part 11

138 8 0
                                    

Part 11 part 11 part 11

Parehong nagulat si Jacob at Sheila sa pangyayari. Agad namang umalis sa pagkakapatong si Sheila sa katawan ng lalaki at agad nitong hinila ang kumot upang takpan ang kanyang hubo't hubad na katawan. Si jacob nama'y nanatili sa kanyang pwesto't hindi alam ang susunod na gagawin sa tindi ng pagkagulat.

Samantala, Si kristine nama'y natulala sa kanyang nakita. Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang kanyang mga luha! Kailan may hindi niya inaasahang matutunghayan niya ang asawa sa ganitong klaseng eksena. Halos tatlong minuto bago bumalik ang kanyang ulirat at sa wakas ay nagawa na rin niyang magsalita.

"So-sorry, hi-hindi ko alam na may tao! Im sorry!" mahina at halos mautal-utal niyang sabi at pagkatapos ay sagad nitong isinara ang pinto.

Napahagulgol itong dahan-dahang naupo sa harap ng pinto. Hindi niya maintindihan kung bakit ito nangyayari sa kanya. bakit napakalupit ng bawat pagkakataong nangyayari sakanya! Pakiramdam niya'y wala ng mas sasakit pa sa kanyang nasaksihan bilang isang asawa! Gusto niyang magalit, gusto niyang saktan si Sheila, silang dalawa! Pero hindi niya magawa. Tanging pag-iyak lang ang kaya niyang gawin para sa sarili.

Nakita ni Aling loleng si Kristine na nakakaawang umiiyak. Malamang sa isip isip niya'y nakita nito si Sheila at Jacob sa loob ng Kwarto.

"Kristine." Awang-awa'ng tinawag ng matanda ang babaeng amo. Agad namang tumayo si Kristine upang lumapit sa matanda. Hindi na nagsalita ito at agad siyang yumakap ng mahigpit habang humahagulgol na tila ba ito'y isang batang musmos na nagsusumbong! Gumanti rin si Aling Loleng ng mahigpit na yakap. Pinatahan niya ito't dinala sa kusina upang pakalmahin.

"Kristine anak, Tama na!" Pagtahan ng matanda sa amo habang hinihimas nito ang kanyang likod habang siya'y subsob sa pagiyak sa mesa.

Tumingin ito kay Aling Loleng at pinunasan ang kanyang mga luha.

"Aling Loleng, Akala ko sobrang sakit na yung pakiramdam na maghihiwalay na kami dahil meron na siyang iba. Pero may mas masakit pa ho pala. Yung yung makita siya kasama yung taong mahal niya! Alam ko naman eh. Alam ko naman. Tanggap ko na na sa one of these days, tuluyan na kaming maghihiwalay pero ang sakit! Ang sakit pala talaga pag yung katotohanan na mismo ang sasampal sayo!" Mataas ang tono ng boses nito na tila ba'y siya'y may kaaway! samantala'y laking gulat naman ni Aling loleng dahil ngayon lang niya nakitang ganito magsalita ang amo. Kadalasan kasi'y napakahinhin nitong makipag usap kahit pa noo'y unti unti na siyang sinasaktan ng asawa dahil sa pakikiapid.

"Anak, makinig ka sakin. Hindi ka bibigyan ng diyos ng pagsubok na hindi mo kayang lagpasan. kayanin mo anak! Simula pa lamang ito! Bilang asawa at ina na nasasaktan, mas marami pang pagsubok ang dadating sayo! Ang kailangan mo lang gawin ay harapin ito ng buong tapang. Pasasaan ma'y Lilipas din ito. Sabi nga nila, Pagkatapos ng matinding ulan, darating din ang bahaghari. Maniwala ka lang!" Paliwanag ng matanda sa among babae pagkatapos ay ito'y kanyang yinakap at pinatahan.

Pagkatapos ng ilang sandali, lumabas na rin si Sheila at Jacob sa kwarto. Sa totoo lang ay hiyang hiya si Jacob sa nangyari dahil hindi niya kailanman inasahan at ninais na makita siya ni Kristine sa ganong sitwasyon. Mayroon ring konting kirot sa kanyang puso na nagsasabing nanghihinayang siya't nagsisisi sa kanyang ginawa dahil alam niyang nasaktan niya ang asawa. Oo nga't alam na ni Kristine ang tungkol sa kanila ni Sheila pero hindi yun sapat na dahilan para makita sila ng asawa sa ganong sitwasyon. Aminin man niya o hindi, kahit anong mangyari'y mayron at mayroong lugar si Kristine sa kanyang puso, at kailan may hindi mawawala iyon!

Nagtungo ang dalawa kung nasaan si Kristine upang magpaalam sana. Ngunit ang mga sumunod na nangyari'y isa ulit sa kailan may hindi niya inasahang mangyari.

"Kristine!" Pagtawag ni Sheila sa babae.

Napatingin si Kristine sa babae at agad ding ibinaling ang kanyang tingin sa lamesa.

"Kristine, Aling Loleng mauna na kami! Ihahatid ko pa si Sheila!" Pilit nagpapaka pormal ang lalaki kahit halata at ramdam niya ang init ng sitwasyon nila.

Tumango si Kristine ng hindi tumitingin sa lalaki. Si Aling loleng nama'y hindi na sumagot dahil sa sobrang pagkainis sa dalawa.

"Wait. May gusto akong sabihin!" Biglang nagsalita si Sheila.

Napatingin si Kristine at aling loleng sa babae at Si Jacob nama'y nagulat.

"Kristine, matanong ko lang? Kelan ba kayo lilipat?" Mataas ang boses ng babae at diretso ang tingin nito kay Sheila.

"Ano kase eh. I and Jacob are so Excited to live together, We want to start living together sana as soon as possible para di mahirap ang magiging adjustment namin. Tutal dba maghihiwalay na rin kayo, what if lipat ka na lang para di na tayo mahirapan lahat diba? I mean ikaw nahihirapan ka mag move on because you and my Jacob are still together. Si Jacob and I naman nahihirapan kasi di kami magkasama. dba? what if alis ka nalang para mabenefit tayong lahat?" Walang pakundangang sabi ng babae.

Nagkaroon ng tensyon sa pagitan nilang apat. Napairap si Aling loleng sa babae, Magkahalong gulat naman at kaba ang tanging makikita sa mukha ni Jacob. Samantalang si Kristine nama'y tahimik lamang na nakayuko.

Ilang segundo ring katahimikan ang naganap sa pagitan nilang apat. At ng hindi na nakatiis si Aling loleng ay ito na mismo ang nagsalita para kay Kristine.

"Teka, Teka lang ha. Ang kapal naman ata ng pagmumukha mo at ikaw pa ang magsasabi niyan kay Kristine. Hoy kabitchinang haliparot, Pwede ba wag mong pangunahan ang desisyon nilang mag-asawa! Kung sino pang kabit siya pang matapang, Iba ren!" pagtataray ng matanda sa babae.

"Excuse me, Who are you anyway? Dba katulong ka lang so please wag kang makialam! wala kang lugar dito at kabahan ka na dahil kapag nandito na ko, sa kangkungan ka pupulutin!" Ganti ni Sheila sa matandang babae.

"Oo katulong lang ako dito! Katulong lang! Pero malaki ang ambag ko sa pagkatao ni Jacob dahil ako ang nagpalaki sa kanya, Ako ang tumayong ina niya sa mahabang panahon simula ng yumao ang kanyang ina. At ikaw? Sino ka sa buhay ni Jacob? Isang kabet na-? Matapang na pakikipag diskusyon ng matanda kay Sheila. Bagamat hindi pa niya natatapos ang kanyanh sinasabi, biglang sumigaw si Jacob!

"Tama na! Tama na!" Nagulat ang lahat sa pagsigaw na ginawa ng lalaki. Senyales ito na siya'y galit na.

"Sheila tama na, ihahatid na kita!" Hinawakan ni Jacob ang kamay ni Sheila upang hilain ito palabas ng kusina upang matigil na ang kanilang diskusyon.

Agad namang binawi ni Sheila ang kanyang kamay at muli itong nagsalita.

"No Jacob, walang aalis! walang ihahatid! Tatapusin natin ito ngayon. Kristine, Mamili ka, Aalis ka dito or titira tayong dalawa dito at araw araw kong ipaparanas sayo ang impyerno? Araw araw kong ipaparamdam sayo na wala ka ng lugar dito sa bahay na to, sa buhay ni Jacob at lalong lalo na sa kanyang puso!" Matapang niyang sabi.

"Sheila. Please stop it." Pakiusap ng lalaki.

"No Jacob. I wont stop until were done. Baket Jacob, ayaw mo ba siyang paalisin dito? answer me." Palaban paring nakikipag usap ang babae.

"Sheila. Its not like that. ofcourse I want to live with you and make a family. But please understand. Hindi pa pwedeng umalis si Kristine dahil wala pa silang mapupuntahan." Pagmamakaawa ng lalaki.

"Alright. Naaawa ka sa babaeng yan. Sige, since ayaw mo siyang paalisin dito, edi magsama kayo! Lets call it quits. Wag na wag mo na kong guguluhin!" Pasigaw ng sabi sa lalaki sabay alis.

Napaupo naman si Jacob sa pagkabalisa at pagkatuliro. wala na siyang nagawa kundi napahawak na lamang siya sa kanyang ulo at nagbuntong hininga.

Nanatili namang nakayuko si Kristine at si aling Loleng nama'y sumimangot.

"Ikaw kasi. Ikaw ang may kasalanan! Sana umalis ka na lang! Lumayas ka na dito! Wag mo ng guluhin ang buhay ko!" Sigaw nito kay kristine habang ito'y tinuturo ng kanyang kamay.

Nagulat naman ang dalawa sa sinabi ng lalaki. Napaluha si Kristine sa kanyang narinig. Maya'maya'y tumayo na si Jacob at sinundan si Sheila.

MALAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon