Malaki ang pasasalamat ko sa teknolohiya... Naging connected pa din kami ni Mark kahit papaano... Di man kami pisikal na nagkikita...
Pero isa na namang balita ang gumunaw sa akin... Lilipat na naman kami ng ibang lugar... Opo tama, NPA po kami... No Permanent Address, walang sariling bahay, nagttyaga sa pangungupahan.
Sadyang mahirap... Napakadami ko na namang maiiwan na mga kaibigan... Dodoble pa ang layo ko kay Mark...
Hinintay lang ang graduation ko, aalis na naman kami.. Hay kailan ba kami hihinto sa isang lugar, pang ilang beses na ba ito, hindi ko na mabilang dahil sa bata pa lang ako no permanent address na talaga kami.
Walang choice, no buts, hindi pwedeng kontrahin. Yun na.
Bago kami tuluyang makalayo na naman, ibinalita ko iyon kay Mark, hiniling nyang magkita kami... Kahit ilang oras man lang daw nya ako makasama. Nagkita kami.
Sa isang mall na sikat sa lugar na yun kami nagmeet, after 3 years naming hindi nagkita ito ang pinakaunang pagkakataon, nagkahiyaan pa nga kami,
ang saya ko pa rin kasi kahit paano simple kaming parang nag-Date... Hindi man kami kumain ng mamahaling pagkain, ginawa nya pa ring masaya ang araw na yun.
Ayoko lumampas ang araw na yun na hindi nya maaalala ang boses ko, ang mga kanta na inaalay ko sa kanya, nagpunta kami ng arcade. Yun bang may Live Videoke, na napapanood ka ng mga dumaraan dun sa arcade.. Paborito ko noon ang Because of You ni Keith Martin at How Did You Know ni Gary Valenciano. Yun yung kinanta ko for him.
Melody:
"... because of you my life has changed, thank you for the love and the joy you bring, because of you i feel no shame i'll tell the world... it's because of you ooh"
Nagsipalakpakan naman ang mga audience.. Nahihiya man ako para naman yun kay Mark kaya ayos lang. Napansin kong teary eyed sya matapos ang pagkanta kong yon.
Mark:
"Alas singko na mel.. Baka hinahanap ka na sa inyo, ayaw ko man na tapusin ang araw na to, wala naman akong magagawa.."
Melody:
"Mark.... sobrang mamimiss kita.. Ayoko na talaga umalis eh, mapapalayo na naman ako sayo..." (napahikbi na ako ng di sinasadya,naiyak na pala ako)
Mark:
"Alam mo yung promise natin? Hindi ko yun kinakalimutan, kahit na hindi na tayo nagkausap... Yun ang tanging pinanghawakan ko..."
Melody: "Mark..." (ang tagal kong di nakapagsalita, umagos lang ang luha ko)
Mark: (may tumulong luha sa kaliwang mata nya at agad itong pinunasan ng kamay nya) "Halika na, ihahatid na kita sa sakayan at baka gabihin ka pa, ayokong magalala ang mama mo."
Naglakad kaming tahimik at naglilingunan lang, para bang sinesenyas nyang wag na akong umiyak. Pero lalo lang akong naiiyak...
Mark:
"Eto na yung jeep. Magingat ka Melody... Isipin mo lang ang pangako ko sayo, palagi..."
Tumango ako at umiyak lang ang nagawa ko habang papalayo ang jeep na nakatayo lang sya dun at nakatanaw pa din sa akin. Paliit na ng paliit ang imahe nya sakin, at lalo pang nawala dahilan sa luha kong tuloy2 lang ang bagsak. 'Kailan ba to ulit mauulit, na makakasama ko sya...'
Napapikit na lang ako...
'Mark... Mahal na mahal kita'
BINABASA MO ANG
FIRST (tagalog story)
RomantizmAng FIRST ay isang real lovelife story of mine that I would like to share to all Wattpad lovers/readers... :) You may leave comments after you read it, I'd be glad to check out your comments coz it's my first try writing in wattpad and sharing one o...