part 15

159 7 0
                                    

PART 15 PART 15 PART 15

Ilang araw na rin ang nakalipas simula ng umalis si Kristine at ang kanyang anak. Hindi man niya aminin ay namimis niya ang kanyang pamilya. May mga pagkakataong napapanaginipan niya ang mga ito. Minsan nama'y natu-tulala ito kakaisip sa kanila. Hindi niya alam pero pakiramdam niya'y binagsakan siya ng langit at lupa. Para bang pinapamukha sa kanya ng mundo na nagkamali siya ng desisyon! Pilit man niyang iwaksi si Kristine at ang anak sa kanyang isip ay hindi niya magawa. Madalas pa nga'y nagkakamali ito ng tawag kay Sheila na imbes na Bhabe ay ang nasasambit nito'y mahal. Nakakainis mang isipin pero sobrang miss na niya ang mga ito. Sinusubukan niyang kontakin ang numero ni Kristine ngunit hindi na ito makontak. Ilang ulit niya na ring tinanong si Aling Loleng ngunit nanatiling tikom ang bibig nito. Lagi niyang sinasabing hindi niya alam ngunit sa tingin nito'y ayaw lamang sabihin ng matanda ang kinaroroonan ng kanyang mag ina. Sinubukan niya na ring hanapin ang mga ito ngunit walang nakaka alam kung nasaan sila, maski ang mga malalapit na kaibigan ng asawa. Labis na kalungkutan ang kanyang nadarama sa pagalis ng mag ina. Ngunit hindi na lamang niya ito pinapahalata para kay Sheila.

Ilang araw na rin silang nagsasama ni Sheila sa kanyang bahay. Nasa adjustment period pa lamang silang dalawa na siyang minsa'y dahilan ng kanilang pag aaway! Kasi nama'y itong si Sheila'y walang alam sa gawaing bahay. Ni hindi man lamang tulungan ang katulong sa pag aasikaso sa bahay. Kahit asikasuhan na lamang sana niya ang lalaki ngunit wala, hinahayaan niya na lamang si Jacob na kumilos para sa sarili. Minsan upang maiwasan ang pagtatalo'y napapa-buntong hininga na lamang si Jacob. Naiinis siya dahil sa hindi pagiging Wife-material ni Sheila ngunit pinapakalma na lamang niya ang sarili at pilit sinisiksik sa kanyang utak na tanggapin na lamang ang ugali ng babae dahil nga mahal niya ito. Siguro kaya rin niya namimis ang asawa dahil na rin sa kawalan ng interest ni Sheila sa pag aalaga sa kanya di tulad ni Kristine na todo kung alagaan ito. Si Sheila kasi ang gusto niya'y siya ang inaalagaan, iniintindi at minamahal. Wala nalang siyang magawa kundi tanggapin ito dahil ito ang pinili niyang landas, ang makasama ito.

Minsan ayaw na rin nitong mag stay sa kanyang bahay dahil sa sobrang pagka miss sa kanyang mag ina. Madalas kasi twing siya'y naroon sa loob ng kanyang bahay ay palagi niyang naaalala ang asawa at anak. Pakiramdam niya'y nakikita niya ang dalawa na ginagawa ang mga paborito nitong gawin. Para bang sa twing pupuntahan niya ang mga bahagi ng kanyang bahay ay tila nakikita niya si Kristine na nakangiti sa kanya. Hindi niya maintindhan pero sobrang bigat ng kanyang nararamdaman. Minsa'y naiinis ito twing ma aalala niya ang asawa dahil pakiramdam niya'y nagtataksil ito kay Sheila. Kaya naman madalas, umuuwi ito ng lasing para maiwaksi nito ang nararamdaman.

Samantala, Ilang linggo na ring balisa si Aling Loleng. Minsan ng nauwi sa sakit ang nararamdamang labis na kalungkutan. Tulad ni Jacob ay miss na miss niya na ang mag ina. Nagtatamp na nga rin ito sapagkat ilang linggo na ang nakakalipas ay hindi parin ito tumatawag tulad na lamang ng pinangako nito bago umalis. Madalas makita ang matanda na umiiyak habang gumagawa ng gawaing bahay. Ito rin ang madalas na sanhi ng kanilang pagtatalo ng kanyang bagong amo na si Sheila. Laging sinasabi ng bagong among babae na nakaka-badvibes ang ginagawa niyang pagiyak-iyak. Dumating na rin sa puntong pinapalayas na siya ng bagong amo dahil sa kanilang pagtatalo ngunit pinakiusapan lamang siya ni Jacob ba wag siyang iiwanan. Naisin man niyang umalis ngunit hindi niya kayang iwanan ang lalaki. Sa tagal na panahong nanilbihan ito sa pamilya ni Jacob ay itinuring na niya itong hindi iba sa kanya at nagkaroon na ito ng puwang sa kanyang puso kaya nama'y baka hindi niya kayanin sakaling siya'y umalis. Pilit na lamang niyang sinasabi sa sarili na hanggat kaya pang magpasensiya, siya'y magpapasensiya. Ngunit hanggang kelan? Bukod sa halos araw araw na pagtatalo nila ni Sheila'y para bang binalot na ng kalungkutan ang kanilang bahay. Pakiramdam niya'y hindi na siya makahinga. Parang hindi na niya kayang manatili doon dahil sa pressure, lungkot at puro pasakit.

MALAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon