Page 8

89 2 0
                                    

After 3 days, may nagtext sa akin na unknown number, hindi ko inisip na si Mark yun kasi nga involve na ako sa dalawang text clans, kaya maya't maya ding may nagtetext sa akin na hindi ko kilala...

Unknown number:

"hi mel, kmusta?"

Melody:

"hi din sau, cno poh kau, pkilala ka poh"

(toot.. Message Sent)

Remember the jejemon days, ung malalala magshortcut ng words sa texting...

Unknown number:

"mel c mark toh.... kmuzta ka nah?i miss u!"

1 message received

Melody: "waaaaaaah! Si Mark ? for real na ba ito ! Shucks!"

Halos nagtatalon ako nito sa tuwa, hindi ko alam paano titili ng hindi naririnig ng nanay ko, hanep ang hirap pala pigilin!

Tuloy-tuloy ang texting na yun, nalaman kong nagttrabaho sya sa isang delivery goods truck, kumbaga kargador sya, batangas ang natatandaan kong nabanggit nyang area of delivery nila, batangas to nueva ecija, vice versa. Maliit lang ang kinikita nya, pero hindi yun ang inisip nya, inisip nya yung chance na kumita kahit paano...

Tinapos na lang din pala ni Mark ang Grade 6 para makapagaral ung mga kapatid nya, sya na naman ang nagparaya. Nanghinayang ako kasi may talinong taglay si Mark.

Masaya akong makausap sya pero malungkot ako sa kalagayan nya. Kung matutulungan ko lang sana si Mark...

Matagal din kaming nagkatextan, dumalas na rin un sa araw-araw nitong bakasyon ko... Nasasambit na rin nya sa akin ang I love You..

Mark: "mel mhal kita,unang araw plng qta nakilala nun minahal n kta tlga,d q man maintindhan qng bkt ang blis kumabog ang dib2 q sau nun"

.....

Mark: "xau lng aq ngka ganito melody, mhal n mhal qta, i love u."

.....

Mark: "cmula ngaun mel, firstlove q na ang twagan ntin, dhl tau nmn tlga ang mgfirstlove dba?"

.....

Melody: "oo nman Mark, i mean firstlove ko! :)"

....

Ilan sa mga natatandaan kong mga naging msgs nya sa akin that time. Nangarap din kami, na pano kung kami nga talaga ang magkatuluyan...

Saya ang tangi kong naramdaman. Naging panatag ako, nalunod sa pangarap na kaming dalawa ang para sa isa't isa, dahil first love nga naman namin ang isa't isa...

Isang bagay lang ang di namin nalinaw sa isa't isa... Ano nga ba talaga kami ni Mark?

Di naglaon,

nakakalungkot na bigla na namang nawala yung komunikasyon namin.. Nawala na naman sya...

Busy na muli ako sa pagaaral...

By this time, iba na din naman ako magisip, reyalidad na ang inisip ko... Baka may humahadlang samin ni Mark? Baka hindi ko pala yun dapat asahan o ipilit pa? Baka naman sinasabi nya lang ang mga bagay2 para hindi ako masaktan pero may dapat talaga akong ikasakit?

Huminahon na ko... Makailang beses na ding inisip ang lahat... Tatanggapin ko na lang siguro anu man ang hatol ng tadhana para sa aming dalawa.

Kahit na ayaw tanggapin ng puso ko...

May spark of little hope pa rin sa akin...

At ayoko yun mawala unless, panahon na talaga ang magpahinto sa akin.

FIRST (tagalog story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon