Chapter one: Sen Flores

452 10 0
                                    

For all the things
my hands have held
the best by far
is you

************************************
************************************

Sen POV

*Krrrrrrrrrriiiiiiiiiinnnnnnnggggggg*
tunog na orasan na nagpagising sa natutulog kong diwa..

Naalala ko naman na ngayon pala ang unang araw ng school,kaya napatayo ako sa kamang hinihigaan ko.

Nag-iisa na ako mula pa nang mamatay ang mga magulang ko dahil sa isang plane crash nung sanggol palang ako,kaya ang nag-alaga nalang sa akin ay ang lolo at lola ko..pero pumanaw rin sila 2 years ago.
kaya nag-iisa lang ako sa iniwang bahay ng mga magulang ko.wala naman akong ibang kamag-anak.

Katamtaman lang ang laki ng bahay para sa akin,may dalawa itong kwarto.May naiwan namang kunting pera sa akin sila tatay at nanay para sa pang-araw-araw na gastusin.

Pero kulang iyun para sa mga gastusin sa school kaya nag-pa-part time job ako sa isang cafe para sa pandagdag na pera,kaya nang matapos ang bakasyon ay may naipon naman ako kahit kaunti.
at ngayong may pasok na,syempre tuloy ang part-time job ko pero pagkatapos ng klase.

Ako nga pala si Sen Flores o Samantha Elizabeth Nicolette (SEN) Flores...ang haba diba?..pwede namang maikli lang diba...Ewan ko nga ba kala mama at papa.

Pero, thankful parin ako syempre,yung iba ngang bata kahit kasisilang palang ay ayaw na sa kanila ng mga magulang nila at ipinapa-ampon o iniiwan nalang sa kung saan..Hindi na sila nabigyan kahit na pangalan man lang.

Marunong naman ako sa mga gawaing bahay kaya wala akong problema na mabuhay mag-isa..

Naligo na ako at naghanda para pumasok..pagkalabas ko ng bahay sariwang hangin ang nalanghap ko...medyo malayo kasi ang bahay namin sa mismong bayan,kaya makakalanghap ka pa ng sariwang hangin.

Isinarado ko na ang pintuan ng bahay at ini-susi ito... pagkatapos kinuha ko na ang bicycle ko, na nasa gilid ng bahay.

Maagap pa naman kaya hindi pa ako mala-late. 6:20 palang naman,7:00 pa ang time ng klase.

Haaiiiii..ito ang pinaka-gusto ko.. yung mag-bike habang papasikat ang araw habang nasa gilid ng tahimik na kalsada.

"Good morning Sen!"..bati sa akin ng kasasabay sa akin nasi Jean,naka-bike rin sya tulad ko...hilig kasi nya ang mga bike..mas gusto nyang mag-bike kaysa mag-kotse.

"Good morning Je"

Sya si Jeanine Chua...half chinese, Chinese kasi papa nya..
ang pamilya niya ay nagmamay-ari ng isang restaurant at may beach resort din sila dito sa bayan..pero sa kabuuan mahigit na sa isa ang mga resort,pati narin ang mga hotel nila..Ang ama ni Je ay isang cook, ito ang nagpapatakbo ng restaurant nila,habang ang mama naman nya ay isang business woman.
minsan nga kumakain ako sa restaurant nila na malapit lang.. mabait naman sila tito at tita..Minsan nga pinapatulog ako sa kanila para samahan si Je kapag wala sila,nasa business trip..
Si Jean o Je ay bestfriend ko..mula pa elementary,,maganda at sexy si Je, may taas syang pang-model at may makinis at magandang kutis.
hindi tulad ko,pinag-kaitan ng taas... pero maputi naman ang balat ko..parang gatas na dinampian ng rosas..tss

Ito ang unang araw namin ni Je.
unang araw sa bagong school namin,
Pareho kasi kami ni Je ng pinasukang school..Sa Harrington High
...Isa sa mga pinakasikat na School sa buong pilipinas at sa boung mundo.

Campus Diary (The Forgotten Memories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon