part 6

156 8 0
                                    

PArt 6 part 6 part 6

"Bhabe I think it's time na magsama na tayo sa iisang bubong para hindi na tayo mahirapang mag-adjust once kinasal na tayo." malambing ang tono ng babae habang hubo't hubad itong nakayakap kay Jacob. Tanging manipis na kumot na lamang ang nagsisilbing takip sa mga maseselang bahagi ng katawan nito.

"Bhabe, hintayin nalang muna natin ang annullment paper please? para hindi na tayo mahirapan. Once na process na dun na tayo pwede magsama!" Pilot ipinapaintindi ni jacob ang sitwasyon.

"Bhabe what I am trying to say is, why not paalisin mo na sila Kristine sa bahay mo para makapag simula na tayo?" Pangungulit ng nobya.

"But bhabe. Please let's give Kristine a chance to recover. Hindi basta-basta ang gusto mo. Isang bwan palang ang nakalipas since the annulment thingy. And besides, wala pa silang mapupuntahan!" nag-aalalang tinig nito.

"Bhabe! Hiwalay na kayo, pirma nalang ang kulang so please its now or never. Mamili ka, is it going to me or Kristine? Now, Kung hindi mo siya papaalisin at patuloy kayong magsasama saciisang bubong, Lets call it off!" Galit na ang tono ni Sheila at sa pagkakataong ito'y naging mainit na ang ulo niya.

"Bhabe please, dont make her an issue in our relationship because in the first place wala tayong narinig sa kanya maski isa. Bhabe naman, dadating rin tayo sa gusto mo but not now. " tumayo ito sa pagkakahiga at hinarap ito.

"Alright. I think we have to call it off. Umuwi ka na and bumalik ka nalang kapag ako na pinipili mo!" pasigaw nitong sabi kay Jacob at tumayo palayo sa kanya.

"Bhabe ikaw ang pinili ko. Tinalikuran ko ang pamilya ko just to prove how much I love you. Isnt it enough that I am going to annull the woman who did nothing but to take care of me and love me the rest of her life just to be with you? Just to marry you? Ang hinihiling ko lang sayo ay bigyan natin si Kristine ng konting panahon. Bhabe please understand her situation, besides in the first place we are the reason of her sufferings." Mahaba nitong paliwanag.

"Naaawa ka ba talaga sa kanya oh mahal mo pa?" Nanginginig ng tanong ni Sheila.

"Sheila, you know how much I love you".

"You love me? then prove it. Make me your wife. Let me live in your house!" Halata na ang galit sa mukha nito.

"Sheila I will. I will in the perfect time but not this time na may nasasaktan tayong tao. Wala tayong narinig mula sa kanya kahit sobrang sakit sa part niya. Thats why she deserve my kindness. kahit yun lang. Bhabe Im begging you, ibalato nalang naten to kay kristine kahit sa sandaling panahon lang" Pilit nitong pagkumbinsi sa babae.

"Nasasaktan? eh ganon talaga! Thats the reality in love. May nasasaktan at may maswerteng nagmamahal. At ang maswerteng yun ay ako. Ngayon kung pipiliin mo parin yang awang nararamdaman mo para sa kanya, I think we have to call it quits. umuwi ka na sakanya, bumalik ka nalang kung nakapag desisyon ka nang paalisin siya!"

Madaling araw na ng makauwi si Jacob sa kanyang bahay. Pakaalis kasi sa condo ni Sheila'y dumiretso ito sa bar na madalas nilang puntahan twing sila'y magba-bar hopping. Naisipan nitong uminom magisa upang makapag muni muni at para narin mapag isipan ang naging pagtatalo nila ni Sheila. Ayaw niyang mawala si Sheila sa kanya ngunit iniisip niya ang kalagayan ni Kristine.Kung papaalisin niya ito ay saan sila pupunta? Wala silang ibang mapupuntahan. Paano ulit sila makakapag simula muling mag ina na wala ito sa buhay nila. Narealized niyang sobrang hirap pala talaga ng sitwasyong kanyang pinasok. Sana pala'y noong una palang ay pinagisipan niya itong mabuti at inihanda ang sarili sa mga posibilidad na pwedeng mangyari. Pero alam niya sa pusot isipan niya na kung may nahihirapan man sa kanilang tatlo ay walang iba kundi si Kristine. Oo mahirap sa parte nila ni Sheila ang sitwasyong ito, pero mas mahirap sa part ni Kristine dahil hindi niya deserve lahat ng kanyang pinagdaraanan.

Lasing na ito at mejo hilo na ng ito'y pinagbuksan ni Kristine ng pinto. Hindi niya ito pinansin at dumiretso sa kwarto
Sinubukan niyang tawagan ang telepono ni Sheila ngunit hindi ito sumasagot.

MALAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon