Vacation Time
2008
Pa-Second Year High School na ako
Two months na pahinga...
Akala ko talaga pahinga na...
Imbyerns na imbyerns talaga ako...
Lilipat na naman daw kami, ano po ito Hobby???
Oo nga within Nueva Ecija lang pero LIPAT? ULIT? Huuu. Pagttrip na yata ito eh.
This time around halos 6 cities away na ang layo ko kay Mark, kung puntahan ko man sya ilang sakay ang mangyayari sa akin at halos nalimutan ko na yung ibang way papunta sa Brgy nila sa ilang taon na ba na lumipas at palipat lipat na ginawa namin eh...
Unti-unti na ko pinanghihinaan ng loob...
Mark... Paano na yung promise natin?
Isang himala na naman ang sumagot sa mga katanungan ko...
Checking on my FS account, hindi na din naging active si Mark. Lalo ako nanlumo. Nang biglang may nagadd sa akin at nagsend ng message... Si Ate Ces!!! My saviour! Nagbigayan kami ng numero at nagkamustahan hanggang sa, di ko na napigilang magtanong ng tungkol kay Mark. Yung barangay kasi na yun ang compound na parang halos buong angkan nila ang naninirahan, kaya permanenteng mga residente sila dun, kahit si Mark at ang pamilya nya.
Ces: "Si Mark? Kasi hindi na kami madalas magkita, nagttrabaho na yata si insan, di ko lang alam kung saan eh. Ako kasi medyo busy na din sa pagaaral. Pero hayaan mo Mel, once na magkita kami papacontakin ko sya sayo, wala din kasi akong number na gamit nya."
At finally, may personal ng cellphone si Mark, laking pasasalamat ko naman kasi magkakausap na kami ng mas madalas at mas maayos.
Melody: "Salamat ng marami Ate Ces, sobrang saya ko na nagkausap ulit tayo. Sana magkausap na din kami ni Mark as soon as possible. Magkita-kita din sana tayo Ate. Ingat ka lagi at text2 din tayo ha"
Ces: "Oo Mel wag ka magalala aabangan ko si Insan today para sayo, miss ka na namin dito, lalo panigurado si Insan.. Magingat ka din dyan, sige at isave mo na tong number ko ha."
Nabuhayan pa ako ng loob...
Eto na ba yun?
Ang sasagot sa matagal ko ng hinintay na panahon at pagnanais na makita sya ulit???
God I pray...
BINABASA MO ANG
FIRST (tagalog story)
RomanceAng FIRST ay isang real lovelife story of mine that I would like to share to all Wattpad lovers/readers... :) You may leave comments after you read it, I'd be glad to check out your comments coz it's my first try writing in wattpad and sharing one o...