part 8

145 8 0
                                    

Part 8 part 8 part 8

Kinabukasan na ng maisipang bumalik ni Jacob sa hospital upang tingnan ang asawa. Pagkauwi kahapo'y agad niyang kinontak si Sheila ngunit hindi parin niya ito matawagan. Sinuhukan niya rin itong puntahan sa kanyang condo ngunit wala ito. Nag-aalala na rin siya dahil baka totohanin niyang hiwalayan ito.

Bago siya nagtungo sa hospital ay muli syang sumaglit sa condo ng kanyang nobya baka sakaling ito'y kanyang maabutan roon ngunit sa kasamaang palad ay sawi itong makita ang babae. Nakakarami na siyang missed calls ngunit wala parin talaga itong sagot. Patuloy parin ito sa pangdededma. Nagdesisyon siyang manatili sa labas ng kanyang condo baka sakaling dumating ito ngunit makaraa'y wala parin kaya't nagdesisyon itong magtungo na lamang sa ospital.

Mabilis nakarating si Jacob sa ospital dahil maaliwalas ang daan sa mga oras na iyon. Wala ang maraming sasakyan kaya't wala siyang naabutang trapik. Bago siya nagtungo ka kristine ay dumiretso muna siya sa isang flower store malapit sa ospital upang bumili ng bulaklak para kay Kristine. Pagkatapos bumili'y pumasok na siya agad sa ospital.

Habang siya'y naglalakad sa Aisle ng ospital, biglang tumunog ang telepono niya. Nang ito'y kanyang tingnan, numero ni Sheila ang nakarehistro roon. Excited niya itong sinagot.

"Bhabe. Thankyou tumawag ka! Mygod. Nag aalala ko sayo! bhabe sorry na!" dire-diretso nitong sabi sa kausap.

"Jacob, punta ka dito sa restaurant malapit sa Condo ko! We have to talk. Ngayon na!" Malumanay na nagsalita si Sheila.

"Sure bhabe. I'm coming!" Hindi na tumuloy si Jacob kay Kristine. Instead nagmadali itong nagtungo sa sinabing tagpuan ni Sheila dala ang bulaklak na para kay Kristine. Sa isip isip niya'y babalik na lamang siya sa ospital pagkatapos nilang magusap ng nobya.  Andun naman si Aling Loleng upang magbantay muna kay Kristine.

Mabilis ang pagmamaneho ni Jacob sa sasakyan upang makarating agad ito sa kanilang tagpuan. Baka kasi mainis na naman ang babae sa kanya sa sobrang tagal at biglang umalis. Ayaw na niyang maudlot pa ang pagkikita nilang ito dahil bukod sa miss na miss na niya ang nobya, gusto niyang humingi ng tawad rito.

Agad pinark ni Jacob ang kanyang sasakyan sa parking area ng kotse. Halatang nagmamadali ito dahil halos masagi na niya ang katabing kotse. Pagpasok sa loob ng resto ay agad hinagilap ng kanyang mga mata si Sheila. Namataan niya itong nakaupo sa pinaka-gilid. Nakakapag-taka dahil may dala itong isang maleta.

Agad niyang pinuntahan ang kinaroroonan ng babae. Agad naman itong tumayo upang salubungin ng isang matamis na halik. Mukhang good mood na itong si Sheila.

"Bhabe, Im sorry!" Pagsisimula ng lalaki.

Naupo muna si Sheila bago nagsalita. "Hmmmn. I will not forgive you until hindi mo pinapaalis si Kristine. But before that,you have to get ready na!" Pakemeng sabi ng babae.

"Get ready for what? Tsaka wait. bakit may dala kang maleta? Saan ka pupunta?" Nagtataka nitong tanong.

"Well actually Im going to baguio with you!! Will stay there for 2 days and 1 night. Isnt it nice?" Masayang sabi ng nobya.

"But that doesnt mean na ok na tayo ha. Miss lang talaga kiita and gusto kitang masolo!!" Dugtong nito.

"Ha? eh bhabe kelan mo ba planong pumunta?" nag-aalangang tanong ni lalake.

"Right now?" nakangising sabi ni Sheila.

Natahimik si Jacob. Paano si Kristine? Hindi siya pwedeng mag out of town habang ganon ang kalagayan niya pero kung tatanggihan niya ang nobya'y siguradong magagalit na naman ito. Nagisip na lamang siya ng ibang dahilan.

"Bhabe, kasi ano eh. May work ako. Pwede bang next time nalang kapag off ko?" kinakabahan niyang sabi.

"Bhabe ano ka ba? Today is the start of your company's seminar and luckily, walang pasok ang mga hindi kasali." tuwang tuwa nitong paliwanag sa nobyo.

Wala ng nagawa si Jacob. Baka kung magdahilan pa siya ulit ay baka makahalata na ito. Pagkatapos nilang kumain sa resto ay agad na silang nagbyahe patungong Baguio.

Habang nasa daan sila'y biglang tumunog ang telepono ni Jacob. Si aling Loleng ay tumatawag.

"Hello Jacob. Nasaan ka na ba? Dumidilim na pero wala ka parin? Wala ka na bang planong pumunta dito sa ospital?" galit at nag aalala ang tono ng matanda.

"Pasensiya na ho aling Loleng. Papunta ho kasi ako ng baguio ngayon! kayo nalang ho muna ang bahala jan. Dalawang araw po akong mawawala." Paliwanag ng lalaki.

"Susmaryosep nman Jacob. Anong gagawin mo roon at bakit ngayon ka pa tutungo roon kung kelan ganyan ang kalagayan ng asawa mo. Teka Jacob, Hulaan ko kasama mo na naman ang malanding Sheila na yan ano?".

Walang naging sagot si Jacob sa tanong ng matanda kundi humingi na lamang ito ng pasensya.

"Pasensiya na ho kayo. Kayo na muna ang bahala jan." Agad niyang pinatay ang telepono upang hindi na humaba ang usapan nila ng matanda.

Alas onse na ng gabi ng makarating ang mag-nobyo sa Baguio. Agad silang nag check in sa hotel. Ramdam ni Jacob ang pagod sa pagdadrive. Nagpahinga lamang ito ng ilang minuto at agad ring naligo. Pagkatapos ay saka niya naisip na wala pala itong dalang mga gamit.

"Bhabe. We forgot. I dont have any clothes to wear. We didnt bring any." Sabi niya sa nobyang kasalukuyang nanonood ng tv.

"Dont worry bhabe. Reading-ready ang soon to be wife mo!! may mga dala akong damit mo. Just check the luggage." nakangiti nitong sambit sa lalake.

Samantala, Hindi mapakali si aling Loleng sa loob ng kwarto ni Kristine. Naguguluhan ito kung sasabihin ba niya ang totoo sakaling tanungin nito kung nasaan ang asawa? ayaw na muna kasi sana niyang mastress ang among babae ngunit paano kung magtaka siya kung bakit wala si jacob at bakit ilang araw itong hindi man lang makadalaw sa kanya? Ano nga bang gagawin niya? Nangangatog na ang mga tuhod ng matanda sa kaba at kakaisip ng maaaring kasadlakan ng sitwasyon ng babae.

MALAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon