part 7

149 9 0
                                    

Part 7 part 7 part 7

Ilang ulit niyang tinawagan ito ngunit wala, hindi talaga nito sinasagot. Nakaramdam na siya ng pagka-inis. Binato niya ang kanyang telepono at lumagapak ito sa sahig.

Narinig naman ni Kristine mula sa kusina ang tunog na sanhi ng pagkakabato ng telepono ng lalaki, Iniwan niya ang inihahanda niyang kape't panghilamos para sa kanyang asawa upang ito'y mahinasmasan. Agad itong pumasok sa kwarto upang tingnan ang nangyayari sa loob.

"Anong nangyayari sayo Jacob?" Nag-aalala nitong tanong sa lalaki.

"Wala, wala kang pakialam!" Pasigaw nito sa asawa. mainit na ang ulo ni Jacob dahil sa pangde-dedma sa kanya ni Sheila. Ayaw man niyang sigawan ito'y nadadala siya sa inis na kanyang nararamdaman.

"Pasensiya ka na, concern lang ako!" malungkot nitong tugon.

"Hindi ko kailangan ang concern mo! ang kailangan ko si Sheila!" tumayo si Jacob at lumapit kay Kristine. dinuro niya ito habang siya'y nagsasalita.

"I'm sorry!" Ramdam ni Kristine ang galit na nararamdaman ni Jacob. Sa isip isip niya'y siguro'y may hindi pagkakaunawaan ang dalawa kaya ito'y naglasing at kung bakit ganun na lamang ang kanyang galit.

"Alam mo sa totoo lang, Ayoko sanang magalit sayo kasi wala ka namang ginagawang masama! pero bakit ganon? Bakit ikaw na ang nagiging dahilan ng away namin ni Sheila." Sa pagkakataong ito ay sinasigawan niya na si Kristine.

Natameme si Kristine sa narinig. Sa isip isip niya'y "Paanong ako ang dahilan ng hindi nila pagkaka intindihan? Hindi naman ako nanggugulo!"

"Bakit hindi ka nalang kasi umalis? Umalis ka na dito. Umalis na kayo! Pang gulo kayo sa buhay namin ni Sheila! Lumayas na kayo!" Malakas ang pagsigaw ni Jacob kay Kristine at sa sobrang galit nito'y sinuntok at sinipa niya ang pader kung saan nakatayo ang asawa. hindi pa ito nakontento't itinulak niya ito ng malakas at tumama sa pader.

Nagulat si Kristine sa tinurin ng asawa. Hindi na niya ininda ang sakit ng pagkakatama niya sa pader. Ngunit mas nagulat siya ng kanyang makita na umaagos ang dugo sa pagitan ng kanyang mga hita.

"Ja-jacob!" mautal-utal nitong tinawag ang pangalan ng asawa na para bang humihingi ng tulong.

Napatingin si Jacob kay Kristine. Siya may nagulat rin sa kanyang nakita.

"Kristine. anong nangyayari sayo? bakit ka dinudugo?" nahimasmasan ang lalaki. tila nawala ang kalasingan nito sa kanyang nakita.

"Jacob tulungan mo ko." Halos wala ng boses si kristine. pinilit nitong hakbang ang kanyang mga paa papalapit sa asawa ngunit sa pagkakataong ito'y bigla na lamang siyang nawalan ng malay. Mabuti't dali dali siyang nasalo ni jacob.

"Tulungan niyo kami. Tulungan niyo kami. Saklolo! Alin g Loleng!" Natataranta itong nagsisigaw habang buhat buhat niya palabas ang asawang walang malay. Wala paring tigil ang kanyang pagdurugo kaya naman kabadong kabado itong si Jacob.

Ilang segundo lamang ay nagising na si aling loleng at lumabas ng kwarto upang tingnan kung anong nangyayare't nagsisi-sigaw itong si Jacob.

Nagulantang si Aling Loleng sa kanyang nakita.

"Dyos ko Jacob anong nangyari? anong ginawa mo sa asawa mo? Dalhin natin natin siya sa ospital!" Gulat at natatarantang tugon nito sa lalaking amo.

Dali-daling ginising ni Aling Loleng ang anak na si Hanah upang ipagbilin ang alaga nitong si Andrea. Hindi na ito nagpaliwanag at sinabi na lamang niyang mayroon silang emergency. At agad nama'y nagmadali silang pumunta sa ospital.

Pagkarating ay agad dinala si Kristine sa Emergency room. Naiwan naman at matyagang naghitay sa labas ng kwarto sila Jacob at Aling loleng. Sinubukang komprontahin ng matandang katulong ang amo ngunit tila wala ito sa ulirat.

"Jacob naman. Anong ginawa mo sa asawa mo? Dyos ko anak napakalaki na nga ng kasalanan mo sakanya tapos ganyan pa ang gagawin mo sa kanya. Mag isip ka naman. asawa mo yan! Pinagbuklod kayo ng Dyos. Walang sino man ang dapat makakapag hiwalay sa inyo! Sana alam mo yun Jacob.!" Magkahalong galit at hinagpis ang tanging nararamdaman ng matanda sa nangyari.

Walang naging sagot si Jacob sa matanda. Nakatulala ito't tila napaka-lalim ng iniisip.

"Sa tingin ko Jacob kelangan mo munang umuwi. Umuwi ka't magbihis. Ayusin mo ang sarili mo. Amoy chico ka pa. Ako ng bahala rito. Bumalik ka nalang kung maayos ka na dahil sa tingin ko dapat ka ng dalhin sa mental jan sa itsura mo!" aniya sa lalaki. Agad namang tumayo si Jacob sa pagkakaupo at nagpaalam sa matanda.

Nakalipas ang ilang oras ay lumabas ang doktor sa emergency room.

"Sino po rito ang bantay ni Mrs. Kristine Dela torre?" Tanong ng doktor.

Agad namang sumagot ang matanda.
"Ako ho dok. Kamusta ang amo ko?"

"Sa ngayo'y critical ang kondisyon niya dahil maraming nawalang dugo sa kanya. Kailan namin siyang i-monitor especially the baby. Good thing, malakas ang kapit ng bata. Tatlong bwan na ang baby sa kanyanh sinapupunan and luckily, may heartbeat parin siya but I cant assure you that I will lasts. There are 50/50 chances." paliwanag ng doktor.

Nanghina si Aling Loleng sa narinig. Nag-alala siya sa kondisyon ng mag ina. Magkahalong gutom, pagod at puyat ang nararamdaman ng matanda idagdag pa ang sinabi ng mga doktor. Pakiramdam niya'y magco-colapse siya ng di oras. Pero kelangan niyang magpakatatag dahil siya na lamang ang pwedeng kapitan ni Kristine. Wala na kasi itong Pamilya dahil matagal na nila itong itinakwil.

Pagkaraa'y tumunog ang telepono ng matanda. Si Jacob ang siyang tumatawag.

"Aling Loleng, kamusta po si Kristine? Ano hong balita? Alis sais na ng umaga ng ito'y tumawag.

Napaisip ang matanda. Sasabihin ba niya sa lalaki ang sitwasyon ng mag ina niya? hindi bat ibinilin sa kanya ni Kristine na kahit anong mangyari'y hwag ipapaalam sa asawa ang tungkol sa bata. Nag-dalawang isip siya't naguluhan sa sitwasyon na kinasadlakan niya ngayong tumawag ang lalaki.

"Aling Loleng anjan ka pa ba?" Narinig ni aling loleng ang boses ni Jacob sa telepono na siyang nagpabalik sa kanyang ulirat.

"Ahh eh, jacob! mamaya nalang tayong magusap! Bye." Agad pinatay ni aling loleng ang kanyang telepono upang iwasan ang mga katanungan ni Jacob. Sa isip isip niya'y "mabuti na tong iwasan ko muna siya mamaya na lamang akong mag iisip ng maaari kong idahilan sa kalagayan ni Kristine na hindi niya malalaman ang tungkol sa bata!"

Sa totoo lang ay gustong gusto niyang sabihin kay Jacob ang katotohan tungkol sa bata. Ngunit iniisip niya ang naging usapan nila ng among babae.

MALAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon