part 9

138 8 0
                                    

Part 9 part 9 part 9

Madaling araw na ng tuluyang makatulog  si Aling Loleng. Sa wakas ay nakatulog rin ito. Ramdam niya ang pagod at puyat sa pagbabantay kay Kristine. Hindi niya makuha kuha ang tulog kakaisip sa kung anong sasabihin niya sa babaeng amo sakaling magtanong ito kay Jacob. Mula kahapon ng umaga simila noong nagpaalam si Jacob sa kanya na pupunta ito ng baguio hanggang ngayon ay hindi na ito mapakali kakaisip sa magiging kalagayan ni kristine sakaling malaman nito ang totoo. Malamang ay sasama na naman ang loob nito. Kaya naman'y hindi siya magkanda ugaga sa kakaisip kung anong dahilan ang kanyang sasabihin sakaling magtanong ito. Iniisip niya rin na kung sakaling gumawa man siya ng kwento upang pagtakpan si jacob, malalaman at malalaman rin ito nu Kristine.

Samantala si Kristine nama'y kahapon pa nagtataka kung baket hindi manlang magawi doon ang asawa. Marahil kaya ay galit parin ito sa kanya? or may importante lang na linalakad. Hindi niya naman matanong si aling loleng dahil pakiramdam niya'y lagi itong iwas sa kanya. Sa isip niya'y siguro'y napapagod na rin ang matanda sa pagbabantay sa kanya.

Na-alimpungatan si Kristine sa doktor na pumasok sa kanyang kwarto. Maski si Aling Loleng ay nagising rin.

"Good morning Ma'am, how's your sleep?" Pagbati ng doctor.

"Okay naman po dok." mahinhin ang boses ni Kristine.

"That's good. Btw, I am here to tell you that your baby is fine as well as you. Kelangan mo lang magstay dito sa hospital for more few days for a bed rest and para na rin ma-test pa natin ang mga kailangang itest. But no worries, you are ok now. We just need to double check you esp. the baby!" Nakangiting paliwanag ng doctor.

"Hay salamat naman kung ganon." masayang tugon ni aling Loleng.

pagkatapos icheck ng doctor ang BP ni Kristine ay agad rin itong umalis para i-check ang iba pa niyang pasyente.

"Aling Loleng." mahinahon niyang tinawag ang matanda.

Napatingin sa kanya ang matanda.

"Aling loleng na saan ho si Jacob?" Sa wakas ay nagkaroon siya ng lakas ng loob tanungin ang matanda.

Natahimik ang matanda. Napatingin ito kay Kristine habang unti unting bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Kabadong kabado ito. May lumalabas na ring mga munting butil ng pawis sa kanyang noo. Nagtalo ang kanyang isip kung sasabihin nga ba niya ang totoo. sa huli'y naisip niyang karapatan itong malaman ni Kristine.

"Kasi ano eh iha. Nasa ano." kinakabahan niyang sabi habang ito'y hindi makatingin ng diretso kay kristine.

"Ano ho?" pilit pinapaamin ni kristine si aling Loleng.

"Ahm, Nasa baguio." Diretso nitong pag amin ngunit hindi na niya binanggit na kasama nito si Sheila.

"Anong ginawa don? dba naka-leave siya kasi seminar?" Nagtatakang tanong ng babae.

"hi-hindi ko alam!" nakayuko na ng sumagot ang matanda dahil ayaw na niyang makita ang reaksyong ng babaeng amo. Ayaw na niyang makita ang mala-anghel na mukha nito na para bang pinaparusahan ng langit sa sobrang lungkot.

"Kasama niya si Sheila?" Muli niyang tanong. Sa pagkakataong ito'y naging mas malungkot na ang kanyang boses. Nangangatal at tila ba parang hirap niyang hugutin ang mga boses nito.

Napatingin si Aling loleng sa babae. napatango na lamang ito sa kanyang sinabi. Kita niya ang lungkot sa kanyang muka. Maya-maya'y bumagsak na ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Hindi na talaga niya ko mahal noh? wala na talaga siyang pakialam sa akin?" nung una'y kalmado pa lamang magsalita si Kristine ngunit pagkaraa'y humagulgol na ito sa iyak. Simula noong sinabi ni Jacob ang balak niyang annulment, kahit minsa'y hindi pa niya ito nakitang humagulgol sa iyak sa sobrang bigat ng kanyang nararamdaman. Kadalasa'y nakikita niya lang itong tulala, tahimik na lumuluha o kaya nama'y tahimik na tinitingnan ang kanilang mga family pictures at videos. Yung pagiyak niya ngayon ay iba, para bang pinagsakluban siya ng langit at lupa sa sobrang bigat ng kanyang problema.

Hindi na nakapag-salita ang matanda, wala na rin itong ibang nagawa kundi ang yakapin si Kristine ng mahigpit.

Pagkaraan ng ilang minutong pag iyak ay muling nagsalita si Kristine.

"Aling Loleng. Pakiusap ko ho sa inyo, sana'y manatili na lamang sikreto ang pagbubuntis ko. nakikiusap ho ako!"

"makakaasa ka!" umiiyak niyang tugon sa among babae.

"Aling Loleng, tutal ok na ho ang sitwasyon ko, pwede ho bang magrequest ho kayo aa doktor na ilipat na lamang ako sa public ward?" seryosong sabi ni Kristine.

"Pero bakit Kristine? kung nag aalala ka sa bayarin ay si Jacob na ang bahala. Kargo ka niya. Wag mo ng intindihin yun!" Nag aalalang tugon ng matanda.

"Nakikiusap po ako aling Loleng. Pagkalipat ko'y maaari na ho kayong umuwi. Magpahinga po kayo. Magpalakas!" nangungusap ang mga mata nitong nakatitig kay aling loleng.

Hindi alam ni aling Loleng kung tama bang sundin pa niya ang nais ng among babae pero wala itong nagawa. Agad itong lumabas ng kwarto upang ipaasikaso ang paglipat nito ng ward.

Dalawang araw na rin ang nakalipas ng magdesisyon si Sheila at Jacob upang umuwi. Masayang masaya ang dalawa sa kanilang naging bakasyon. Napakaraming pangako at plano ang sinambit ni Jacob kay Shiela. Isa na rito ang kanilang pagsasama sa iisang bahay.

Alas siyete ng umaga ng sila'y umalis sa baguio at halos gabi na rin ng makarating sila ng Maynila. Dobleng pagod ang nararamdaman ni jacob ngunit sa kabila nito'y masaya siya dahil nagka-ayos na sila ng kanyang babae.

Pagkahid kay shiela sa condo'y nangako itong babalik rin ito agad. Nagdahilan itong may aasikasuhin lamang sa opisina ngunit ang totoo'y pupuntahan niya ang asawa upang tingnan ang kalagayan nito. Dalawang araw rin kasi itong walang update sa kung ano man ang lagay ng asawa.

tatlong oras rin ang nakalipas bago ito nakarating sa ospital. Dumaan pa kasi ito sa kanilang bahay upang maligo at mag ayos ng gamit. dumaan rin muna ito sa isnag flower shop upang bumili ng bulaklak para sa asawa. Yung kanyang naunang binili kasi'y hindi niya naibigay dahil nakipag kita ito kay Sheila kaya't sakanya na lamang ito naibigay. Pagkatapos ay dumiretso na rin ito aa ospital.

Nagtatakang dumating si Jacob sa kwarto ng asawa. Bakit kaya wala na ito doon. Tinawagan niya si Aling Loleng ngunit hindi ito sumasagot. Nagtanong siya sa Nurse area kung bakit wala na roon ang asawa. ang tanging naging sagot lamang nila'y nailipat na ito sa public ward.

"Bakit siya lumipat doon? eh siksikan ang tao roon? at hindi rin magiging maganda sa kanyang kalusugan ang lugar na yon!" nagtataka niyang sabi sa sarili.

Dali-dali niyang kinuha ang telepono upang muling tawagan ang katulong. Sa pagkakataong ito'y sumagot rin ito.

"Aling Loleng nasaan na ho kayo? bakit ngayon lang ho kayo sumagot ng tawag ko." Dire-diretso nitong tanong sa matanda.

"Jacob kakauwi ko lang dito sa bahay." hingal ang boses ng matanda. halatang pagod ito.

"Aling loleng bakit ho lumipat ng kwarto si Sheila? Ano hong nangyari?" Tanong ni Jacob.

"Eh paano? yun ang gusto niya dahil wala siyang pambayad sa mga bayarin. Gusto lang niyang makatipid. alam niya na rin naman siguro sa sarili niya na wala siyang maaasahan sayo! Ni hindi mo nga siya naisip bago ka ngapakasaya sa baguio eh. Tuloy tuloy niyang sabi sa lalaki. Galit ang matanda rito sa lalaki. Hindi lamang doon sa pagpunta niya sa baguio kundi dahil na rin sa ginagawa niya sa kanyang asawa.

Pinuntahan ni Jacob ang asawa sa Public ward. Doon nakita niya ang kaawa awang kalagayan ng asawa. tutuloy sana ito sa loob ngunit napatigil siya upang silipin at pakinggan ang usapan ng kanyang asawa at isang matandang lalaki na nagbabantay ng kanyang anak sa loob.

"Bakit wala kang kasama iha? bakit skyflakes lang ang kinakain mo? hindi ka ba nagugutom? wala ka bang asawa?" tuloy tuloy na tanong ng matandang lalaki.

"Meron po akong asawa. Pero wala po siya eh. Nasa baguio po siya kasama yung mahal niya. Bale maghihiwalay na po kami. Nakikipag hiwalay na siya kasi may iba na siya eh. Yung tanong niyo naman ho kung hindi po ba ako nagugutom, sywmpre nagugutom po. Pero kailangan ko po magtipid para may pambayad ho ako sa ospital."

MALAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon