Mama:
"O anak, ok ka lang? Kamusta yung kaibigan mo dun, nagkita naman ba kayo?"
Melody:
"Opo Ma." (matamlay kong sagot, hindi naman alam ni mama ang tungkol kay Mark, ayoko sabihin kasi baka nga hindi nya ako payagan na pumunta nun)
Mama: "O sya wag ka na malungkot nak, may cp naman siguro sila, magtawagan pa din kayo kahit na nandun na tayo..."
Wala nako naisagot sa sobrang lungkot ko... Ang sakit lang.. Iba pa din yung lagi kami nagkikita, o kahit once a week pero dahil sa tatlong bayan na ang layo namin medyo mahihirapan na kami pareho lalo at high school na ako sa pasukan, higher level na ng pagaaral.
Kailangan ko na tutukan talaga.
...
1st year high school
2007
15 years old
Nauso na ang mga clan-clan. Yung mga grupo ng texters na karamihan mga teenager at naghahanap ng mga kaibigan na kahit mga taga ibang lugar at hindi personal na magkakakilala, sa cellphone lang talaga.. Kinawilihan ko din yun, kasi nga uso yun sa amin sa school at hikayat na din ng mga kaklase.
Maayos naman ang first year ko dito, madaming naging kakilala at kaibigan. Napasali sa iba't ibang mga school competitions at napasama sa mga programs. Dahil sa journalism ang nakitaan ko ng potensyal sa sarili ko na pwede kong kunin sa college at maging trabaho ko sa future sumali talaga ako sa mga contests na ugnay sa journ, napasama din ako sa Newspaper ng school, naopen sa akin ang bagay nato nung elementary pa ako, grade 5-6. Humilig ako na magsulat.. Nainspire din kasi ako kay Mark sa husay nya sa pagsulat ng tula.
Nang year na ito, wala na din gaano ang komunikasyon namin ni Mark. Totally nawala. Nang mangyari yun, ibinaling ko ang atensyon sa studies, binibiro man ako ng mga kaklase ko sa mga kaklase namin na kasing edad at mga kasing tangkad ko e wala namang effect yun, at ayoko din ng ilangan sa room, ate ang turing sakin ng mga mas bata sa aking mga kaklase ko, ok sa alright na ako sa samahan naming lahat.
Si Charles, isang 3rd year student na kamember ko sa newspaper org ang nagpahanga sa akin ng lubos, na naramdaman ko na lang crush ko na pala sya. Bininyagan ko sya ng code name na Char-Char ng time na yan, kasi nga nahihiya akong may makaalam at baka malaman pa nya. Di sya ganung kagwapuhan, matangkad sya at sakto lang ang pangangatawan, fair complexion, maappeal lang sya kumbaga pero of course, di maitatangging mas gwapo pa din si Mark para sa akin. Hinangaan ko lang si Char-Char dahil sa angking talino nya lalo na sa mga gawa nya sa gazette namin, member din sya ng student council.
Melody:
"Ui Nessa, wala pa ba yung pangalawang school newspaper natin ngayon? Ang tagal naman..."
Nessa:
"Ate Mel, bakit ba inaabangan mo yun? Yung ibang section nga tinatapon lang yun pag namigay ang SC."
Melody:
"Ah basta lang, syempre itatabi ko para remembrance lang tsaka may gawa ako dun this year :)" (depensa ko)
Teacher namin sa English:
"O Melody, ang regional contest ay iheheld sa Bulacan, magpaalam ka na sa parents mo at need natin ng consent nila para makasama ka."
Melody:
"Yeees Mam!"
Bakit po ako tuwang tuwa???
Kasi makakasama ko si Char-Char nito sa Bulacan... 4 days yun eh!!!
Madalas nya ako nun ngitian kahit di nya ko kilala masyado. Para akong hihimatayin pag ganun eh haha!
As expected nanalo si Charles at mapapasama sa National Level. Ako sa kakatuwang palad, e hindi napasali, isip ko na lang ayos lang naman kasi nakasama ko naman sya... Para tuloy ako stalker. Hahay..
Anyway, wala din naman ibang pinatunguhan yung paghanga ko kay Char-Char. Alam ko din naman sa sarili kong crush lang yun at paghanga, nothing more serious...
Fun. Happy. Unforgettable memories. That's how my first year high school ended.
Except lang sa part ng memory ko, na hawak ni Mark.
It never ended...
I'm everyday holding the chance that it will never end and shoud not end...
BINABASA MO ANG
FIRST (tagalog story)
RomanceAng FIRST ay isang real lovelife story of mine that I would like to share to all Wattpad lovers/readers... :) You may leave comments after you read it, I'd be glad to check out your comments coz it's my first try writing in wattpad and sharing one o...