Chapter 1

499 21 4
                                    

"Ree, please.." sabi ni Axel habang hinahabol si Ree. Nasa tapat sila ngayon ng building kung saan nakatira ang dalaga. "Let's talk."

Humarap si Ree sa kanya at saka niya tinanggal ang braso niya sa pagkakahawak ni Axel. "Wala na tayong dapat pag-usapan."

Pero bago pa man siya makalayo ay nakuha ulit ni Axel ang braso niya. "Ree naman.. pag-usapan natin 'to," sabi niya at saka siya lumuhod habang hawak-hawak pa rin ang kamay ng dalaga. "Please, give me another chance.. please.."

"Get your hands off me," she said coldly.

"Ree.." pagmamakaawa ni Axel. "I'll make it up to you. I promise."

"I said, get. your. hands. off. me."

Wala nang ibang nagawa si Axel kundi bitiwan ang kamay ni Ree. Tumayo siya at tiningnan ang dalaga habang naglalakad ito palayo sa kanya. "Why?"

Natigilan si Ree sa paglalakad at muli itong humarap kay Axel. "You want to know why?" sabi niya at nilapitan niya ang binata. "Because you don't have plans! Wala kang sineseryosong bagay. Lahat dinadaan mo sa pagpapa-cool! Axel, hindi ka na bata and don't act like a kid! You're already 23 years old for pete's sake! Nakapa-immature mo."

Napayuko si Axel at saka niya ulit tiningnan si Ree. "Magbabago na ako. Just give me another chance. Please."

Ree chuckled and she crossed her arms. "Ilang beses mo nang sinabi yan."

"Last chance.. babe.. please?"

"Babe? Don't call me babe. We're done," sabi ni Ree at umalis na ito. Pero agad ulit nakuha ni Axel ang braso niya at hinarap ito sa kanya. "Ano ba! Bitiwan mo nga ako!"

"Wag mo akong iwan.." sabi ni Axel habang naiiyak ito. "Paano na tayo?"

"Hindi ka ba marunong umintindi?!" sigaw ni Ree. "Wala nang tayo. So would you mind?"

Tuluyan nang umalis si Ree at naiwanan si Axel na nakatayo roon. Maya-maya ay biglang nagring ang phone niya.

"Axel! Nasaan ka ba? Hinahanap ka ni boss. Yari ka na naman."

"Papunta na."

He hangs up at nagmadali siyang nagmaneho papunta sa Makati kung saan siya nagtatrabaho. Pagkadating niya doon ay agad niyang nakita si Fifth at lumapit siya sa table nito.

"Si boss?"

Umangat ng tingin si Fifth. "Nandoon sa office niya. Yari ka na naman dun."

"Torres! In my office. Now!"

Napalingon ang dalawa sa kinatatayuan ng boss nila. "Speaking of.." mahinang sabi ni Fifth.

Tumingin ulit si Axel sa kanya at sinenyasan niya ito na pumunta na. Agad naman sumunod si Axel at pumasok ito sa opisina ng boss nila.

"S-sir.."

Nakatayo siya ngayon sa harapan ng table na nandoon.

"Sit," utos sa kanya ng boss niya at sinunod naman agad niya ito.

Napalunok si Axel at saka siya nagsalita. "May problema po ba?"

Tiningnan siya ng lalaking nasa harapan niya at saka nito nilapag ang mga papel sa table. "Malaki! Malaki ang problema. Tingnan mo 'yan! Puro mali ang designs mo!" at napayuko lang si Axel. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayusin mo ang trabaho mo! Puro ka na lang sablay. This isn't the first time Mr. Torres."

"Sorry sir."

"Wala ka bang ibang sasabihin kundi sorry? I want a good design Torres. Finish this before 3pm!"

"Yes sir."

Kinuha niya ang rejected designs niya at bumalik siya sa table niya. Nakita naman siya ni Fifth at tiningnan niya ang kaibigan niya na nasa katapat lang niyang table.

"Rejected na naman?" tanong ni Fifth. Isa si Fifth sa mga kasamahan niya sa Architecture firm na pinagtatrabahuhan niya. Naging kaibigan na rin niya ito at minsan nakakasama niya ito sa mga gimik niya.

"Ano pa nga ba," sabi ni Axel habang pabagsak na umupo sa swivel chair at tiningnan niya ang mga designs niya. "Maganda naman 'to ah."

"Sa paningin mo oo, pero kay boss hindi. Pangit. Mali."

Sinamaan niya ng tingin si Fifth at tumawa naman ang kaibigan niya. "Tama naman ah," sabi ni Fifth at muli niya tiningnan si Axel. "Bakit ka ba late kanina? Lalo tuloy uminit ulo ni boss sayo."

Muling naalala ni Axel ang mga nangyari kanina.

"Huy!" sigaw ni Fifth. "Tulala ka na naman."

"Si Ree.." sabi niya at tumingin siya kay Fifth na nakatingin pa rin sa kanya. "Nag-away kami."

"Nag-away o nag break?" at tumawa ito.

Binato niya si Fifth ng eraser na hawak niya. "Sira! Magkakabati ulit kami," sabi ni Axel at tipid itong ngumiti.

"Alam na ba yan ni boss?"

Natigilan bigla si Axel. "Hindi pa.."

"Oh, pano yon?" sabi ni Fifth at tiningnan niya si Axel na nakatungo. "Baka mamaya tanggalin ka nun dito kapag nalaman niya na wala na kayo ni Ree."

"Hindi mangyayari 'yon," sabi ni Axel habang pinapaikot ang lapis sa kamay niya. "She'll be back in my life and i'll prove them na karapatdapat ako dito."

Fifth shrugged at bumalik na ito sa trabaho niya. Tiningnan siya ni Axel at binalik niya ulit ang atensyon niya sa paggawa ng design.

-

Hello. Uhm yeah.. so this is my 3rd story. Haha. Sana magustuhan at suportahan niyo :)

So this is about JaXel's lovestory (of course), ReeXel relationship, JacAne (my favorite lol) at siyempre hindi mawawala ang wonder friends na sina Alex, Michele at Fifth. Let's see kung paano papasok si Jane sa buhay ni Axel..

God bless!

Brighter Than Sunshine (JaXel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon