part 20

273 11 5
                                    

Part 20

Natahimik si Jacob sa narinig. Halos matunaw sa sakit ang puso niya dahil sa sinabi ng asawa.

"I'm sorry Kristine. I'm so sorry!" Mahinang wika nito.

"Ok lang 'yun. Ok lang!" Sagot ni Kristine sabay pakawala ng isang matamis na ngiti.

"Yan, yang ngiting yan ang hinahanap hanap ko! Yang ngiting yan ang laging gumugulo sa utak ko. Yan rin ang palaging nasa panaginip ko! Salamat, salamat at ngayo'y nasilayan ko!" Wika niya sa isip isip niya. Nais man niyanh pakawalan ang mga salitang ito upang malaman ni Kristine ang nasa isio at puso niya, pinangungunahan siya ng hiya at sabihin na rin nating PRIDE!

Ang dami niyang gustong sabihin sa asawa. Ang dami niyang gustong gawin.

Gusto niyang sabihin kung gaano niya ito kamiss.

Gusto niya itong yakapin ng mahigpit.

Gusto niyang sabihin na gutom na gutom siya sa mga luto niya.

Gusto niya itong halikan.

Gusto niyang sabihin na hindi na ito makatulog ng maayos simula ng hindi na siya ang katabi.

Gusto niyang sabihin na mahal na mahal niya ito at nagkamali ito. Pero paano na si Sheila? Paano na nga ba?

Natahimik ang buong bodega. Tanging ingay lamang ng mga insektong nagsisipag kaluskusan ang tanging maririnig ng mga oras na yon. Bukod roo'y maririnig rin ang lakas ng tibok ng puso ni Jacob. Naguguluhan ito. Hindi niya alam ang mga susunod niyang hakbang. Ang importante'y nahanap niya na ang kanyang mag ina. Hindi siya sigurado, ni hindi niya alam kung babawiin niya ba ang kanyang mag ina at iuuwi sa kanyang bahay. Oo yun ang gusto niya ngunit paano? Bago niya gawin iyon ay dapat muna siyang magdesisyon. Kailangan niya munang mamili. Kung si Kristine ba o si Sheila. Mahal niya si Sheila, kay tagal niya itong pinangarap na makasama sa iisang bubong ngunit paano naman ang babaeng nakasama niya ng ilang taon noong iniwanan siya ni Sheila? Paano na ang babaeng inialay ang kanyang buong buhay maging masaya lang siya? Paano na siya kung ganito ang kalagayan niya dito sa pamamahay nila?

Ewan. Hindi niya alam. Saka nalang niya ito pagiisipan. Ang importante'y makita't makasama niya ang asawa. Kahit aa loob ng ilang araw lang!

Sa gitna ng katahimikang bumabalot sa loob ng bodega'y biglang may sunod sunod na malalakas na katok ang kanilang narinig. May kumakatok sa pintuhan ng kanilang tinutuluyan. Maya'maya'y bumukas ang pinto't iniluwa ang isang mistisang babae na nakasuot ng pantulog. Ang Ina ni Kristine.

Agad tumayo ang dalawa sa pagkakaupo. Si Kristine nama'y agad sinalubong ang Ina. Samantala'y si Jackb ay naiwang nakatayo, tulala at kabadong kabado. Siguradong malalagot ito dahil naabutan siyang narito sa tinutulugan ni Kristine.

"JACOB, What are you doing here?" Matogas ang boses ng babae at nakatingin ito sakanya ng diretso.

"Ah eh, napadaan lang po tita. I was just checking each rooms kung saan kami pwedeng maging komportable until nakarating ako dto sa stock room. Sinubukan ko lang hanapin mga ibang gamit ko dito before and I found out my tao pala rito!" Hindi mapakaling pagpapaliwanag nito. Hindi niya alam kung uubra nga ba ang pagpapalusot nito ngunit sana nga upang hindi magalit sa kanya ang babae.

"You know my rules here Jacob. And you know me, You know us!!!" Mahinang tugon ng matandang babae.

"Ofcourse tita. I wont forget that." Sagot nito habang pilit nakikipag titigan sa matanda.

"Well Jacob, Since you know my rules especially to Kristine, tomorrow we will do the retual!" Saad nito habang pilit ibinabaling ang tingin kay Jacob at Kristine.

MALAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon