ako nakapag- luto ng breakfast?" malungkot na tanong ni Sheila habang sila'y papasakay sa kotse. katatapos lamang nilang kumain at nagmamadali na si Sheila na pumunta sa kanyang condo dahil gusto niyang sulitin ang oras na magkasama sila.

"Naku, ang baby ko! Nagdadrama na naman. Ofcourse not. I will never do that. Mahal na mahal kita, ok? Dont worry. We'll get a cook once we are married!" pabirong sabi niya kay Sheila.

Sabay silang nagtawanan.
"Hahaha. Bhabe talaga" sabay halik sa pisngi ni Jacob.

"Uhmmn bhabe, Can I just bring you home then afterwards uwi na ako? nag-aalangang sabi ni Jacob

"But why? I thought were gonna watch movies tonight? aaaand don't you wanna sleep with me? Medyo galit at dissapointed ang tono ng boses ni Sheila.

Hinawakan ni Jacob ang kamay ni Sheila at hinalikan ito. "Bhabe, I have to do something important tonight. I swear this is for you, this is for us. After this, we will be more than happy. This will be my surprise for you tomorrow. Just trust me. ok?"

Tuloy- tuloy lamang sa pagda-drive si Jacob. At wala na ring imik si Sheila. Galit na ito at halatang ayaw na niyang makipag-usap. Sinubukang kausapin ulit ni Jacob si Sheila ngunit wala na itong imik kaya't hinayaan niya na lamang ito.

Nakarating na sila sa parking lot ng kanyang condo ngunit wala parin itong imik. yinakap ito ni Jacob at sinabing "Dont worry bhabe, this wont happen again. I promise that after tonight, Buong gabi na tayong magkasama." Tumango nalamang si Sheila at bumaba sa kotse. tuloy tuloy na siyang naglakad papasok sa main entrance at hindi na niya nilingon si Jacob. Pinaharurot na lamang din ni Jacob ang kanyang sasakyan!

MALAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon