Final Page

102 4 0
                                    

2009

16 years old

Third Year High School

Carla(classmate kong baklurrr na ginawan ako ng Facebook Account sa Computer class namin): "O ayan na Te Mel, may fb ka na din! Bongga divah! Para naman lahat tayong mga bakla magkakafriendsung! Syempre para updated ka din noh, papaiwan ka ba naman."

Tinuruan ako ng classmates ko, pero kusa na rin naman ako natuto nito...

Sabi din kasi nila may mga kaibigan o kakilala ka na pepwede mo mareach thru Facebook kung sakaling may account na rin sila...

Ang intension ko lang naman sa pagpapagawa ng fb kay Carla ay makasali sa games na kinaaadikan nila, yung Farmville na naghaharvest-harvest ka pa, hehe kayo din siguro noh???!

Pero isang araw sa internet shop bigla ko na lang sya naalala, si Mark, saan na kaya sya, di ko alam kung masasabi kong nakaget over na ako ng tuluyan sa kanya kasi parang hindi naman nabigyan ng closure ung dapat tuldukan sa amin kung yun nga ba talaga ang kailangan ng gawin pero kung hindi man, handa pa din akong maging kami, magnext level na, magkita at gawing opisyal yung nararamdaman namin...

Sinearch ko sya, dahil never ko naman nalimot ang pangalan nya...

Hindi naman ako nabigo.

Typing.....

5 Results found

-John Mark Bonzon

Nueva Ecija

Melody: "Sya na nga!"

(huminga ako ng malalim)

Pagopen ko...

Sya na nga talaga, medyo tumaba sya at nagmature ang mukha.. Pero tanda ko pa rin ang isang nunal na yun sa mukha nya... Bnrowse ko lang ang wall nya...

Natigilan na lang ako bigla...

Nang imessage nya ako...

Mark: "Hi firstlove ko! Kmusta ka na?"

Melody: (napangiti na lang ako at dali-daling nagtype) "Firstlove ko! Ok naman ako, ikaw ba? buti hinanap mo ako dito sa FB? bakit hindi ka na nagtetext sa akin? saan ka na ba ngayon?"

Dere-derecho kong pagtatanong...

Mark:

"oo nga firstlove ko eh, naramdaman ko lng kaya hinanap ko ang name mo"

My god magkadugtong na din ba ang puso namin? Halos maiyak-iyak na din ako nito dahil grabeng destiny na ba to para maramdaman nya yung nararamdaman ko diba?

Mark: "...pero Mel may importante dn kc akong gustong sbhin sayo at ayoko nmng hndi mo to malaman mula sakin"

Melody: "ganun ba firstlove ko? anu yun parang seryoso yan msyado ah.."

Mark: "oo mel seryoso to.. kc..."

Melody: "anu un Mark? pinapakaba mo ako"

Ang tagal bago sya sumagot.

Mark: "kasi mel, hindi ko sinasadya,....may asawa na ako, malapit na din ako maging ama, im sori kung hindi ko agad sinabi, natakot akong magalit ka sa akin kya bgla ko nlng inaalis ang komunikasyon ko sau kc kht na may asawa nko ramdam ko pa din ung pagmamahal ko sau, ayaw kong masaktan ka... sorry"

Melody: "Ganun ba?......Bakit hindi ka na lng naging totoo sa akin Mark, mas masakit to para sa akin eh, hindi ko alam kung bkt ganito kasakit......"

Mark: "im really sorry melody, di ko sinasadyang masaktan kita, ganito man ung sitwasyon ko ngayon tandaan mong totoo ung pgmamahal ko sau,alam mo yn"

Melody:"magingat ka lagi mark, mahal pa rin kita sa kabila ng ginawa mong to sakin, i think this will be the last time, nasagot na din sa wakas ung matagal ko ng tanong tungkol sa atin, ayoko ng masaktan pa kung ipagpapatuloy ko ang pakikipagusap sayo, ikaw ang kauna-unahang lalaking minahal ko, pakaalagaan mo ang asawa at mgiging anak mo, gudbye mark, gudbye to our first and last love for each other..."

Lumuluha akong nag log out at nagbayad sa counter, naglakad na pauwi at tuloy2 na umiyak...

Hindi ko na inantay pa ang anumang isasagot nya sa akin. Ayokong maghold on pa. Tama na Melody...

Bumuhos lang ang emosyon kong pinanghawakan ko ng ilang mga taon...

Nasaktan talaga ako sa balita nyang yun, ngunit wala akong karapatang magalit o magtanong, we never had an agreement, even a relationship, we don't even know kung ano ba talaga kami para sa isa't isa...

It ended...

Which I thought would never end,

which I wished should never end...

But it did ended here...

Dito ko na napatunayang hindi porket First Love mo e it will never die or end na...

Masaklap na ending...

Tuloy pa rin ang buhay, kaya yan.

And I do believe that behind this hurtful ending will start a beautiful beginning for me...

Mawawala ang lahat except for one thing, he is my FIRST...

And always will be the FIRST LOVE OF MINE...

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Melody's Note:

After that, wala na po totally, hindi ko na rin sya hinanap pa ulit, masaya na ako para sa kanya ayoko maungkat pa ang nakaraan at makasira pa ako sa present life nya, ubos na din yung pain na naramdaman ko that time.

I know in my heart, masaya na rin sya sa piling ng pamilya nya...

ツ ganyan po talaga ang buhay, hindi naman tayo ang makakapagsabi ng destiny natin...

Patience... Yan ang kailangan, darating yung karapat-dapat sa buhay natin balang-araw, wag nating ipush ung standards na gusto natin sa isang tao, requirements, qualifications o ibase sa napanood na movie o teleserye yung buhay natin. God will always make the ways even miracle pa, kahit hawiin pa nya ang dagat magkita lang kayo ng true love mo na nakalaan para sayo. We just have to believe and trust Him. The more na ipilit natin, the more na mali pala yung pinipili natin minsan na way...

Ito lang po yung unang part ng buhay pag-ibig ko...

Kahit hindi happy ending sana nagustuhan ninyo!!!

Isang matalik na kaibigan ko ang shinarean ko nito, hindi ko inaasahang mapapaluha sya, naramdaman daw nya yung totoong feelings behind this story. Iba ang pagaakala nyang ending.

Ako din naman, ibang ending ang hiniling ko kung hindi beginning para sa amin...

I guess yun na yun para samin, hindi kami ang para sa isa't isa...

Parang movie lang to ngaung mga panahon natin na hindi mo inasahang ito ang ending na ibibigay sa atin ng direktor. Kasi nasanay tayo na laging happy endings...

At hindi po ito basta kwento lang, tunay na karanasan po ito, a roller coaster emotions of mine...

Hope nagustuhan nyo po!!!

*kung bigyan nyo pa ako ng chance, at nagustuhan nyo po ito, gusto ko din maishare sa inyo yung love story pa after this FIRST LOVE ko at maging ang PRESENT LOVE STORY KO*

Salamuch po sa pagbasa!

Yours truly,

/melody/

FIRST (tagalog story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon