part 2

200 9 0
                                    

Hindi na tinapos ni Kristine ang kanyang pagkain, nawalan na siya ng gana dahil sa sakit na kanyang nadarama. Ibinilin na lamang niya ang kanyang anak kay Aling Loleng. Sa pagkakataong ito'y gusto niyang mapag isa at makapag-isip isip! Tumuloy na lamang siya sa kanilang silid at doon humagulgol ng iyak!!

"Ayokong makita mong nasasaktan ako, pero ang hirap itago. Paano na kami ng anak mo Jacob? Paano na?" Sambit nito sa kanyang sarili habang umiiyak.

Halos kalahating-oras na siyang umiiyak, bumalikwas siya't tumayo sa kanyang pagkakahiga. Humarap siya sa salaming katabi ng kanilang kama at inayos ang sarili. Nagbuntong-hininga ito. Nag-isip ng malalim bago bumalik sa pagkakahiga.

Ilang minuto lamang ay pumasok na si Jacob sa kanilang silid. Nahiga ito sa tabi ni Kristine ngunit hindi ito umimik. Humarap naman sa kanya si Kristine at nagsimulang magsalita.

"Jacob, ibibigay ko ang annullment na gusto mo sa isang kundisyon!"

napaisip si Jacob sa nasabi ng kanyang asawa. "Anong kondisyon?" tanong nito.

"habang prino-process ang annullment natin, Gusto kong magpanggap kang mahal mo parin ako. Umakto ka tulad ng dati, tulad ng kung anong meron tayo noon bago pa bumalik si Sheila sa buhay mo." mariing sabi ni Kristine.

"Susubukan ko Kristine, susubukan ko." Ang tanging naging sagot ni Jacob.

...

Nagising si Kristins dahil sa alarm ng kanyang cellphone. Inabot niya ito't dali daling tumayo. Lalabas na sana siya sa kanilang silid ngunit napatingin ito sa kanyang asawang mahimbing na natutulog. Pinagmasdan niya ang kanyang asawa. napangiti ito. Bigla niyang naalala ang mga masasayang alaala nilang mag-asawa.

"Sayang!" magkahalong sakit at kirot nitong bulong sa sarili.

Bago pa man siya balutin ng kalungkutan dahil sa mga naaalala niya sa kanila bilang mag-asawa, minabuti niya ng lumabas ng silid.

Sa kusina'y naabutan niyang nagsasaing si Aling Lelang.

"Ako na lang ho jan aling lelang. Pakisilip na lamang si Andrea at ng makapag handa na po siya sa pagpasok sa eskwela." Dali-dali niyang sabi sa matanda.

Napatingin si Kristine sa orasan. Alas sais na pala ng umaga. Maya-maya'y magigising na ang kanyang asawa. Kaya't kailangan na niyang magmadali sa pagluluto ng paborito nitong breakfast.

Nag'hahanda na ng hapag-kainan si Kristine nang lumabas ang kanyang asawa sa kanilang kwarto. Sinalubong niya ito ng yakap at halik.

"Goodmorning mahal! I love you." Paglalambing nito habang nakayakap sa asawa.

"Goodmorning!" Walang ganang sagot ni Jacob.

"Oh, wala man lang bang I love you?" nakangiting tanong ni Kristine.

Hindi ito pinansin ng asawa at tinanggal ang pagkakayapos ng babae sa kanya. Dumiretso na ito sa hapag-kainan at naupo.

Nagbuntong hininga si Kristine. Aminado siyang nasaktan siya sa hindi pagsagot ng kanyang asawa. Ngunit sinubukan niyang iwaksi ang naramdaman niyang yon at maging pormal.

Naupo na siya sa kanyang pwesto. Tiningnan niya ang asawa ngunit wala itong imik. Ramdam niya ang mga pagbabago sa kanyang asawa, kita niyang wala itong gana sa kanya.

"Mahal nagluto ulit ako ng paborito mong breakfast. Tapsilog tsaka meron ding Bacon." kunwari'y masigla niyang sabi.

"Siya nga pala hal, off mo ngayon diba? May naisip ako." Sambit niya habang linalagyan ng pagkain ang pinggan ni Jacob.

"Uhhmm. Subukan kaya nating mamasyal? ng tayong dalawa lang? Date kumbaga. Tutal matagal na nating di nagagawa 'yon. Tantsa ko mga nasa tatlong buwan na nung huli tayong lumabas. naging bc ka kasi masyado!" dugtong nito.

Wala pa ring imik si Jacob.

"Hal pwede?" malungkot at para bang nagmamakaawang tinig ng kanyang misis.

Naupo na si Aling Lelang at Andrea. Nagsimula na ring magdasal si Aling Lelang.

Pagkatapos ng dasal ay doon na lamang sumagot si Jacob.

"Pasensiya ka na pero may lakad kami ngayon ni Sheila eh." sagot ni Jacob habang nakatitig sa pagkaing inihanda ni Kristine.

"Mauuna na rin ako!" Sambit ni Jacob sabay tayo sa kanyang kinauupuan.

Sinubukan siyang pigilan ni Kristine. "Teka hal, Hindi ka man lang ba sasabay samin sa pagkain?" matamlay nitong tinig.

"Pasensiya na. Ipinangako ko kasi kay Sheila na doon ako sa kanya mag aalmusal. Mauna na ako't maliligo pa ako!" matigas niyang sabi at umalis.

Wala ng nagawa si Kristine at nagka'tinginan na lamang sila ni Aling Loleng.

Labis na pagka'pahiya ang naramdaman nito at tagos sa puso ang sakit na kanyang nararamdaman.

"Okay lang 'yon. ok lang!" Bulong nito sa sarili. Marahil umpisa pa lamang ito ng masasakit na pangyayari na kanyang pagdaraanan sa kanyang asawa. Sa isip isip niya'y malamang sa mga susunod na araw, linggo, buwan, may mas sasakit pa.

"Ikaw na lang po ang bahala samin papa Jesus. Kung ano man po ang plano ninyo'y ihahanda ko ho ang sarili ko." Bulong niya habang pinupunasan ang mga luhang dumaloy sa kanyang mga mata.

"Bakit po kayo umiiyak mama? Tila may bumasag sa kanyang katahimakan ng narinig niya ang boses ng isang bata. Tinatanong ako ng anak ko. nakita niya akong lumuha. Sa isip isip niya.

Agad agad naman siyang bumalik sa kanyang ulirat ng tinapik siya ni Aling loleng..

"Ah anak! Wala, napuwing lang ang mama! Kumain ka na 'nak. ihahatid kita sa skwela. Gusto mo ba yon?" pagbawi nito sa anak sa kanyang nakita.

Nakabihis na ang kanyang mister ng datnan niya ito sa kwarto. Sinubukan niya itong lambingin ngunit mailap ito. ramdam niyang iniiwasan siya kaya nama'y sinusubukan niya paring suyuin ito.

"Ah hal, aalis ka na ba? Anong oras ka uuwi? baka pwede pa tayong makahabol kumain sa labas. Isama nalang natin yung bata. Dinner tayo? You want? Please hal? lambing nito habang nakayapos ang isang kamay nito sa kanyang bewang.

Tumalikod si Jacob at kunwaring may hinahanap sa kama.

"Male-late ako ng uwi. Baka gabi na kapag uuwi ako." matigas niyang sabi.

"Mga anong oras kaya hal?" Malambing parin ang kanyang tono. Hindi parin ito sumusuko sa pagsuyo.

"Wag niyo na akong hintayin. baka madaling araw or baka hindi na rin ako makauwi." sagot nito sabay kuha ng kanyang bag at lumabas n kwarto..

Naiwan siyang mag-isa sa loob ng kanilang silid. Sinubukan niyang habulin ito upang ituloy ang pangungulit ngunit papalabas na ito sa kanilang pinto. Pinagmasdan niya nalamang ito.

MALAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon