Page 4

80 1 0
                                    

Grade 6-1

2006

14 years old

Early year ng 2000 nagstart mauso ang mga koreanovela.. May mga napupulot naman ding mga aral at lessons in love sa mga pinanonood ko, isa pa uso talaga yun hanggang nitong grade 6 ko bukambibig yan sa school. Higit pa dun nakakakilig kasi at parang yung ibang mga kwento mararamdaman mong parang katulad ng sa buhay mo...

Melody:

"Gagraduate na ko by this year... Anu na kaya ang nangyari sa pagaaral ni Mark, wala na ko naging balita pa kahit kay Ate Ces..."

At dahil nga lumalaganap na din ng panahong ito ang adiksyon ng mga kabataan sa PC o personal computer, at dinadayo na din araw2 ang mga computer shops kung san magrerenta ka lamang ng pc, makakagamit ka na kahit wala ka nito sa bahay mo. Nagsimula ang social networking sites, isang patunay ko dito ang pagkahumaling ko sa FS-Friendster :) ♥

Na hindi ko inakalang ito pala ang magtutulay sa amin muli ni Mark!!!

Allison(classmate ko, isa sa pinakamalapit na kaibigan ko, tatlo kami actually kasama si Axeline, kami ang naturang PPF nun, power puff girls haha!): "Tara na gurls, magreresearch pa tayo saglit lang naman tayo."

Axel: "Ok tara na. Lika na ate melody."

May acct na ako sa FS matagal na, hindi ko inaasahan na sa pagchecheck ko ngayong araw nato ay makikita ko muli si Mark...

Melody: "hummm... One Friend Request... Sino kaya to? (click) John Mark Banzon!!!!!!!!!!!!!! Haaaa!!!!" (Napasigaw ako ng bahagya)

Allison: "o te anong nangyari sayo?!"

Axel: "wui ayos ka lang ba?!!"

Melody: "ah .... ah oo,oo. wala ito.. go lang research lang kayo..." (ipit na ipit ang ngiti at kilig ko)

Binuksan ko yun, inadd sya at nagmensahe agad2. Inattach ko din ang number ng cellphone na gamit ko para naman mas madali kaming magkausap uli kapag nabasa nya yung msg.

Tuwang-tuwa akong tinitigan ang mga picture nya. Mas pumayat yata sya, at ang kuha ng pics ay mula sa webcamera ng para ding computer shop type ung paligid ng background na nahagip..

Lumulundag ang puso ko... Isa lang ang naisip ko, pwede na kami ulit magkita...

Buomg maghapon sa Graduation Marching Practice ay para akong lumulutang sa ulap ...

Haaaaaaay :)

FIRST (tagalog story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon