Nakaalis na kami that time sa lugar na iyon, ni hindi kami nakapagkita ni Mark dahil sa sobrang biglaan, hindi ko din naibalita agad kay ate ces...
Pero dahil kahit paano malaya na ako from Hell at nasa piling na ng mga magulang ko, pinilit ko puntahan si Mark...
Mark:
"Melody... bakit naman ang bilis.. Pano tayo magkikita nito kada linggo.. May kalayuan na pala ang tinitirhan ninyo huuu, pero sa kabila nyan masaya na rin ako para sayo at sa pamilya mo na magkakasama na kayo ulit at hindi na kayo maaapi ng lola mo..." (basag na boses ni Mark)
Melody:
"Di ko din alam Mark kung ano bang mararamdaman ko, kung saya o lungkot.Pero diba may promise naman tayo sa isa't isa? Na ikaw ang first love ko, at ako naman ang first love mo... Gagawa tayo ng mga paraan para magkita at magkausap diba?"
Nakakatuwa kami kasi para kaming mga matatanda na kung magusap...
Mark:
"Oo naman Melody.. Wag na wag mo yun kalilimutan kahit saan ka pa magpunta, hinding hindi yun mawawala sa puso ko. Nandyan na ang cellphone, ang computer, pwede pa rin talaga tayong magkausap."
Ramdam ko ang lungkot sa mga mata ni Mark.. Sincere kasi syang tao.. Kahit pa sabihin kong sulat lang ang mga ginamit nya para magexpress sakin ng feelings, dama ko ang mga yun, pinakaingatan ko din yun hanggang sa matapos ang elementary days ko, mga 4 years ko naitabi.
Dumaan ang ilang mga araw, linggo, buwan... Hanggang sa naging taon... Sa araw2 na pagpasok ko ng Grade 4, sya lang ang araw2 kong naiisip.. Madalang ang text, madalang din makatawag.. Kung kani-kanino sya nakikigamit ng cp...
Hanggang sa ilang buwan na naman ang dumaan.. Kinausap ako ni mama, na magttransfer na sa pinakamalapit na school dun sa lugar namin, dahil medyo magastos na nga sa pamsahe yung malayo kong bnbyahe at worried sya sa akin. Nakapagenroll na kasi ako nung dumating si mama kaya itinuloy muna namin ng isang taon ang pagaaral ko sa pinasukan ko nitong ika Grade 3 ko. Kaya lang, eto na nga yung kinalungkot ko lalo, mas naramdaman kong lalo akong lumayo kay Mark...
Mas dumalang na din ang pakikipagtext ni Mark at tawag... Mas lalong sumakit sa dibdib ko ang distansyang yun...
Hanggang sa tuluyang nawala... Yung natitirang pag-asa kong makausap man lang sya, at masigurong naaalala pa rin nya ako lagi... Nawala ng ganun na lang...
...
Grade 5-1
Year 2005
13 years old
Nagtuloy-tuloy lang ako sa pagaaral...
Marami naring natutunan sa larangan ng pagibig...
Sa maniwala kayo at hindi, may mga naging karelasyon na rin ako nito... Isang classmate ko, patweetums na relasyon lang, hindi ganoon kalalim para sa akin pero kahit paano tanda ko iyon, pati ang first kiss na yon sa pisngi ko.. Pero dahil magkaklase kami, marami ring di magandang dulot yung pagiging magbf-gf namin, may pagkapilyo kasi ang mokong na yun. Maayos naman kaming naghiwalay, syempre araw2 pa rin kasi kami magkikita... First love ko si Mark pero dahil torpe sya at may respeto sa akin never sya nagtake advantage sa akin sa halik o anu pa man kahit alam nyang gusto ko rin sya.
But then I realized, medyo modern year na sa ngayon, iba na din ang pananaw ng ilang mga kabataan. Mas mapusok na..
Isang kalapit bahay ko na almost 20 years ang tanda sa akin, pero hanggang halik lang naman yun at hindi ko sya binigyan ng pagkakataong may gawin sa akin na hindi ko gusto. Parang M.U. lang din kung maituturing yun, at nalaman ko na lang isang araw na umalis na sya dun sa apartment na yun, balita ko pa umuwi sa asawa at anak, na sa pagkakaalam ko sa kanya binata 'daw' sya, bata pa ko this time sabi ko nga sa sarili ko. Heartbreak din yun,pero naisip kong tigilan ang pagmumukmok kasi ayoko din naman makasira ng pamilya kung talagang pamilyado na sya.Sumunod naman, isang kaibigang nakilala ko lang sa lugar namin. Dalawa sila actually na magkaibigan na nagkagusto sa akin at gabi-gabing dumadalaw. Pero isa lang din sa kanila ang nagustuhan ko... Na nauwi lang din sa paghinto ko dahil sa isang bagay na hinihiling nya sa akin, na never ko ibibigay sa kanya. Lumigaw naman ulit yung kaibigan nya ngunit naging maingat na ako at nireject yun...
Sa mga heartbreak na naranasan ko, lagi ko lang naaalala si Mark, kung kamusta na ba sya, kung bakit tumigil sya sa pagcontact sa akin... Mahal ko si Mark yun lang ang alam ko sa sarili ko...
Sa kabila nyan, inayos ko naman ang pagaaral ko, inspirasyon ko pa rin si Mark parati... At fortunately, maganda naman ang kinakalabasan ng mga pagsisikap ko, dahil sa mga achievements ko sa school.
Kung maibabalita ko lang to kay Mark, tiyak ako matutuwa yun...
Nasaan ka na ba Mark ...
Gusto na kita makita uli...
BINABASA MO ANG
FIRST (tagalog story)
RomanceAng FIRST ay isang real lovelife story of mine that I would like to share to all Wattpad lovers/readers... :) You may leave comments after you read it, I'd be glad to check out your comments coz it's my first try writing in wattpad and sharing one o...