Page 2

121 2 0
                                    

At my young age, kahit ako nagtataka, bakit ganito agad yung nararamdaman ko para kay Mark, e halos isang taon ko pa lang sya nakikilala... Nalaman ko pa kay ate Ces at sa mga barkada nya na unang beses pa lang na naging ganito si Mark, na sinubukang manligaw sa isang babae at pilit hinaharap ang pagkatorpe nito.

Sa katotohanan po, para sa mga readers, maaga akong nagmature, maaga akong nagisip-matanda, dahilan sa mga pinagdadaanan kong pagsubok sa buhay ko, sa family ko...

Si Mark yung nagbigay sa akin ng authority na maging masaya kami kahit sa mga panandaliang oras na magkasama kami. When I'm with him, it feels like FOREVER, hindi pa man ganun kalalim o kaseryoso, hindi pa man nya ako tuluyang nililigawan, hindi ko pa man sya sinasagot or whatever, basta magkasama kami, nagkkwentuhan, kantahan, kulitan, ok na kami pareho dun. Dahil sabi nga ng mga nakakatanda sa amin, o mga iha't iho mga bata pa kayo ha. Wag munang seryosohan...

Simula nalaman kong may gusto sa akin si Mark, naconscious nako sa kilos ko, salita at looks.

Nawala na din paunti-unti yung pagkaboyish ko... Dahil gusto ko syang paimpressan...

Nagtuloy-tuloy ang weekends na nagkikita kami, ito yung sweet escape ko sa magulong mundo ko pag weekdays.

Sobrang saya lang. Yun lang ang pakiramdam. Until one day ...

This time, nagkachance na ako magkacellphone na tumataginting na 3210, pati si Ate Ces.. Kaya kahit pano din kung weekdays natetext na ako o natatawagan ni Mark pag nakikita si Ate Ces kasi nakikigamit sya.

Dahil weekday ngayon, Wednesday, bakasyon ng mga students, nasa hawla este bahay lang ako. Nang biglang sumambulat ang balitang....

Tita Nix(sya ang kasambahay ng mabait naming Lola na sa sobrang babait nila sa bahay na yun, mapapamura ka na!): Gumayak na kayong magkapatid, susunduin na daw kayo ng mama nyo! Iimpake nyo na lahat ng gamit ninyo!

Isang bahagi sa puso ko ang naglulundag sa tuwa at saya, tagal ko tong inantay, habang ang isang part naman ang nalungkot...

Oo nga pala, may naging pamilya at mga kaibigan na ako dun sa brgy.maliglig, si Ate Ces, mga tropa, Si Mark, panu kami ni Mark???!

Hindi ko alam pero kailangan na naming umalis na magkapatid dito sa Hell na to... Nasambit ko na lang, 'Bahala na Melody, may mga paraan pa'

Pagiyak na lang ang tangi kong nagawa.

Inalala ko habang bumabyahe ang masasayang araw na kasama si Mark.

Mark:

"Mel, ahm,.... Para sayo nga pala to.... Happy birthday!!! Pagpasensyahan mo na yan, yan lang talaga ang kinaya ko"

Melody:

"Mark, naku nagabala ka pa... Nakakahiya naman.... Ahm, salamat ha, thank you talaga dito"

Then sinuot nya sa akin yung bracelet na yun, hindi sya ganun na expensive type ang dating pero maganda yun para sa akin, simple lang kasi yun. At mas gusto ko yon.

Nakakakilig lang yung feeling na naalala nya ang birth day ko na minsan ko lang nabanggit sa kanya yung date... Pilit pa nyang binilhan ako ng regalo...

Kilig much!!!!!!!!! iiiiiihhhh!!!! :D

FIRST (tagalog story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon